Sa gulat ni Dave ay mabilis naman siyang nakatayo at agad na kinuwelyuhan si Jharies sa galit niya rito. "Dave! hindi ako nandito para maging kalaban mo, pinagsisihan ko na ang mga nagawa ko sa'yo! kaya nga lumapit talaga ako kay Marvin at nakikiusap na samahan niya ako! relax lang, Dave!" gulat ding wika ni Jharies dahil sa reaksyon at panlilisik ng mga mata ni Dave na nakatitig rito. "Ano bang ginawa mo, Marvin? ikaw na nga ang nagpapahanda sa akin dahil sa biglang pagbalik ni Jharies tapos ikaw itong nagdala sa kanya dito sa akin?" napatinging wika ni Dave sa kanyang kaibigang si Marvin sabay binitawan sa pagkuwelyo si Jharies. Kampante namang inayos ni Jharies ang nagusot na polo t-shirt nitong suot. "Sorry, Dave, pero nakita kong taos-puso siyang nakikiusap at nagsisi sa nagaw

