"So sasali ka na sa organization na sinasalihan ko?" Nag-uusap pa rin kami ngayon ni Empress about sa organizations na sasalihan namin. At napapayag niya ako na sumali sa kanila, since nagtuturo sila sa mga bata na hindi kayang mag-aral. Tumango naman ako sa kanya. "Naks, samahan kita mamaya para ipakilala sa members." Nauna na kasi siyang sumali doon kaya marami na siyang nakilala. Samantalang ako, sasali palang. Naalala ko na naman ang nangyari kahapon sa abandoned place na 'yun. I was about ko kiss him, pero naantala. He was about to kiss me pero 'yung asong robot niya ay tumahol. Hindi ko alam kung paano kami mag-uusap ngayon, feeling ko ang awkward. "Bakit namumula ka?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Empress kaya agad akong umiling. "Mainit lang." Nagpaypay pa ako ng saril

