Kakauwi ko lang galing sa trinatrabahohan kong coffe shop na pinag mamay-ari ng aking tiyahin na si tiya Elizabeth, naging mabuti s'ya sa amin a noon hanggag ngayon kahit nawala na ang aking itay. Laking papasalamat ko sa aking tiyahin, ang laki nang tulong n'ya saamin minsan binibigyan n'ya ako nang baon para maka pasok lang ako sa skwelahan.
Nakita ko si nanay na gumagawa nang kanyang mga ititindang mga kakanin bukas.
"Nay, nandito na ako, mag bibihis lang ako sa kwarto para matulongan na kita d'yan sa mga gagawa mo." wika ko at akmang lalakad na ako papunta sa aking kwarto nang nag salita si nanay.
"A-ah wag na anak mas mabuting mag pahinga kana d'yan alam kung pagod kana."
Lumapit ako kay nanay at niyakap s'ya "ano kaba nay, okay lang ako." at pumunta na sa aking kwarto.
Nang naka pasok na ako sa aking kwarto dumirestso ka agad ako sa aking kabinet na ginawa nang aking itay no'ng na bubuhay pa s'ya.
Binuksan ko ang kabinet bungad na bungad ang dress na kulay pula na niregalo sa akin ni itay nong nabubuhay pa s'ya.
Namatay ang aking itay dahil sa kanyang sakit sa puso, nung una hindi namin alam na may sakit pala si itay sa puso, palagi naman naming nakikitang okay lang s'ya pero hindi pala. Nalamn nalang namin nong dinala ni inay si itay sa hospital dahil na hihirapan na si itay huminga, sinabihan kami ng doctor na 'hindi na mag tatagal si itay.
Lumubas ako nang matapos ko nang bumihis dumirestso ako sa kusina at nakita kung tuloy parin ang pag aasikaso ni nanay sa kanyang paninda.
"Nak, tapos kana mag bihis? hali ka dito, tikman mo 'yong niluto kong suman naalala mo paba paborito 'to ng itay mo nong buhay pa s'ya" wika ni nanay habang tumutulo ang kanyang mga luha.
"nay, sandali kukuha ako ng plato" humakbang ako papunta sa kabinet na nilalagyan ng mga plato at kumuha ng plato tsaka kutsyara." sesirbihan pa sana ako ni nanay "nay, ako na kaya kuna 'to, malaki na 'ko no." umupo na si nanay at pinatuloy niya ang kanyang ginawa.
Pagkatapos kung kumain ay hinugasan kuna 'yung pinagkainin ko.
"nay, tapos kana?" wika ko at inayos ang aking buhok.
"malapit na 'tong matapos, nak mas mabuting matulog kana para maka hinga kana, good night, nak"
pumunta na 'ko sa kwarto at inayos ang aking kama, kinuha ko 'yung cellphone ko at tinext ko 'yung kaibigan ko.
Biglang may nag text ni open ko 'yung messenger at nakita kung nag chat pala 'yung kaibigan ko
Avianna Collin Graeux :
hoy, sabay tayo bukas mag pasok wala ka namang trabaho bukas diba?
me: oo, sige sabay tayo. ano may chismis ka naman siguro no?
Avianna Collin Graeux:
aba syempre, be may transferre daw, lalaki ang pogi. nakakalaglag panty!
me: hay, nako 'yan kanalang palagi tsaka kung ano man 'yan wala akong pake kung pogi 'yan!
pagkatapos kung mag reply ni off ko agad 'yung cellphone ko. matutulog na sana ako ng may na rinig akong away, binuksan ko 'yung bintana. Nag aaway naman 'yung kapit bahay namin! bahala kayo d'yan makatulog na nga.
Nagising ako dahil patay ring ng orasan ko, 8:30 na! may pasok pa ako. dali dali akong naligo at nagbihis tsaka lumabas nakita ko si nanay na nag aayos na siguro mag titinda na 'to.
"Anak, hindi kita ginising dahil ang sarap ng tulog mo naka sikangkang kapa" sabi ni nanay at tsaka tumawa.
"bahala kana d'yan nay, kakain na muna ako at mag aayos may pasok pa kami" sabi ko at dumirestso sa kusina at kumain. "Nak, mag titinda na 'ko, ikaw na bahala dito" sabi ni nanay "ingat ka, nay." sabi ko at nag patuloy ang pag kain.
Pag katapos ko nang mag ayos ay lumabas na 'ko at nag hintay ng trycicle.
Tumakbo ako ng mabilis at hindi ko namalayan na may nasangga ako.
"Ano ba alam mo naman na daanan 'to dito kapa nag tatambay, alis!" sabi ko at akmag aalis na nang hawakan n'ya ang aking kamay nakita ko 'yung mukha n'ya ang gwapo makinis ang kakapal ng kilay at ang ganda ng mata kulay chokolate, kaso naka iirita.
"Are you done looking me?" wika n'ya na naka ngisi. "Ikaw kasi, harang ka sa dinadaanan ko." sabi ko at pinagpatuloy ang pag takbo. late na 'ko!
pag ka pasok ko ng classroom mabuti hindi pa sila nag uumpisa. ang ingay ng mga kaklase ko pumasok ako sa cr namin at nag ayos pag ka tapos kung mag ayos. pag labas ko timing na dumating nadin 'yung guro namin.
"Good morning grade 12 students, may bago kayong kaklase. please introduce your self iho."
"Good morning, everyone I'm Theo james arkanghel Lopez, nice too meet you!"
"s**t, ang pogi!" wika ng mga kaklase ko
"nakalaglag panty" wika ng isa pa
ang mga 'to talaga, pag pogi ang bibilis nila.
"Iho, sit beside ms. dela vera" nagulat ako ng marinig ko 'yung apilyedo ko.
"excuse me, ma'am dito po naka upo si Avianna" sabi ko "nak, dun nalang si Avi uupo sa likuran total wala panaman s'ya."
May dumating estudyante at may sinabi kay ma'am.
"Class pupunta lang ako sa office, babalik lang ako" wika ni ma'am at umalis.
Nang naka upo na si Theo sa tabi ko agad lumapit ang mga kaklase ko. "H-hi, pwede bang malaman 'yung sss account mo?" sabi ng kaklase kung babae "I don't have any account ms, social media is not my thing" seryosong sabi ni theo. nahiya ang kaklase ko at bumalik s'ya sa inuupoan n'ya.
Dumating na si Avi at umupo sa likuran ko
"Hoy, bat ngayon kalang?"
"Sorry, be may emergency kase sa bahay. bigay mo nga 'yung number mo sakin" wika n'ya habang inaayos 'yung bag n'ya.
"09********" wika ko at s'ya naman ay tinatype n'ya 'yung number ko.
Pake ko naman sakanya, naka irita kaya 'yang si theo" wika ko
"Are you talking about me, ms dela vera?" nagulat ako nang nag sabi si theo.
"Pakeilam mo?" wika ko at tsaka umiwas ng tingin.
Bumalik na si ma'am at nag klase na kami. Pag katapos ng klase ay naghanda na 'ko, nahulog 'yung ballpen ko kukunin ko na sana na nang may pumulat pag ka tingala ko si theo! kinuha n'ya ang ballpen ko at tumakbo! tanginang lalaki 'to!.
"Bes, mauna na 'ko sayo, 'yung ballpen ko kailangan ko pa 'yun makuha, bye!" wika ko at nag mamadaling lumabas. "Sandali lang, malapit na 'kong matapos" wika ni Avianna
Bahala ka d'yan! tumakbo ako hinabol ko si theo. "Theo, balik mo 'yung ballpen ko!"
sigaw ko sakanya, hindi n'ya ako pinansin sumakay na s'ya sa mamahaling n'yang sasakyan at pinaandar ito.
"Theo, ang ballpen ko, ibalik mo humanda ka sakin bukas!" sigaw ko at hingal na hingal
Pag dating ko sa bahay nag ayos ako ng sarili ko at pumunta sa kusina.
"nak, may sasabihin sana ako sa'yo" wika ni nanay sa mababang boses.
kumuha ako ng plato at nilagyan ng kanin at menudo naming ulam.
"ano ba 'yang sasabihin mo, nay?" wika ko habang kumakain.
"Nak, a-ano kase p-pupunta sana ako sa manila para mag trabaho" wika ni nanay at binigyan n'ya ako ng tubig.
"Nay, bakit manila kapa mag t-trabaho, e nag titinda ka naman dito ng mga kakanin. Tsaka wala akong kasama dito ikaw na ngalang 'yung kasama ko iiwan muna ako" wika ko at uminom ng tubig.
"Kaunti na kase ngayon ang bumibili ng mga kakanin, nak tsaka kung sa manila ako mag t-trabaho medyo malaki don 'yung sweldo mapapadalhan pa kita" wika ni nanay habang nag iimpaki ng mga damit n'ya
"Kelan flight n'yo?"
"Bukas, nak." nagulat ako sa sinabi ni nanay sakin na 'bukas na daw s'ya aalis' "nay, bukas? aalis kana, ang bilis naman non" wika ko
"kailangan na kase ako don nak, hayaan mo pag naka sweldo ako papadalhan kita agad" wika ni nanay at nag salin ng tubig sa baso at tsaka uminom.
Kinuha ni nanay ang mga damit n'ya at pumunta sa kwarto n'ya, malapit lang kase 'yung kwarto ni nanay sa kusina e. Pag katapos ko namang kumain ay nag hugas ako at pumunta sa kwarto ni nanay.
"Nay, mag ingat ka don palagi. ayaw ko sanang umalis ka" wika ko habang tumutulo ang luha.
"nak, mas mabuting mag pahinga kana" sabi n'ya at niyakap ako.
"Good night, nak" bukas sabado gigisingin kita.
Hindi ko gusto na aalis si nanay papuntang manila, kung aalis s'ya sino na ang kasama ko dito? ako nalang mag isa. Mahirap talaga kung wala kang ama dahil kung aalis 'yung nanay mo wala kang kasama sa bahay.