Audrey PASADO alas-siyete na ng gabi pero nasa opisina pa rin ako. Pati sina Teressa ay nag-overtime na rin. Agad na dinampot ko ang telepono nang mag-ring ito habang nagtitipa ako sa keyboard. “Yes, Sir?” “Magpa-deliver ka nga ng pagkain, baka kasi mamaya pa tayo makauwi.” “Yes, Sir. Ano po’ng gusto niyong order-in kong pagkain, Sir?” “Hmm…ikaw na ang bahala. Alam mo naman ang paborito ko, ‘di ba?” “Sige, Sir.” Himala yatang mabait siya ngayon. Medyo naiilang lang ako dahil parang ang lambing niyang hindi ko maintindihan. Hindi na ako sanay na mabait siya. Agad na tumawag ako sa fastfood at nagpa-deliver ng dinner. Biglang nagtaka sina Teressa nang sabihin kong may pinabiling pagkain si Liam. “Naku, hindi kaya ikaltas ‘yan sa sahod natin?” bulong ni Teressa. “Hindi naman siguro,

