Audrey KATATAPOS lang mag-ayos sa amin ng make-up artist. Kasalukuyang nakaharap ako sa malaking salamin ng hotel room kung saan kami nagcheck-in. Kasama ko si Anna sa kuwarto samantala sina Tatay naman at Kian ay sa kabilang kuwarto. Ang ibang officemates ko na malalayo ang inuuwian ay kasama rin naming naka-check-in sa hotel. Kagaya ng kanilang kahilingan ay kinuha kong mga abay lahat ng mga malalapit kong kaibigan sa opisina. Pati nga si Paulo na naging malapit din kay KJ ay kasama rin sa entourage. Napatingin ako sa aking cellphone kanina pa kasi hindi nagte-text o tumatawag man lang si KJ. Nag-aalala ako dahil hindi ko alam kung nasa reception na ba sila. Garden wedding kasi ang pinili namin. Hindi na ako nakatiis kaya tinawagan ko na siya na agad namang sinagot nito. “Bebe ko, nas
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


