Mula sa kanyang batok ay lumapit ang mga halik ni Dave sa kanyang leeg. Naramdaman pa ni Helena ang init ng hininga ni Dave na dumampi sa kanyang balat sa leeg, na nagpapatayo ng balahibo sa kanyang batok. Dahan-dahan nitong binalik ang kanyang mukha patungo rito, at agad na nagtama ang kanilang mga mata, ang sa kanya ay puno ng pagkabigla at ito nama'y puno ng pagnanasa. Hindi na nag-atubili si Dave na ibinigay sa kanya ang mga halik na puno ng pagnanasa mula sa malambot na pagdampi ng kanilang mga labi ay naging mas malalim at mas matapang na iyon. Mabilis na humigpit ang mga braso ni Dave sa kanyang bewang, inihahatak siya nang mabilis papalapit hanggang sa walang puwang na natira sa pagitan nila. Ang mga kamay niya ay biglang napakapit sa buhok ni Dave, hinahawakan niya ito nang mah

