Kabanata 60: Pansamantalang paghihiwalay

2503 Words
Isang panibagong araw na naman sa Goltus, si Sype ay nasa kaniyang silid at nagsusulat maagang talaarawan, doon sa papel nalang siya nagpapaalam sa sinisintang maglalakbay. Ang araw na ito ang nakatakdang araw ng paglisan ni Neroz at hindi na niya ito pinuntahan pa dahil magkikita rin naman sila kalaunan. Sa ngayon, ang magagawa lang nila ay ang maghintay sa susunod na muli nilang pagkikita. Sa kagubatan ng Websa'a ay nakapaghanda na sina Adan at Neroz, pati ang kanilang mga isasama sa paglalakbay katulad nina, Pando at Almer na talagang hindi nagpapa-iwan. Kasama rin ang iba pang mandirigma na sina Alitho, Andres, Istalam at ang nag-iisang babae, si Elessar. Matapos matiyak na wala na silang nakalimutan ay lumakad na sila agad patungo sa sasakyan nilang bangka. "Umaasa akong tinapos mo na ang sa inyo ng sorsero, Neroz." sabi ni amang Adan nang isampa sa bangka ang kanilang mga pagkain. "Tss... Wag na nating pag-usapan, ama. Wala kang mapapala sa akin." pabirong sagot nitong si Neroz at tumalon na pasakay sa bangka. "Hay Neroz... Sinasayang mo ang iyong sarili!" pag-iling-iling ng kaniyang ama. Nang maka-sakay na silang lahat at sinimulan na nina Pando at Almer ang magsagwan, syempre ay tinutulungan din sila nina Neroz at Adan habang ang natitira nilang kasamahan at nagsasalansan na ng kanilang mga dala. Sa malayong isla sila patutungo, sa isla na hindi nila batid ay kinatitirikan ng wasak na kaharian ng Celestia, doon sila magmimina upang kumuha ng maraming ginto at sumalok na rin ng langis upang ito'y ipagbili sa bayan nang may kataasang halaga. Sa islang iyon na nila nakasanayang magtungo tuwing nauubusan sila ng mapagkakakitaan o di kaya'y mga kasangkapan dahil mayaman sa biyaya ng kalikasan ang lupaing iyon at pawang naroroon rin ang lahat ng kanilang mga kailangan, dagdag pa na walang masyadong majezan o pirata ang nagtutungo roon dahil liblib talaga ang isla at kilalang pinamumugaran ng mga masasamang elemento. ... Ang hora na si Grayda ay palihim na lumabas ng Goltus at kaniyang kinatagpo ang alagang si Lerzia na naroroon lang sa hardin ng palasyo at nagkukubli. "Mahal na regium!" pagdating niya sa punong pinagsisilungan ng regium. "Anong ulat mo?" tanong nito. "Ngayong araw ang alis ng mandirigma, nabasa ko sa kuwaderno ng iyong nakababatang kapatid." ulat ng hora at napangisi agad si Lerzia. "Mainam, ngunit sandali, nalaman mo ba kung saan ito patutungo?" tanong pa nito. "Paumanhin, aking regium ngunit walang nabanggit sa kaniyang tala Sype." sagot ni Grayda, "ngunit nabasa kong may katagalang mawawala itong si Neroz, tama ba?" "Oo tama... Kung gano'n ay pagkakataon ko na ito, ito na ang sandaling hinihintay ko!" sabik na sabi ni Lerzia. "Bakit Lerzia, ano bang binabalak mo?" pag-uusisa ng hora. "Basta! Ang gawin mo nalang ngayon ay alamin kung saan maaaring nagtungo ang mandirigma, kakailangin ko iyong malaman sapagkat maaari itong maka-sagabal sa aking gagawin!" utos pa ng regium. "Na s'yang aking gagawin, galingan mo sa iyong binabalak, Lerzia. Narito lang ako para tumulong!" pagngisi ni Grayda. "Magaling, ngayon ay maiwan na kita!" tugon ni Lerzia at nagsuot na ng talukbong saka dali-daling pumuslit palabas ng palasyo. Si Sype na nasa loob pa rin ng Goltus ay masayang nag-aagahan habang kasabay ang kapatid na hari. Nagtatawanan sila at hindi nauubusan ng kwentuhan! "Nakakatuwa namang makasabay ka ngayon sa hapag, Sype. Kumusta ka?" tanong ng hari. "Ayos naman ako, kapatid... At ngayon ay — naglalaan ako ng sandali para sa aking sarili." sagot ni Sype na ang totoo nama'y wala talagang maisip gawin dahil hindi sila makakapagkita ng kaniyang Neroz. "Nakikita kong magkaiba naman ang sinasabi ng iyong mga mata sa iyong bibig." puna ni Axus. "Ha?! Hindi ah! Ayos nga ako Axus, ano ba! Hahahah!" pagtawa ng mahina ni Sype. Maya-maya ay tumigil muna sa pagsasalita ang hari para uminom ng tubig... "Ahh, Axus?" sambit ni Sype. "Mmm?" "Naalala mo ba ang napag-usapan natin dati?" tanong ng kapatid. "Ang alin?" Axus "Iyong — hiniling ko sa 'yo para s-sa aking — kaarawan?" nahihiyang saad ni Sype. "Ang pagbibigay-kalayaan sa magkatulad na nilalang na magsama?" tuwid na paglilinaw ng hari. "Oo, Axus — oo... A-ano nang—" "Napag-usapan na natin ito hindi ba?" tugon ni Axus, "hindi magiging madali ang pagbubukas ng ganitong usapin, Sype." Biglang nalungkot ang mukha nitong si Sype at napayuko saka nilaro-laro ang kubyertos na hawak. "Nagtatanong lang naman ako—" sabi nito, "—at nagbabaka-sakali..." "Hay, Sype..." sambit ng hari at hinawakan sa balikat ang kapatid. "Wag naman sanang sumama ang loob mo sa akin pero bilang hari ay may sinusunod akong pamantayan at — hindi ako basta-basta makakapag-pasa ng kautusan na aking naiisin lalo at kung tiyak ito na tututulan ng lahat." paliwanag nito. "Ano ba Axus... 'Wag ka nga! Hindi ako nagda-damdam, batid ko naman eh. Saka nagtatanong lang talaga ako, ikaw naman masyado kang naa-apektuhan! Hahahaha." pagtawa ni Sype kaya napangiti niya si Axus. "Tunay 'yan ha? Hindi ko gugustuhin kung magtatampo ka sa akin, Sype! Ikaw ang pinaka malapit sa akin kaya ayaw ko talagang magkakagalit tayo." matamis na sabi ng hari at hinaplos ang mukha ng kapatid. "Axus, 'wag kang mag-alala. Hinding hindi ako magdadamdam sa 'yo! Hinding hindi tayo magkakatampuhan dahil hindi ko naman kayang magalit sa 'yo, mahal na mahal kaya kita!" tugon nitong si Sype at hinawakan ang kamay na nakahawak sa kaniya. "Mahal na mahal kita, Axus. Napaka palad ko at mayroon akong isang kapatid na nakakaintindi sa akin, hindi mo alam kung gaano ako nasisiyahan na mayroon akong nalalapitan ng mga bagay na hirap akong ipagsabi sa iba." dagdag nito at ngumiting muli si Axus. "Mas mapalad ako Sype, dahil kayo ang mga naging kapatid ko. Mga mahuhusay at palaging maasahan!" sabi naman nito at napatawa sila nang marahan, saka masayang tumuloy sa pagkain. ... Naka-daong naman na sila Neroz at agad silang bumababa, binitbit ang kani-kanilang mga dala at sinimulan nang kumalap ng kinakailangan nila. Kagaya ng nakagawian ay naghiwa-hiwalay sila para mas makarami, ang magkakasama'y sina Neroz at Almer lamang, dahil si Pando at ang iba pa ay kay pinunong Adan sumunod dahil magaling itong maghanap ng ginto — tiyak na makakarami sila. Gayunpaman, matiyaga na nilang sinipat ang paligid at hinanap ang yungib na kalimitan nilang pinagmiminahan ng ginto. Ang dalawa nina Neroz at Almer ay napalayo sa kanilang mga kasama, hindi nila namalayan na sa ibang dako na pala ng isla ang kanilang nararating. Maraming masasarap na bungang kahoy ang lupaing iyon kaya naman nalibang talaga sila sa pamimitas at sa pagkain na rin habang kumikilos. Si Neroz ay napatapat sa isang hindi niya mawari kung maliit na entrada ba o ano, dahil nababalutan ito ng mga halaman. "Almer!! Almer, tignan mo ito! Bilis!" pagsigaw n'ya at dali-dali naman siyang natunton ng kaibigan. "Oh, ano ito?!" tanong ni Almer na pareho rin ang tingin sa bagay. "Tila isang entrada kaibigan?! Tignan mo, may nakaukit na simbolo!" at itinuro nito ang bilugang simbolo ng isang ibon na may tukang palay. "Tignan natin?" tanong ni Neroz, at nang tumango ang kaibigam ay pinagsisira na niya ang halamang nakabalot sa sinasabing entrada. Nang matanggal nga niya ang kaunti sa nakablot na bagay ay dito tumambad sa kanila ang isang nakalaking pintuan! Ang kaharap pala nila ay isang maliit na bahagi lamang nito! "PAMBIHIRA!" sabi ni Almer at tiningala ang maaaring taas ng pintuang iyon. Nang itatapat ni Neroz ang kaniyang palad sa simbolo ay kusa itong bumakas kaya lalo silang nagulat! "NEROZ!!" pag-atras agad ni Almer at kasama rin ang kaibigan. "Bumukas!?" sabi ni Neroz, "anong hiwaga mayroon ang lugar na ito? Bakit ganito ang nararamdaman ko?" tanong nito na may kaba nang nadarama. "Papasukin ba natin 'yan?! Hindi natin alam kung ano'ng mayroon d'yan!" pag-aalala ni Almer. "Halika, ating alamin!" aya sa kaniya ni Neroz at wala na nga silang nagawa kundi pasukin nalang, ngunit ang hindi nila ay batid ang kaharian na pala ito ng Celestia! Namasid ni Neroz ang maalikabok na paligid, wari bang isa itong kaharian at may mga bandera pa sa bawat dingding. Hindi n'ya nakikila, pero ito ang kaharian na kaniyang pinagmulan! Iyon ang kaniyang tahanan na noon ay pinagbagsak at nilusob ng mga Derronian! Kumuha s'ya ng isang sulo at sinindihan ito dahil dumidilim na ang paligid, buti rin at si Almer lang ang kasama niya, hindi gaanong duwag, 'di gaya ni Pando. "Parang patay ang lupaing ito ah?" puna ni Almer na tinitignan din ang bawat piraso ng bato sa paligid. "Sayang at wala si Pando, maaari sana natin siyang takutin at iligaw rito." pagbibiro nito. "HAHAHA sinabi mo pa, ngunit wala ang apmevento, kay ama sumama, palibhasa'y batid niyang marami s'yang mahihita dito." pag-sang ayon naman ni Neroz. Tuloy-tuloy lang silang naglalakad at binabaybay ang pasilyo ng kaharian hanggang sa mapansin na nila na hindi ito bastang tahanan lamang — na isa nga itong lumang palasyo! Napunta sila sa mas makalat at mas guhong panig, ang punong bulwagan at doon ay nakita nila ang damit ng pintuan na maaari pa nilang pasukin. "Ka'y hiwaga naman rito, kaibigan. Ano kaya ang mayroon sa bawat silid na iyan?" pinapawisan nang tanong ni Almer at ang kanilang tinig ay umaalingawngaw at nauulit dahil sa nakabibinging katahimikan sa loob ng lugar na iyon. "Halika, tignan pa natin!" aya ni Neroz at napag-desisyunan nilang tignan pa ang kalawakan ng pook. Habang naglalakad ay unti-unti nilang napapansin ang kagamitan sa paligid, mga antigo at tiyak na mamamahaling kasangkapan ngunit balot naman ng alikabok o di kaya'y agiw. Tanging ang ilaw lang sa sulo na hawak ni Neroz ang nagsisilbi nilang gabay upang makita nila ang dadaanan. Nang mapadaan sila sa isang pintuan ay napatigil itong si Neroz — wari ba kasing tinatawag s'ya ng nalagpasang silid? Si Almer ay nauna ngunit namalayan din nitong hindi kasunod ang kaibigan kaya lumingon agad at nakita ito na parang titig sa nadaanan nila. Dali-dali siyang bumalik at tinabihan ito... "Kaibigan? Bakit!?" tanong niya. "May kakaiba akong nararamdaman sa silid na ito." "Ha?! Ano?!" Hindi sumagot si Neroz pero titig na titig lang ito sa pintuan ng silid. "Hay nako sige, maiwan na muna kita dito, maglilibot pa ako, dito nalang tayo magkita ha?" paalam ni Almer at tinapik sa balikat ang kaibigan. "Mag-iingat ka ha!" bilin naman ni Neroz. At nang makalayo si Almer ay dito naman bumukas ang pintuan at nasilaw sa labis na liwanag si Neroz!! "AGGGHHH!!" Tumagal nang ilang sandali ang liwanag at nang mawala ito ay nagulat na naman si Neroz sa kaniyang nakita!— ISANG SILID NA PUNO NG GINTO'T MGA KAYAMANAN! "MAHABAGING ZANAA!" bigkas n'ya at dahan-dahang pinasok ang silid upang ito'y makita dahil baka s'ya ay nananaginip lamang. Pero hindi, TOTOO! Totoo ang lahat ng nakikita niya! May napaka raming kayaman sa kaniyang harapan at tila ba matagal na panahon itong naitago doon at ngayon lamang nakapag-pakita! "KAY RAMING KAYAMANAN!" sambit n'ya habang nasisinagan ng kinang ang kaniyang mukha. Lumakad s'ya at nilapitan ang mala-bundok sa taas na kayaman — talagang hindi s'ya makapaniwala sa kaniyang nakikita! "Paanong totoo ito!?" tanong niya sa sarili at nakita sa itaas na bahagi ang isang natatangi at naiibang kulay na kasangkapan. Isang medalyong pilak at nagliliwanag na parang nagpapakuha! "A-ano ito?!" sabi ng mandirigma at agad na ginamit ang sibat niya upang sungkitin ang nasabing bagay. Hindi naman s'ya nahirapan dahil hindi naman ito gaanong kataasan. Nang mahawakan n'ya ang medalyon ay nakita niya ang simbolo nito, isang ibon pa rin na nahahawig sa Enfluma, nakaharap ito at nakabuka ang mga pakpak! "Kay ganda!!" sabi niya at matapos titigan ang bagay ay ibinato na rin ito pabalik sa kumpol ng kayamanan. Lalakad na sana s'ya palabas nang bigla na namang may mag-ningning! Napalingon siya at nakita na ang medalyon ito, TILA TINATAWAG RIN SIYA! ... "Nasaan si Lerzia!?" tanong ni Balrak sa kaniyang apram na si Sebani. "Wala panginoon, kaninang umaga pa s'ya lumisan at hindi pa rin nagbabalik." sagot ng henerala. "Ano na naman kaya ang pinagkakaabalahan no'n." sambit ng hari. Nang maghapon sa Goltus, si Sype ay bagot na bagot na, palibhasa'y wala s'yang magawa dahil wala naman si Neroz. Nagsawa na siya sa kaniyang ginagawa at ngayon ay nakadungaw nalang mula sa balkonahe. "Salutem, regium Sype!!" pagdating ni Gloris. "Ikaw pala, Gloris? Salutem!" pagbati din ng regium. "Tila kay lalim ng iniisip mo ah? May suliranin ka ba?" pag-aalala ni Gloris. "Ahh, wala ano! Ayos lang ako — s-sadyang nababagot lang talaga ako dito sa loob ng palasyo." sagot ni Sype. "Ganu'n ba? Bakit hindi ka nalang matulog? O di kaya'y kumain?" mungkahi ng sisne. "Hay, Gloris... Nagawa ko na din 'yan pero wala, nababagot pa din ako!" tugon ni Sype at nangalung-baba na. "ALAM KO NA!" biglang sabi nito. "Oh ano iyon, kamahalan?" Gloris "Samahan mo na lang ako! Mamimitas ako ng mga bulaklak sa Romalum at dadalawin na rin ang aking mga kaibigang lobo!" saad ni Sype na halatang sabik. "Sige ba! Gusto ko 'yan!" pagsang-ayon ng sisne. "Kung gano'n ay ano pang hinihintay mo? Tayo na!" aya agad ni Sype at dali-dali silang dalawa na lumabas ng palasyo. Agad silang nakarating sa Romalum at doon ay masaya silang sinalubong nila H'wara at iba pang lobo! "Salutem, mga lobo!" pagbati ni Gloris sa mga cerapal at agad siyang nakipaglaro sa mga ito. "Huwag n'yong lalamunin si Gloris ha?!" paalala ni Sype kina Sobi, iyong matabang lobo, na kalaro na ngayon ng kaniyang matalik na kaibigan. "Tila mag-isa ka, regium? Nasaan siya?" paglapit ng babaeng lobo kay Sype, si Yesha. "Hay 'di ba't nasa paglalakbay na?" sagot ng sorsero at hinimas sa leeg si Yesha. "Nangungulila na nga agad ako sa kaniya eh! Ganito pala pag nakasanayan mo nang kasama s'ya 'no?" dagdag pa nito. "Ganiyan talaga, regium... Ilang araw bang mawawala ang mandirigma?" tanong pa ni Yesha. At sa malapit lang na puno ay lumitaw na si Lerzia at tinanaw ang kapatid! "Sype... Ikaw ang unang makakatulong sa akin kaya maghanda ka na!" sabi nito at inilabas ang hiyas ng dilim. "Hiyas, ipamalas mo ngayon sa akin ang taglay mong kapangyarihan!" utos nito at agad s'yang nabalutan ng kulay lilang usok! AT BIGLANG NAG-IBA NA ANG KANIYANG WANGIS!— WANGIS NI NEROZ! Tinignan muna niya ang kaniyang balat at labis s'yang namangha sa kapangyarihang iginawad sa kaniya ng hiyas! Napangiti s'ya nang pagkalaki-laki at saka itinago na  ang hiyas at lumakad patungo kina Sype! "Ehem, salutem Sype!" pagdating niya at lubhang nagulat ang lahat. "NEROZ!" agad na tumayo si Sype at niyakap siya! "Neroz, bakit naririto ka na? Ang akala ko'y matatagalan kayo?!" tanong agad nito. "—madaling natapos ang aming paglalakbay kaya narito na ako! H-hindi ka ba masaya?" tugon ng huwad. "Masaya ako, syempre! S-sadyang nakakagulat lang talaga na bigla ka nalang narito!" galak na galak na sabi ni Sype. "Ahh... May nais rin akong sabihin sa 'yo Sype kaya ako naparito." sambit ni Neroz. "Ano iyon?!" "M-maaari bang dito tayo?" aya ng huwad at inakay ang regiun patungo sa may kalayuang bahagi dahil nais niyang hindi marinig ng mga lobo ang kanilang pag-uusapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD