" Why did you say that you're on your way there? I won't let you go there Issay." Sambit nito sakin kung kaya't nagprotesta ako dahil ayoko sa lahat ay iyong nagtatampo si Penpen sakin.
"Kailangan kong pumunta sir, ayokong pag hintayin sina Tita Amanda doon." Pangungumbinsi ko sa kanya.
"You're not going there Issay." Humiga siya sa kama at mukhang matutulog yata.
"Sir Elijah pumayag na kayo please. Wala naman na akong importanteng gagawin."
" Meron Issay, you need to stay by my side." Nakapikit na saad nito.
"Sir kailangan ko na talagang umalis, naghihintay na sila sakin please." Napangisi ako ng pilyo at pinitik ang ilong niya.
"Aawww.. why did you do that?" Iritang tanong nito.
" 'Nag peace sign na lang ako sa kanya' Ginaya ko lang naman ang ginagawa niyo sakin eh." Grabe naman siya kung ako nga hindi naman ako nagrereklamo 'pout'.
"Psh, just stay."
"Sir payagan niyo na kasi ako. Please.." Nag puppy eyes pa ako sa kanya. Malay ko ba, baka matablan siya ng karisma ng isang Issay Cortez. Sabi ko sa sarili na tila nababaliw dahil sa naisip ko.
"Fine!! In one condition." Tila nabuhayan ako ng loob dahil sa narinig.
'Phone Ringing'
Tumunog ang cellphone niya kung kaya't kinuha niya muna ito.
"Hello dad?" Sagot niya dito.
Ano kaya ang itsura ng daddy ni sir Elijah? Guwapo din kaya iyon? Matanda na? Ang mommy niya kaya? Iyon ang naisip ko sa mga sandaling ito. Na cucurious lang kasi ako.
"What!!? Fine!! I'm coming!!." Sabi nito dahil sa irritasyon. Ano kaya ang pinag usapan nila? Pagkatapos niyang sabihin iyon ay binaba niya na ang tawag.
"Ok lang ba kayo Sir?"
"Issay I need to go. It's an important matter. You should go back here at exact 5:00 pm. You understand?" Hinapit nito ang bewang ko at agad akong hinalikan at pagkaraay tumigil din.
"Uhmm, salamat po sa pagpayag niyo." Umalis na siya sa kama at nag suot ng sapatos niya.
" You're just lucky today." Pinagmasdan ko lang siya habang nagsusuot ng sapatos niya. Bakit ba ang guwapo ng lalaking ito? Kahit nagsusuot lang ito ng sapatos ay tila nagmomodel na. Siguro ng umulan ng kaguwapohan ay nasalo niya lahat, tch.
"Let's go Issay." Agad din kaming umalis. Habang naglalakad kami ay naka sunod lang ako sa likod niya. As usual ang mga kamay niya ay nasa bulsa na naman.Walang umiimik samin habang naglalakad hanggang sa nakarating na kami sa loob ng elevator. Tila napakalalim ng iniisip niya ngayon. May problema ba siya?
"Remember our condition Issay, you should be back in the hotel at exact 5:00 or else you'll regret it."
Nang makalabas na kami sa hotel ay hinawakan niya ang mga kamay ko at hindi naman siya siguro makikilala ng mga tao dahil naka cap at shades siya ngayon.
"Uhmm, Sir puwede niyo po bang ituro sakin kung nasaan iyong garden na tinutukoy ni Penpen? Hindi ko po kasi alam kung saan iyon."
"I will take you there first before I go."
"Thank you po." Hayyss ang bait talaga ni Sir Elijah kaso nga lang hehe naku wala iyon. Kalimutan mo na lang iyong naisip mo Issay.
Nang matanaw ko na sina Penpen ay binitawan na niya ang kamay ko.
"Remember our condition Isabella." Pagpapaalala nito sakin.
" Upo 'I smile'." Umalis na din siya kaagad. Grabe naman si Sir Elijah, may pa curfew pang alam. Mas strikto pa siya kay itay eh. Pumunta na ako agad sa kinaroroonan nila Penpen. My isang table at apat na silya na nakapalibot dito. May mga pagkain na din na naka hain at nandoon na sina Tita Amanda at Kiara. Nang makita ako ni Penpen na papunta na sa direksiyon nila ay agad niya akong sinalubong ng isang mainit na yakap.
"Issay!! I'm glad that you came." Sabi nito at yumakap sakin.
"Siyempre naman Penpen baka magtampo ka na naman diyan eh." Kumalas na siya sa pagyakap sakin at kinurot ang pisnge ko.
"You know me very well Issay." Umakbay ito sakin habang papalapit kami sa table. Sinalubong ako ng ngiti ni Kiara at ni Tita Amanda.
"Issay!!! I miss you!!" Kaagad naman akong niyakap ni Kiara. Nakakamiss talaga silang kasama
.
"Na miss din kita Kiara." Niyakap ko din siya pabalik.
"I miss you hija. Mas lalo kang gumanda ngayon ahh." Humalik naman si Tita Amanda sa pisnge ko.
"Mom, Issay is gorgeous as always." Singit ni Penpen kung kaya't kinurot ko ang tagiliran niya at agad namang humagikhik si Tita Amanda.
"Well, you're right son." Umiiling iling pa ang ulo nito at umupo na sa upuan.
"You sit here Issay." Hinila ni Penpen ang upuan ng kaunti para maka upo ako. Kahit kailan talaga ay napaka maasikaso ng bestfriend ko. Umupo na din ako at pati siya.
"How are you Issay?" Tanong sakin ni Kiara.
"Ok lang naman Kiara." Ngumiti naman ako ng bahagya.
" Let's eat." Sambit ni Tita Amanda kung kaya't kumuha ng kaunting kanin si Penpen at nilagay sa pinggan ko.
"Kaya ko na iyan Penpen." Lagi kasi siyang ganito sa tuwing magkamasa kaming kumain. Siya lagi ang naglalagay sa plato ko dahil daw kapag ako ay ang kaunti lang ang kinukuha ko. Nasanay na din sina tita Amanda dito sa anak niya.
"Issay let him do that, parang hindi ka pa nasanay diyan kay Stephen. 'She Chuckled' It's been a years na din na ginagawa niya yan."
"Kuya is sweet with you, but sakin? 'She Shrugged' Naku mag woworld war pa yata kami bago niya gawin iyan. 'She rolled her eyes'." Dahil sa sinabi niya ay napatawa kami ni Penpen at ginulo niya ang buhok ni Kiara.
"A jealous sister 'he chuckled'."
"Kuya!! You're ruining my hair style." Reklamo ni Kiara at inayos ang buhok niya. Ayaw pa naman niya sa lahat na nagugulo ang buhok niya.
"This is our favorite Issay. 'Nilagyan niya ng adobong manok ang plato ko' I cooked that for us."
Favorite kasi talaga namin ang adobong manok lalong lalo na kung si Penpen ang nagluluto. May history kasi yan eh.
FLASHBACK
Noong walong taong gulang pa lang ako ay naging malapit na kami sa isa't isa ni Penpen. Isang araw noon, habang naka upo ako sa putol na kahoy sa gilid ng palayan habang nagtatanim ng palay si Itay ay may dumating na dalawang kabayo at nakasakay dito ang batang tumulong sakin ng muntik na akong mahulog sa bangin.
May kasama itong lalaki na nakasakay sa kabayo at sa tingin ko ay body guard niya ito. Sa isang kabayo naman ay may isa ding lalaking nakasakay. Nang makarating sila meters away from us ay bumaba na sila sa kabayo at lumapit samin.
"Issay!!" Tawag sakin ni Penpen
"Anong ginagawa mo dito Penpen?"
"Basta, malalaman mo din." Umupo din ito sa putol na kahoy sa tabi ko. Lumapit naman ang mga bantay niya kay tatay.
"Magandang umaga po Mang Robert. Gusto po sana namin kayong maka usap." Sabi ng lalaking matangkad.
"Pinapunta po kasi kami dito ni Senyorita Amanda." Sabi ng medyo pandak na lalaki kung kaya't umahon na si tatay sa palayan.
"Magandang umaga din ho sa inyo 'ngumiti si itay sa kanila'. Hali kayo dito at baka maputikan ang sapatos niyo diyan." Sabi niya ng makalapit na sa dalawang lalaki at tinanggal ang sombrero na gawa sa abaniko.
"Sige po Mr. Robert." Sabi nila at sumunod kay itay.
"Pasensiya na kayo at tanging mga putol lang na puno ang puwede niyong upuan." Itinuro ito sa kanila ni itay at agad naman silang umupo.
"Naku ayos lang po." Sabi ng lalaking matangkad dahil hindi ko siya kilala.
"Salamat po." Sambit din ng lalaking medyo pandak.
"Ako nga po pala si Badong." So si badong pala iyong matangkad.
"Ako naman po si Melchor." Sabi ng may kapandakan na lalaki.
"Hali kayo dito young master." Tawag ni Badong kay Penpen at agad din itong pumunta doon.
"Hello po!! 'Masiglang bati nito kay itay' Ako nga po pala si Stephen Rosales, ang anak ni Mrs. Amanda pero Penpen na lang po ang itawag niyo sakin hehe."
"Kay guwapong bata mo naman Penpen." Ngumiti si itay sa kanya.
"Nga pala ito si Issay ang anak kong maganda at mana sa nanay niya." Dagdag pa ni tatay na tila proud sakin. Medyo nahiya ako ng kaunti dahil sa sinabi niya.
"Magkakilala na po kami ni Issay. Tsaka tama po kayo maganda nga siya." Uminit naman ang pisnge ko dahil kay Penpen.
"Bakit nga pala kayo pumunta dito?" Tanong ni tatay kina Badong at Melchor ngunit si Penpen ang sumagot.
"Ahmm kung ayos lang po sana ay gusto kong isama si Issay samin. Promise po ihahatid ko siya pabalik dito pagkatapos." Napangiti naman si tatay sa narinig.
"Sige Penpen, basta huwag mong papabayaan si Issay ahh." Nagulat naman si itay ng yakapin siya ni Penpen.
Ang nagustuhan ko kay Penpen bilang kaibigan ko ay ang pagiging magalang at mabait niya sa mga mahihirap na gaya ko.
"Huwag po kayong mag-alala Mang Robert dahil hindi namin pababayaan si Issay. Gusto din kasi siyang makita ni Senyorita Amanda dahil madalas na kinukuwentu ni young master si Issay sa kanya." Tumango naman si itay kay Badong.
"Anak mag iingat ka doon ah. Magpakabait ka at palagi mong tandaan ang lagi kong sinasabi sa iyo."
"Upo itay hindi ko makakalimutan, "huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sayo" 'sabi ko dahil ito ang lagi niyang bilin sakin'."
"Aalis na po kami Mang Robert." Sabi nila kung kaya't sumunod na ako at kumaway kay itay.
Sumakay ako sa kabilang kabayo kasama si Melchor at sina Penpen at badong naman sa kabila.
________
HACIENDA ROSALES
Pagkadating namin sa bahay nila ay namangha ako dahil ang laki at napaka ganda nito. Nang makababa na kami sa kabayo ay sinalubong kami ng napakaganda at maputing babae at agad na yumakap dito si Penpen.
"Mommy!! Issay is here!!" Bakas ang kagalakan sa boses nito habang sinasabi iyon.
"Hi Issay!!" Masiglang bati nito sakin.
"Hello po." Medyo nahihiyang tugon ko.
"Don't be shy Issay. Mommy is kind." Hinawakan nito ang kamay ko at hinila na papasok sa bahay nila. Nang makapasok kami ay inilibot ko ang mga mata ko sa loob. Napakaganda ng bahay nila grabe. Ito ang unag beses na nakapunta ako sa bahay ng mga mayayaman.
"Yaya Selen!! " Tawag ni Penpen sa babaeng medyo may edad na.
"Bakit Young master?" Tanong nito at napatingin din sakin at ngumiti.
"Yaya Selen ito po si Issay, ang kaibigan kong kinukuwento sa inyo."
"Hi Issay!! Ang ganda mong bata." She pat my head.
"Hello po." Ngumiti naman ako kay Yaya Selen.
"May kukunin lang ako sa itaas Stephen, ikaw na muna ang bahala kay Issay." Sabi ng mommy niya at umakyat na sa hagdan nilang kumikintab habang lumilikha ng tunog ang takong ng sandalyas niya.
"Yaya Selen gusto ko po sanang tulungan niyo akong magluto ng adobong manok para kay Issay."
"Sige young master."
Nakikinig lang ako sa usapan nila. Pagkaraay hinatak na ako ni Penpen papuntang kusina nila at and dami nilang gamit. Ang laki ng kusina nila, mas malaki pa sa buong bahay namin. Pinagmamasdan ko lang si Yaya Selen na nag hahanda ng ingridients para sa adobong manok at si Penpen naman ay kumuha ng upuan at pumatong dito para maabot ang lababo at makita ang ginagawa ng yaya niya.
"Alam mo bang nanalo sa cooking show iyang si young master Issay? Halos hakot niya lahat ng award dahil magaling siyang magluto." Ngumiti lang si Penpen sa sinabi ni Yaya Selen.
"Talaga po? Iyong gaya sa palabas sa TV?" Minsan kasi kapag kumakain ako sa karenderya ni Mang Conching ay napapanood ko sa TV ang ganoong klaseng kompetisyon.
"Oo Issay." Sabi niya at habang humihiwa ng manok at may ngiti sa mga labi.
"Ang galing mo naman Penpen!."
"Salamat Issay."
Nagsimula na silang magluto at ang bango nito at tila'y bigla akong ginutom. Excited na akong matikman ang luto niya. Ano kaya ang lasa niyon? Paniguradong masarap iyon siyempre. Pagkalipas ng ilang oras ay nakatapos din sila.
"Issay halika dito! Tikman mo na dali." Lumapit naman ako kay Penpen at tinikman ang luto niya. Nanlaki ang mata ko dahil sobrang sarap talaga ng adobo niya. Paborito ko na yata to.
" Wow!! Ang galing mo Penpen!! Masarap nga sobra!." Nag thumbs up pa ako sa kanya.
"Salamat Issay, sa katunayan nga ay paborito ko iyan hehe."
"Simula ngayon ay paborito na natin ito Penpen." Nag apir pa kaming dalawa sa tuwa.
Tumawa lang ng kaunti si Yaya Selen dahil sa pag-uusap namin ni Penpen.
_____
Simula ng araw na iyon ay madalas na akong sinusundo ni Penpen sa bahay at pumapayag naman si tatay. Tuwing pumupunta ako sa kanila ay nagluluto si Penpen ng adobong manok at tinutulungan namin siya ni yaya Selen.
End of Flashback
______
Nag simula na kaming kumain at nagkukuwento na si Tita Amanda tungkol sa pagiging single ni Penpen.
"Alam mo ba iyang si Stephen Issay, hanggang ngayon ay wala pa ding girlfriend. Baka nga tumandang binata iyan eh." Sabi ni Tita at kinuha ang glass at uminon ng kaunting juice at binalik din agad sa lamesa.
"Naku Tita, may gusto na iyang si Penpen at nakuwento niya na sakin ngunit hindi ko kilala kung sino."
"Kuya is such a torpe type of a guy' Sabat ni Kiara while rolling her eyes'." Nabilaukan naman yata si Penpen kung kaya't agad ko siyang binigyan ng tubig habang hinihimas himas ang likod niya.
"Hinay hinay lang kasi Penpen." Hindi ko alam ngunit dahil sa sinabi ko ay tumawa sina Tita at Kiara.
"Look Issay, Inaaway nila ako." Ipinulupot niya ang kamay niya sa braso ko at isinandal ng kaunti ang ulo sa balikat ko na tila batang nagsusumbong.
"Psh, para kang bakla kapag nandiyan si Issay kuya." Kumuha ng kaunting salad si Kiara at kinain at si tita naman ay ngumiti lang at umiling.
"Penpen umayos ka nga." Kinurot ko ang tagiliran niya kung kaya't umupo na ulit siya ng tuwid.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain habang masayang nagkukuwentuhan hanggang sa nabusog na kami. Pagkaraay may kinuha si Kiara sa maliit na basket at alam kung wine yata ito. Mahilig kasing uminom si Kiara ng mga wines.
"This is a Red Zinfandels wine. It has 15. 5 % of alcohol. It is one of the most alcoholic wines in the world." Binubuksan niya ang wine at pagkaraay nag salin sa baso niya.
"You're such a wine lover Kiara." Saad ni Penpen at nagsalin sa baso niya at pagkatapos ay ganoon din ang ginawa ni tita.
"You should try it Issay." Sabi ni Kiara habang naka ngiti sakin at kumuha ng isang baso at nilagyan ito. Pagkaraa'y binigay din sakin.
"Issay won't drink that." Akmang kukunin na ni Penpen ang baso ngunit pinigilan ko siya.
" It's okay Penpen, minsan lang naman to eh." Straight na nilagok ko ang wine at sumama ang timpla ng mukha ko dahil ang panget ng lasa at gumuhit ang init nito sa aking lalamunan.
"Pffftttt... Hhahahha.. That's normal for a begginer like you Issay." Kiara said while laughing a bit.
"Masasanay ka din hija." Dagdag ni tita Amanda.
"You Okay?" Tanong sakin ni Penpen na tila'y nag aalala.
"Hehe, Okay lang ako Penpen. Hindi naman ako mamatay sa wine na iyan." Sagot ko dito.
Nagpatuloy lang ang kuwentuhan at pag inom namin at pagkaraa'y tila umiikot na ang panigingin ko.
"Penpen anong oras na ba?" Naalala ko kasi ang curfew ni Sir Elijah, tch.
"Its 5:30 pm Issay." Sagot nito sa tanong ko matapos tignan ang relo niya.
"Ano!? Uuwi na ako 'hik'. Magagalit si Sir Elijah." Tumayo na ako ngunit na out of balance ako dahil tila umiikot ang paligid at mabuti na lang ay nasalo ako ni Penpen at pinaupo ulit sa upuan.
Stephen's POV
Issay is drunk. Her face is getting red which I find cute.
"Penpen hehe mags-swimming kami 'hik' mamaya." Umaksiyon pa na tila lumalangoy kung kaya't napatawa ako.
"Bukas na Issay, lasing kana eh."
"Stephen ihatid mo na si Issay. Baka pagalitan iyan ng boss niya." Mom said.
"Ikaw na bahala kay Issay kuya. Mom, tara na mag na night swimming pa tayo eh." Hinila na ni Kiara si mommy pabalik ng hotel.
"Hindi ako lasing Penpen 'hik'."
"Let's go." Inalalayan ko na siyang maglakad para makabalik sa hotel nila.
"Penpen lumilindol ba? 'hik' hehe. Gumagalaw ang lupa grabeehhh." Sabi nito sakin kung kaya't napatawa ako ulit.
"Issay ganyan talaga kapag lasing ka 'I chuckled'." Pagewang gewang kami kung maglakad dahil sa kanya.
"Ooohh giliw ko!!!!! 'Birit na kanta ni Issay which I find funny' Miss na mish 'hik' kita!!!." Dahil sa sobrang likot niya maglakad ay binuhat ko na siya in a bridal way.
"Penpen lumilipad na ako tignan mo 'hik'!"
" 'I chuckled again' You know what? You're like a crazy woman when you're drunk."
" 'Pout' Grabe ka naman Penpen shakin 'hik' hindi naman ako baliw."
"By the way Issay, anong floor ba ang room mo?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko alam kung saan.
"Penpen 'hik' nakalimutan ko eh." Nagsimula na naman ulit itong kumanta.
"Leron leron 'hik' shinta buko ng papa 'hik' ya." Kumanta lang siya habang buhat buhat ko. Mas mabuti pa siguro na sa room na lang nina Kiara dalhin si Issay. I don't care if that nerd will fire her. That's much better. I was about to go in the different direction but I see Elijah Levi walking towards us.
"What did you do to her Rosales?"
"It's none of your business." I said calmly and when Issay saw him ay agad itong tumigil sa pagkanta.
"Sir!! 'hik' Penpen ibaba mo na 'hik' ako."
Dahil sa sinabi ni Issay ay binaba ko na siya at agad itong yumakap kay Elijah which pissed me off. Kinuyom ko ang kamao ko dahil sa nakita.
"Sir,umuwi na 'hik' tayo. Huwag mo ng awayin si Penpen." Agad siyang pinasan ni Elijah na parang sako ng bigas at umalis na palayo sakin.
"Bye Penpen!!." Sabi nito habang kumakaway sakin. Wait and see Jerk. I'll get Issay from you soon.
______
Isabella's POV
Hindi pa rin tumitigil ang lindol. Gumagalaw pa rin ang lupa anu ba yan! Hmmmpp.. nandito na ako ngayon sa room namin at inihiga na ako ni Sir Elijah sa kama ngunit bumangon ako. Ano ba kasi iyan nakaka inis naman siya ayaw ko pa matulog eh.
"You're Late."
"Alam mo bang 'hik' uminom kami ng ano nga iyon hehe 'hik' nakalimutan ko." Sinabi ko sa kanya siyempre para malaman niya.
"You're drunk woman."
Hayysss...napatingin ako sa mga labi niyang gumagalaw. Hihi, bakit ang lambot tignan. Kiss ko kaya muna siya.
"Pa kiss ako Sir." Inilapit ko ang labi ko sa kanya ngunit umatras siya. Grabe naman. ayaw niya na ba sakin? 'I pout'
"I don't want to kiss a drunk woman." Ang sama naman niya. Kiss lang naman eh.
" Kiss lang naman ang 'hik' damot mo." Tila nasusuka na din ako.
"Hey huwag diyan Issay." Mabilis niya akong binuhat papuntang banyo ngunit hindi pa nakaabot doon ay nakasuka na ako sa damit niya.
"F*ck!! You're really a pain in my ass." Reklamo nito at binaba ako. Hinubad din niya ang kanyang polo.
"Sorry 'hik' naman." Sabi ko at hindi napigilang umiiyak dahil ang sama niya. Pinagalitan niya ako.
"Why are you crying all of the sudden?"
"Waaaahhhhh!!...Ang sama mo 'sniff' Inaaway mo ako.. Isusumbong kita kay Penpen." Aalis na sana ako sa banyo ngunit binuhat niya ako at binaba sa kama.
"You'll regret this tomorrow Isabella."
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Bakit ba biglang uminit at pinagpawisan ako? Dahil ba ito sa ininom ko? Huhubarin ko na sana ang damit ko ngunit pinigilan niya ako at ginapos ang kamay ko gamit ang necktie niya.
"Ano ba iyan, kunin mo nga to." Reklamo ko sa kanya habang nagpupumiglas. Ang sama niya talaga sobra.
"You're so silly. Can you just sleep ?" Pagkaraa'y dinapuan na din ako ng antok at nakatulog din.
: )