“Ginawa mo talaga 'yun? Nahihibang ka na talaga.” Hindi makapaniwala si Empress nang ikwento ko sa kanya ang ginawa ko sa library kahapon. Hindi ko din alam kung anong pumasok sa utak ko kung bakit ko iyon nagawa. “Hindi daw crush, jusko Stats.” Simula nang dumating ako dito sa Philippines, iniisip ko palagi kung saang sulok ng mundo na nasaan si Antowi. Ilang taon na ang nakalipas pero curious pa din ako sa whereabouts niya. “Oo nga pala. Nag-open ka ba ng messenger mo?” Agad akong umiling bilang sagot sa tanong niya. “Prof informed us about her absence today. Pero may iniwan siyang laboratory activities na kailangan natin i-perform today.” Bumuntong hininga ako at tamad na tumayo na kami para pumuntang Lab. Nagsuot na kami ng white lab coats namin at ni-ready ang equipments na gaga

