“Malapit na ang finals, hindi pa ako ready!” Nagrereklamo na naman si Empress sa finals namin. Kanina pa siya nagprocrastinate dito sa tabi ko. Binuklat ko ulit ang libro namin sa biology, at sinubukan ulit magreview. “Sana all masipag.” Bulong niya sa tabi ko. “Wala kasi mangyayari pag tumanganga lang ako.” Sagot ko naman sa kanya at inirapan nalang ako. Nung una talaga ay wala akong plano sa kung anong kurso ang kukunin ko. Pero habang tumatagal, hindi ko pinagsisihan na ito ang kinuha ko, hindi na ako makapaghintay na magturo sa mga students. I can see myself teaching infront of my class. “Nakikipagkita si Van mamaya.” Mahinang sabi niya. Naalala ko na naman ang date nila kahapon. Sinabi na kaya ni Van? “Bakit parang malungkot ka?” Bumusangot ulit siya at namula. “Umamin siya na

