CHAPTER 46

1638 Words

Nabigla si Helena na nahimigan ang galit ni Jharies, ngayon pa niya narinig na ganito katigas magsalita si Jharies na sinabayan pa ng medyo pagtalim ng mga tingin nito sa kanya. Kinabahan nanan siya nang humakbang pa ito palapit sa kanya. Ang dating mahinahong ekspresyon nito ay pinalitan ng masamang tingin nito sa kanya ngayon na tila ba nagbabanta. "Galit ka ba, Jharies? Wala kang karapatang magalit sa akin," Inis na sabi ni Helena rito. "Hindi ka nakikinig, Helena, bakit mo pinipili ang taong iyon na minsan nang sinaktan ka? At kapatid mo pa talaga? Isang kabaliwan talaga ang ginagawa mo," mahinang wika ni Jharies, ngunit mariin iyon. "Asawa ko si Dave, oo, malaki ang kasalanang nagawa niya sa akin, pero wala na yun, pinatawad ko na siya ng lubosan, Jharies. At wala ka nang pakiala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD