Chapter 2 : Lost

2291 Words
Isabella's POV [Insert "What hurts the most" song by Rascal Flatts] https://youtu.be/LcM9ElA1VHk Play niyo na lang ang vid sa taas : ) Feel the moment everybody ^_^ Hindi ko alam kung saan na ako napadpad. Nang maka alis na ako sa hotel ay naalala kong wala pala akong dalang pera. Ang tanga lang diba? Hahaha [insert sarcastic tone]..Siguro ng umulan ng katangahan nasalo ko lahat. Anong magagawa ko, maybe I'm born to be stupid. Nakakainis bwes*t!! Sabi ko habang walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko. Pinagpatuloy ko ang paglalakad kahit hindi ko alam kung saan ako tutungo. Hapon na ngayon at ang dilim ng kalangitan. Tila nakikisabay ito sa hinagpis na nararamdaman ko ngayon. Mabuti pa ang langit nagpapakita ng simpatya kahit papano. *Sigh* Nang makakita ako ng park ay agad akong nagpunta doon at umupo sa duyan. Hindi masyadong matao ang lugar na ito kung kaya't mailalabas ko lahat ng sakit na nadarama ko ngayon. Siguro'y walang masyadong tao dahil parang uulan yata. Napaisip tuloy ako...kung hindi ako pumayag sa alok ni Manang Olivia, mangyayari kaya sakin ito? Kung buhay pa sana si Inay ay hindi nangyari sakin ito. Nagkamali ako at alam kong wala na akong magagawa pa dahil nangyari na. Tao lang naman ako at nagiging tanga minsan. Ngunit ang katangahang ginawa ko ngayon ay hindi basta basta. Sinuway ko ang isa sa mga mahahalagang payo sakin ni inay. "Patawad po nay."Sabi ko at tumingin sa kalangitan. Walang tigil sa pag daloy ang mga luha ko sa aking pisnge habang kumakawala ang malalakas kong hikbi. Sabi ni Inay na ang p********e ko ay ibigay ko lang dapat sa lalaking mahal at papakasalan ko pero anong ginawa ko? Hinayaan ko lang si Sir Elijah na kunin ito ng ganoon lang kadali *gulp*. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa napansin kong madilim na ang paligid at tanging mga dim lights at street lights na lang ang nagbibigay liwanag sa park. Pagkaraay bumuhos ang malakas na ulan. Tuwing umuulan ay gumagaan ang pakiramdam ko. Tuwing naririnig ko kasi ang ritmo at awit nito'y pakiramdam ko natatangay lahat ng pag aalinlangan ko kaya gustong gusto ko talaga kapag tag-ulan. Hindi ako umalis sa duyan habang pinapakiramdaman ang pag patak ng ulan saking balat. Ako na lang ang taong natira sa park at hindi ko alintana iyon. Hindi ko na alam kung paano makakabalik sa Hotel. I'm Lost but I don't care. Wala namang maghahanap sakin at alam ko iyon. Si tatay lang yata ang hahanap sakin kapag nawala ako at syempre si Penpen. Nang maisip ko si tatay ay biglang lumakas ang loob ko at naalala kong kailangan kong lumaban. Hindi porket nawala ang pagkabirhen ko ay dito na titigil ang mundo ko. Hindi naman basihan ito upang maging mabuting tao tayo. Tama, kailangan kong bumalik at magkunwaring wala lang iyong nakita ko. Tama iyan Issay. Wala lang iyon, dapat kalimutan ko na lang lahat. *Aaaachhuuuu!!* Bumahing na ako dahil sa sobrang lamig na nararamdaman ko ngayon. Maglalakad na sana ako ngunit nadulas ako at tumama ang tuhod ko sa bato. " Aray!!" Daing ko sa sobrang sakit. Nasugatan ang tuhod ko at dumugo ito. Naka dress kasi ako na kulay pink ngayon na ibingay sakin ni Penpen noong nakaraang kaarawan ko kung kaya't walang proteksiyon ang tuhod ko ng tumama sa bato. Paano na ako babalik sa Hotel? Isa na yata ako sa pinakatangang tao sa mundo. Argghhh.. Nakaka inis bwesit! " Isabella!!" Rinig ko ang boses na pamilyar sakin. Kung hindi ako nagkakamali ay si Sir Elijah iyon. Tumatakbo siya papunta sakin na parang pagod na pagod habang basang basa na dahil sa malakas na ulan dahil wala itong dalang payong. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inakalang hahanapin niya ako. May sumilay na kunting kasiyahan sa aking dibdib dahil doon.. Siyempre hahanapin ka niya Issay dahil katulong ka, kung wala ka ay wala siyang mauutusan at mapaglalaruan sa kama diba? Huwag kang umasa masasaktan ka lang. Parang sira ulong pangaral ko sa sarili. " What the heck are you doing here!?" Sigaw niya sakin ngunit hindi ko siya sinagot at tatayo na sana ako ngunit napaupo ako ulit sa damuhan dahil sa sobrang sakit ng tuhod ko. Para iyon lang hindi na ako makatayo. Ang lampa mo Issay kainis!! Bubuhatin niya sana ako ngunit tinulak ko siya. Ayokong kaawaan niya ako dahil sa sitwasyon ko ngayon. Baka isipin ko na lang bigla na may gusto din siya sakin. Huwag na uyy, medyo tanga pa naman ako mag isip minsan. "K-kaya ko maglakad" Sabi ko habang pinipilit na tumayo ngunit bigo pa rin ako. Bwes*t na mga paa to ayaw makisama. " What is your problem Isabella?!! You can tell me!!" Sigaw niya sakin kung kaya't mas nainis ako. Hindi niya ba alam na siya ang problema ko? Gusto niya bang isigaw ko sa pagmumukha niyang, hoy ikaw ang problema!! Now you know!! Kairita.. Bakit kasi nasasaktan ako? Pati puso ko ayaw makisama.. " W-wala akong problema." Sabi ko at kumawala na naman ang mga luha sa aking mga mata. Wala pa ding tigil sa pag buhos ang ulan at sinasabayan ito ng mga luha ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Diba ang galing kong mag sinungaling..Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko dahil parang may bumabara sa lalamunan ko na hindi ko matukoy kung saan galing.. " For petes sake Isabella! Tell me! you're driving me crazy. Look at yourself, do you think I won't see the tears flowing from you eyes?" Sabi niya habang sinasabunutan ang sarili sa inis. Paano niya nalaman na umiiyak ako? Sobrang lakas pa naman ng pagbuhos ng ulan. Naalala ko na naman ang sinabi ni Inay. " Alam mo ba Issay na ang taong makakakita ng luha natin kahit na nasa kalagitnaan tayo ng pagbuhos ng ulan ay ang taong nakatadhana para sa atin?" Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na iyon na sinabi sakin ni Inay. Totoo kaya iyon?Baka nagkataon lang naman. Pero paano kung totoo? Aasa na naman ako? Pagkamaya maya'y nararamdaman ko na ang panghihina ng katawan ko dahil hindi pala ako nakaka kain simula ng dumating kami sa Maynila. Naramdaman ko ang mga braso niya dahil binuhat niya ako kung kaya't umangat ang katawan ko mula sa damuhan. Hindi na ako nagreklamo pa dahil gusto ko na ding magpahinga. " Please don't do it again." Sabi niya at naglakad na pabalik sa hotel. Parang dinapuan ako ng antok at tuluyan na akong nakatulog. __________ *HOTEL* Isabella's POV Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko tila umiikot ang hinihigaan ko. Bumangon ako ngunit sobra talagang sakit ng ulo at ng tuhod ko. Pinilit kong tumayo para uminon ng tubig dahil nauuhaw ako. Nang maka alis na ako sa kama ay pa giwang giwang ako kung maglakad habang nakahawak sa ulo ko dahil sobra akong nahihilo. Matutumba na sana ako ngunit may mga brasong sumalo sakin at nakita ko ang madilim na mukha ni Elijah na tila na iinis sakin. Inalalayan niya ako at pinahiga sa kama. Pagkatapos nun ay nagsalita siya. " Can you just rest and please stop forcing yourself to stand if you're not feeling well! stupid!" Sabi niya kung kaya'y uminit ang ulo ko sa stupid na sinabi niya. Oo, alam kong tanga ako ngunit kailangan ba talagang ipamukha niya sakin iyon. " Alam kong isa lamang akong hamak na katulong sayo. Pasensiya ka na kung nakakaabala ako." Sabi ko sa kanya dahil iyon ang katotohanan. " You're my special maid Issabella!! Can't you see it?" Iritang saad nito. " Tama ka * sabi ko at ngumisi*. Special maid ako dahil pati sa kama ay pinagsisilbihan kita." Sabi ko in a sarcastic way. Hindi ko napigilan pa ang sarili ko dahil sa inis. " You're blinded with your thoughts Issay." Ito ang unang beses na tinawag niya ako gamit ang palayaw ko kung hindi ako nagkakamali ay narinig niya ito kina mang Japer o Manang Olivia. May kinuha siyang gamot at tubig at ibinigay ito sakin. Hindi ko pa sana iinomin ngunit nagsalita siya na ikina tindig ng balahibo ko. "If you're not going to drink it I'll f**k you even you're sick." Pagkasabi niya nun ay ininom ko na agad ang gamot dahil ayoko ng ulitin ang katangahan ko. Wala talagang pinipili ang lalaking to, kahit may sakit ready talaga siyang makipag chugchugan. Mabuti na lang at hindi siya nagkaka Aids sa mga ginagawa niya. Pansin kong kumuha siya bowl at may laman itong sopas. Susubuan niya sana ako ngunit nagsalita ako. "Kaya kong kumain mag-isa. Nakakahiya naman sayo. Amo kita at ako dapat ang naisisilbi sayo." Kukunin ko na sana ang sopas ngunit inilayo niya sakin ito. "Don't make me mad Issay. Masama akong magalit." Hindi na ako nagreklamo pa baka kung anong gawin niya. Nag paubaya na lang ako sa mga ginagawa niya. Hindi ko mapigilang mapatitig sa mukha niya habang hinihipan ang sopas. Buong oras habang pinapakain niya ako ay nakatitig lamang ako sa kanya at hindi ko maalis ang mga mata ko hanggang sa maubos na ang sopas ng hindi ko namamalayan. Wala akong mababakas na emosyon sa mukha niya ngayon. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Sana kasi naging manghuhula na lang ako para alam ko. Napasinghap ako bigla ng linagay niya ang palad niya sa noo ko. " You still have a fever." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinanggal niya ang kumot at tinignan ang tuhod ko. Napaiwas ako ng tingin dahil tumingin din siya sakin habang nakataas ang isang kilay. Teka siya ba ang nagpalit ng damit ko? Napahigpit ang kapit ko sa bed sheet dahil sa naisip. " I-ikaw ba nagpalit ng damit ko?" Tanong ko sa kanya at hindi ko naiwasan ang pag-init ng pisnge ko. "Yes I did..Don't be shy I already saw you naked. By the way I will clean your wound, just wait for a minute, kukuha lang ako ng first aid kit." Sabi niya na tila wala lang ito sa kanya. Parang sanay na sanay na siya sa ginagawa niya. Matapos ang ilang segundo'y dumating na siya bitbit ang isang kit. " Let me clean it first." Nilinis niya ang sugat ko at nang matapos ito ay ibinalik niya na ang first aid kit sa cabinet. Napa isip ako. Ilang babae na kaya ang inalagaan niya? Ilang babae na kaya nag nabihisan niya? Siguro'y hindi na mabilang. Hayysss.. Habang nag iisip-isip ako ay may narinig akong boses na hindi pamilyar. "Levi open the door." Tinig iyon ng isang lalaki na naririnig ko sa maliit na device sa pintuan ng silid namin. Tamad na naglakad si Sir Elijah pa punta sa pinto at bumungad ang lalaking may kulay pulang buhok, maputi at gwapo din na naka ngisi sa kanya at agad na niyakap siya at tinulak niya din ito agad na tila'y nandidiri. " What are you doing here Lucas?" Tanong ni Elijah sa lalaki at pumasok na sa loob. Nang makita ako ng Lucas ay mas lumapad ang pag ngisi nito. " Hi, I'm Elijah's cousin." Sabi niya at inilahad ang kamay niya na agad namang tinapi ni sir Elijah. "She's sick jerk." Sabi niya kay Lucas na ikina ngisi nito. " You're over protective huh." Sagot nito at umupo sa mini sofa ng silid. " I'm not. Youre overthinking.." Depensa ni sir Elijah sa sinabi nito. " Hey Ms., What's your name?" Tanong ni sir Lucas sakin. " Isabella." Sagot ko sa kanya. " What a nice name, it suits to a gorgeous girl like you." Sabi nito kung kaya't binato siya ni Elijah ng unan. "*Lucas chuckled* A possessive boyfriend ." Sabi niya kung kaya't sumali na ako sa usapan. " Ahmm sir Lucas personal maid po ako ni Sir Elijah." Parang namangha pa talaga siya sa narinig at hindi ko alam kung bakit. " Woaaahhhh.. A hot and gorgeous maid Levi." Sabi ni Lucas na tila inaasar si sir Elijah. " Shut up Lucas!" Hindi ko na napansin ang mga pinag-uusapan nila dahil unti-unting bumigat ang dibdib ko na tila hinahabol ko na ang paghinga ko. Katapusan ko na ba? Sa pagkakaalala ko'y wala naman akong sakit sa puso ahh. P-pero bakit ganito? Hindi ako makahinga ng maayos. Naninikip ang dibdib ko. Hindi pa ako puwedeng mamatay, hindi ko kayang iwan si itay sa ganung sitwasyon. Unti unting nandidilim ang paningin ko. Ang sakit ng dibdib ko at parang pinipiga ito at hindi ako maka hinga. Naramdaman ko ang presensiya ni Sir Elijah at tinatanong niya ako ngunit hindi na ako makapag salita at kinakapos na ako sa paghinga. Unti unting humihina nag pandinig ko. Parang inaantok ako at bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. " Issay!! You okay?" Napatingin ako kay sir Elijah dahil hindi ko na maintindihan kung ano ang sinasabi niya. " Let's bring her to the hospital Levi." Ipinikit ko na ang mga mata ko at unti unting kinain ng dilim ang sistema ko. *_* A/N: Never underestimate the power of human stupidity. --Robert A. Heinlein
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD