Habang si Dave ay nasa clinic pa at naghahanda nang umalis para maglunch, si Helena naman ay nasa mansion — nagpapahinga sa malaking sala habang nagbabasa ng aklat tungkol sa pag-aalaga ng sanggol. Minsan-minsan ay napapangiti siya kapag iniisip na ang paglabas ng kanyang anak. At iniisip ang araw na makikita na nila ang kanilang anak ni Dave. Biglang nag ring naman ang cellphone niya na nasa ibabaw ng coffee table na kaharap niya. Tiningnan naman niya iyon at hindi niya kilala ang number na tumawag. Subalit sinagot nalang niya iyon para malaman kung sino. "Good afternoon, hello, sino to?" tanong niya nang sagutin ang tawag. "Helena... ako ito, Jharies." agad na pakilala sa kanya sa kabilang linya. Kaagad siyang kinabahan at nais niyang ibaba agad ang kanyang cellphone ngaunir nagsalit

