Prologue:
Si Helena ay panganay na anak ng mga Alcantara sa tatlong magkakapatid at pangalawa ay si Harold. Pangarap ni Helena noon na magkaroon ng kapatid na babae ngunit di na pweding manganak ang kanyang ina nang ma CS ito sa panganganak sa kanyang kapatid na lalaki kaya para matupad ang gusto niya ay nag-ampon nalang din ang kanyang mga magulang ng babae na kasing edad ng kapatid niyang si Harold. At iyon ay si Hilda. Mahal na mahal ni Helena si Hilda at itinuring nila ito ng kanyang kapatid na tunay na kapatid.
Magandang babae si Helena at may mabuting ugali. Maamo ang kanyang mukha na bumagay sa kanyang magandang kalooban. Ngunit kabaligtaran naman ang ugali nila ng kanilang ampon na kapatid. May ugali ito lalo na't na spoiled din ito sa kanyang pagmamahal.
Lahat na gusto ni Hilda ay ibinigay ni Helena kahit noong mga bata palang sila. Four years lang ang gap nila ni Hilda dahil kaedad lang ito ng kanyang kapatid na lalaki.
"Ate, gusto ko 'yung bago mong sandal." sabi ni Hilda.
" Ay kung gano'n, walang problema, sa'yo na yun, Hilda." sabi naman niya sa kapatid.
" Thank you ate! at pati na yung necklace mo na gift ni Mommy gusto ko rin sana, kaya lang nakakahiya na sa'yo, ate." sabi naman nito.
Natigilan naman si Helena.
" Ahh, kung gusto mo 'yun, sa'yo na rin. H'wag mo muna sabihin kay Mommy. Ako na ang magpaliwanag." sabi naman niya sa kapatid.
Masaya si Helena kapag makitang masaya at natutuwa ang kanilang adopted. Kailan man ay wala na silang balak na sasabihin rito na adopted lang nila ito.
Dumating ang time na nagkaroon ng boyfriend si Helena at siya ay anak ng kanilang Governor sa kanilang lugar—si Dave Dela Torre. Mahal na mahal siya ni Dave. At never siyang nagpagalaw sa kasintahan kahit four years na sila sa kanilang relasyon kaya malaki ang respeto nito sa kanya at mas lalong mahal na mahal siya nito. At nangako si Helena na si Dave lang ang kanyang mahalin at wala nang iba pa. Gano'n din ito, nangako itong siya lang ang mamahalin nito.
Subalit isang umaga ay nagulat siya nang magkausap sila ng kanyang adopted na kapatid na si Hilda.
" Ate, mahal mo ako diba?" tanong nito sa kanya.
" Oo naman, bakit mo naman naitanong 'yan?" tanong naman niya rito.
Maganda din si Hilda ngunit matapang lang ang taglay ng kagandahan nito unlike sa kanya na maamo.
"Sorry, ate, pero nagkagusto ako sa boyfriend niyo. Si Kuya Dave." direktang sagot nito sa kanya.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito.
"Sana ay maibigay mo rin sa akin ang lalaking minahal ko, ate." umiiyak pang wika nito sa kanya.
Doon na siya nagreact.
" Hilda, hindi 'yan pwedi, hindi gamit si Dave na pwedi kong ibigay sa'yo." namanghang sagot niya rito.
" Sabi mo mahal mo ako, at kung anong gusto ko na kaya mong ibigay ay ibibigay mo. Maraming lalaki, ate, at pwedi mo lang na ibigay sa akin ang lalaking mahal ko." galit pa nitong wika sa kanya.
" Sorry, pero sa pagkakataong ito ay di kita pweding pagbigyan, Hilda. Mahal ko si Dave at di ko siya pwideng ibigay sa'yo." galit na niyang sabi rito.
Parang hindi na kasi maganda at sumosobra na rin ito.
Wala itong salitang iniwan siya na nagpapahiwatig na ito'y galit sa kanya.
____
Dumating naman ang araw ng kanilang kasal. Pinakasalan talaga siya ni Dave kahit hindi na siya kinikibo ng kanyang adopted sister.
Masayang-masaya siya ng araw na iyon sa kanilang kasal ni Dave dahil mag-asawa na talaga sila. Makamit na nito ang matagal na nitong gusto na angkinin siya nito. Mabuti nalang at umattend lang ang kanyang adopted sister na si Hilda kahit masamà ang loob nito sa kanya. Wala na itong magagawa pa dahil kasal na sila ngayon ni Dave.
Ngunit kanina pa niya napansin na wala na si Hilda sa party, baka umuwi ito at hindi man lang nagpaalam sa kanila.
Habang ini-entertain niya ang kanilang mga bisita ni Dave ay napansin niyang wala na rin ang kanyang asawa. Siguro ay hindi na nito kinaya ang kalasingan nito sa dami na rin ng nainom nito kaya nauna na itong nagpahinga sa inookopa nilang kuwarto ng hotel kung saan ang venue ng kanilang kasal.
Nagpaalam muna siya sa kanilang mga bisita at sa kanilang pamilya ni Dave para hanapin ang asawa.
Nang puntahan niya ito sa kuwartong kanilang hinanda na pahingaan pagkatapos ng kanilang party ay di niya maintindihan ang kanyang sarili, sobrang lakas ng kanyang kaba na ewan niya kung bakit.
Nang nasa harapan na siya sa pintuan ay deretsong binuksan nalang niya iyon at di na kinatok, sa isip niya'y baka tulog ang asawa dahil sa kalasingan nito at di na ito makapagbukas sa kanya.
Pagbukas niya ay laking gulat niya sa kanyang nabungaran nang makitang nasa ibabaw ng asawang si Dave ang kanyang adopted sister habang mahinang umuungol ang mga ito!
Nabigla at nagulat naman ang mga ito nang biglang magbukas ang pinto at siya ang dumating!
" No! a-ano itong nakita ko!?" nanginginig at tila saglit na nagdilim ang kanyang paningin sa nakita kaya mahigpit siyang napahawak sa pintuan.
" Ate!?" sambit pa ni Hilda na wala ni kahit isang saplot sa katawan.
"Helena!? m-magpapaliwanag ako!" gulat at bumangon agad na wika ni Dave na pati ito ay walang natirang saplot sa katawan.
Nanlambot ang kanyang mga tuhod at nagtagis ang kanyang mga bagang sa galit dahil sa kanyang nakita.
"Paliwanag!? ano pang ipaliwanag mo, Dave!? mga hayop! sa araw ng kasal natin ay ito ang ginawa mo!? at ikaw Hilda, wala kang utang na loob sa ginawa mo sa akin! minahal kita at ibinigay ang mga gusto mo noon pa! pero ito lang ang iginanti mo!?" malakas niyang sigaw sa mga ito.
"Ate! patawarin mo ako! mahal na mahal ko si Kuya Dave! may nangyari na sa amin! at kahit ano pang galit niyo ay nangyari na ang di dapat mangyari!" umiiyak na sagot ni Hilda.
"Please, babe! hayaan mo akong kausapin ka at magpaliwanag ng maayos!" pakiusap ni Dave na tila nawala bigla ang kalasingan nito.
Ngunit hindi na siya nakinig pa nang akmang lapitan siya ng kanyang asawa ay nagtatakbo na siya palayo sa mga ito.
____
Dahil sa matinding galit niya ay nagpasya muna si Helena na lumayo sa kanyang asawa at adopted Sister. Hindi na niya hinayaang muli silang magkita at magkausap ng asawa. Bin-locked niya ito sa lahat ng kanyang social media account pati na ang kanyang adopted sister.
Paglipas ng mga taon ay namimiss niya ang kanyang mga magulang nang siya'y lumayo ng ilang taon sa mga ito.
At nabalitaan niya na nagsama talaga ang kanyang adopted sister at ang kanyang asawang si Dave dahil nabuntis pala nito si Hilda noon.
Handa na ba kaya si Helena na muling harapin ang masakit na nakaraan kung siya'y babalik sa kanilang lugar? at kaya na ba niyang magpatawad sa mga taong nananakit ng kanyang damdamin?
Chapter 1
Pagkatapos niyang kinausap ang kanyang ina at kapatid sa video call ay tila bigla siyang nanghina. Kusang tumulo ang kanyang mga luha. Nasaktan siyang isipin na pati ang mga ito'y ngayon lang siya nagkontact sa ilang taong lumipas.
Nadamay pa ang kanyang pamilya sa masakit na kanyang pinagdaanan. Gusto niyang mabilis lang na maghilom ang sugat sa kanyang puso kaya nakapagdesisyon siyang pati ang mga ito ay hindi na siya kokontact pa.
At sa paglipas ng mga taon ay naisip na niyang kontakin ang kanyang pamilya. Hindi alam ng mga ito na nandito lang siya sa Korea at nagtatrabaho sa isang malaking kompanya.
Ngayon nalaman niyang nagkasakit pala ang kanyang Ina at ang kanyang adopted sister naman ay matagal nang wala sa kanilang bahay simula nang niloko siya nito at ng kanyang asawang si Dave. Anim na taon rin siyang nanahimik sa Korea at focus sa kanyang pagiging secretary sa isang malaking kompanya dito. Ginugol niya ang kanyang oras sa trabaho para lang makalimutan ang masakit niyang nakaraan.
Pero ngayon, kailangan na yata niyang umuwi para sa kanyang pamilya. Ang mahalaga ay wala na pala ang kanyang adopted sister sa kanilang bahay. Tuloyang nagsama na ang mga ito sa kanyang asawang si Dave. Nabalitaan niya rin mula sa kanyang kapatid na isa nang ganap na Doctor ito. Kahit hindi siya nagtanong ay kusang sinabi at kinukuwento sa kanya ng kapatid ang tungkol sa mga ito.
Panahon na rin siguro na harapin niya ang lahat. Tama na ang anim na taon na pagpapalayo niya sa mga ito. Siguro ay kung may sakit man na natira ay di na katulad ng dati na sobrang durog ang kanyang puso sa ginawa ng mga ito.
Sa nangyari sa kanya ay natutunan niya ang isang bagay— H'wag dapat na magpapakita ng labis na kabutihan para hindi ka tapakan ng isang tao. Tulad sa ginawa sa kanya ng kanyang adopted sister. Sa labis na pagmamahal at kabutihang pinakita niya rito ay tinapakan na siya nito.
Pinahid niya ang kanyang mga luha. Ang mga luhang iyon hindi para sa mga taong nagtaksil sa kanya kundi para sa kanyang pamilya na kanyang na abandona sa loob na anim na taon na walang komunikasyon sa mga ito.