Audrey NILAPITAN ni KJ si Liam habang hawak-hawak ito ng dalawang bodyguards niya. “Cuz, ba’t naman hindi mo sinabing babalik ka na pala? Di sana nakapagpa-welcome party man lang ako,” nakangising sabi ni Liam. Matalim ang mga tingin ni KJ na nakatunghay kay Liam. “Magbabayad ka sa ginawa mo kay Audrey at sa lahat ng mga ginawa niyo sa akin!” Napahalakhak si Liam, “Magbabayad? Hindi ba ikaw pa ang may utang na loob sa pamilya ko, tapos kami pa ngayon ang magbabayad? Bakit, ginusto ba naming tumira sa mansiyon mo? Hindi ba, nagmalasakit lang naman kami para naman hindi ka parang pusang gala na nag-iisa?” sabi ni Liam. “At ang lahat nang iyon ay may kapalit. Hindi niyo ako tinuring na kapamilya!” nagtatagis ang mga bagang na sambit ni KJ. “Really, Cuz? Tuluyan na ngang nalason ang ut

