"Hindi gano'n kadali ang sinasabi mo, Marvin, matagal ko nang gustong iiwan si Hilda. Pero nahihirapan ako dahil nakokonsensya ako simula noong nakuha ang anak namin, anim na taon na rin ang lumipas." ang sagot ni Dave sa kaibigan. "Ang sabihin mo ay parang tinablan ka na rin kay Hilda dahil sa tagal na ng pagsasama niyo. Ang gagawin mo nalang ay lubus-lubusin mo nalang na mahalin si Hilda at hayaan mo nang may ibang lalapit kay Helena." wika ni Marvin kay Dave. "Aaminin kong may malaking mali ako, Marvin at 'yun ay ang sinaktan ko si Helena at nagpadala ako kay Hilda sa gitna ng kalasingan ko noon. Sa panahong nawala siya ay alam mong walang nakakaalam kung saan siya nagpunta pati na ang kanyang mga magulang ay wala siyang contact. Naka blocked kami lahat sa kanya. At alam mo yan. Kun

