“So guys, let's start!” Sigaw ni Gio, kaya nagkulo ang mga team namin. May palaro kami ngayon sa mga bata at kami mismo ang mga leader ng mga team nito. We have to answer a question about Science, bago kami step by step na makapunta sa finish line at kunin ang Flag. Ang mga tanong namin ay kayang sagutin ng mga bata dahil itinuro ko ito sa kanila kanina at kahapon. “Goodluck, Astronaut. Makikita mo mas magaling ang Team Stats!” Sigaw ko kay Antowi na katabi ng team namin. Umiling iling naman si Antowi na nakangiti. “Oo nga kuya Antoine. Kahit matalino ka dito, mas magaling kami.” Sabi naman ni Jillian na ka-team ko. Kaya nag-apir kami. Lalong natawa si Antowi sa ginawa namin. “Seriously? Pati bata dinadamay mo. Pero the kids can clearly pronounce my name, while you..” Huminto siya at n

