CHAPTER 36

1710 Words

Liam GUSTO kong magwala sa galit nang maririnig ko mismo sa bibig ni Audrey na boyfriend na niya si KJ. Kung kailan namang buo na ang loob ko na ipaglaban siya kay Daddy ngayon pa nangyari ito. Lahat halos ng mga naging girlfriend ko ay hindi ko naman talaga sineryoso lalong-lalo na si Karen. Naging kami lang naman ni Karen dahil palagi siyang nirereto sa akin nina Mommy at Daddy. Botong-boto talaga sila dito dahil impluwensiya ng mga magulang nito. Nang makita ko ulit si Audrey ay kakaibang saya ang hatid niyon sa akin. Tila tumalon ang puso ko nang makita ko siya sa restaurant na nag-a-apply. Kaya naman naging malaking pagkakataon iyon sa akin upang mapalapit sa kanya muli. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, agad ko siyang inalok ng posisyon bilang sekretarya ko. Nagkataon din kasing

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD