Kabanata 35: Pagpili sa susunod na magiging hari!

2836 Words
Nang mga sumunod na araw... Nasa Saghara si Neroz at hinihintay si Sype, dumayo pa s'ya sa lupaing ito kahit na malayo ang kanilang tirahan na mga mandirigma sa lupain na pinamamalagian nila ng regium. Habang naghihintay s'ya ay nakipag-kwentuhan muna s'ya sa mga nilalang na naroon, at may ilang mga sirena sa di kalayuan na sumusulyap sa kaniya, hindi lang makalapit dahil nahihiya sila pero mga kapwa nila hinahangaan itong mandirigma. "Dumadalas ang inyong pagkikita ng regium Sype, kaibigan. Anong tunay na nagaganap?" tanong ng isang siyokoy. "Oo nga, Neroz! Halos araw-araw ata kayong naririto. Hindi ba't malayo pa ang iyong inuuwian?" sabi din ng isa pa. "Alam mo, kaibigan — kahit gaano pa kalayo 'yan ay handa akong maglakbay... magkasama lang kami palagi." nakangiting sagot ni Neroz at ang mga kausap n'ya ay nagkatinginan na animo'y napapaisip na rin sa tunay na kalooban ng binata. "Ahmmhh... Neroz? Tila — iba na 'yan?!" sabi naman ng nakatatandang siyokoy. "Ha?" sabi ni Neroz at lumitaw na si Sype na nasukot ng asul na roba. "Narito ka na pala?" boses nito at humarap agad ang mandirigma. "Sype?!!" mabilis na tumayo si Neroz at niyakap nang mahigpit ang regium. Ang mga nilalang na kausap ng binata ay muling nagkatinginan dahil nahihinuha nilang may kakaiba nang namamagitan sa dalawang ito. "Narito ka nang muli, Sype!" nakangiting sabi ni Neroz. "Oo naman! Kinakailangan mo lang talagang maghintay nang may katagalan." ani ni Sype at naghubad ng talukbong, "dahil alam mo naman—" bulong nito at napatawa naman si Neroz. "Oo naman, basta ikaw!" pagngiti ng mandirigma. "Oh paano, mga kaibigan?! Mauna na muna kami!" paalam nito sa mga siyokoy. Tumango nalang ang mga nilalang at saka silang dalawa pinagmasdan lumakad papalayo, napansin ng mga ito na nakahawak pa si Neroz sa likod ni Sype at inaalalayan ito na parang babae. "Iba na talaga ito, tsk tsk!" sabi ng isang nilalang at saka bumalik sa katubigan. Nagtungo ang dalawa sa ibang dako ng Saghara at naupo sa isa sa mga punong kahoy na mayabong ngunit pabagsak ang hanay ng mga dahong nakatubo rito. Tumayo nang sandali si Sype upang ayusin ang suot n'ya at biglang dumating doon si Vappo, ang cerapal kaniyang kaibigan. "Apmevento!!" napatayo sa gulat si Neroz at mabilis na kinuha ang sibat niya. "Sancte, Neroz! 'Wag mong sasaktan si Vappo — s'ya ay aking kaibigan!" pag-awat ni Sype. "Ha? A-ang cerapal na yan?" takang tanong ni Neroz habang nakikitang nagpapa-amo nga itong si Vappo kay Sype. "Mabait s'ya! Halika, subukan mong hawakan ang kaniyang mukha." nakangiting akay ng regium. Nag-alinlangan pa si Neroz nang s'ya ay lumapit sa dambuhalang lobo, nagpapakamot naman ito ngunit kita na hindi agad nagtitiwala sa kaniya. "Hahahahaha! Tunay nga! M-mabait nga siya!" natutuwang sabi ng mandirigma na bahagya pa ring kinakabahan dahil baka sagpangin s'ya ng lobo, "buong akala ko'y mabangis ang nilalang na ito, hehe!" Si Vappo ay tuluyan nang humiga sa kalupaan at sa kaniyang tiyan naman sumandal ang dalawa nina Sype at Neroz, malambot kasi ang balahibo ng cerapal kaya mas masarap na sa kaniya nalang humimlay ang mga ito, dagdag pa na aliw na aliw si Neroz habang pinakikinggan ang pagtibok ng puso ni Vappo, dahil sa malaki ito ay dama rin ang pagpintig sa dibdib nito. ... (Sa Goltus) Magkasamang nagsasanay sina Axus, Verdem, Lerzia at Adro, may kanya-kanya silang kinakalaban na mga kawal upang mahasa pa ang kanilang galing. Naunang matapos si Lerzia at ang kawal na kinalaban n'ya ay tumaob na. Sunod namang natapos si Axus, nasalag nito ang sandata ng kawal at tinutukan ito ng espada sa leeg. "Paslangin mo..." utos ni Lerzia at napatingin sa nakababatang kapatid. "Anong tinitingin-tingin mo?! Tuluyan mo na!!" irita niyang ulit. "Sancte." sagot naman ni Axus at binitawan na ang kawal, "anong tuluyan? — papaslangin ko dapat ang kawal? Gano'n?" tanong nito. "Kung nais mong maging mahusay ay dapat matuto kang pumaslang! Walang mandirigma ang lumalaban nang hindi nalalagasan ang panig ng kaniyang kaaway." sagot ni Lerzia. "Ano?—" nakisali na sa usapan ng dalawa si Verdem, "nais mong paslangin ni Axus ang kawal niya? Nahihibang ka na ba? Nagsasanay lamang tayo rito!" galit nitong paliwanag. "Tama... Kaya hindi ko rin maunawan ang pinanggagalingan mo, Lerzia. Hindi ang isa't isa ang ating kaaway ha?" saloobin ni Axus. "Tss! Puro kayo pagsasanay... Paano kapag naharap na kayo sa tunay na digmaan? Mga jatos!" bwisit na sabi ni Lerzia. "Ano bang ipinaglalaban mo?!" tanong ni Verdem at nagsimula nang magka-angasan ang dalawa. "Ikaw! Ikaw ang problema ko! Hilig mong makisali sa usapang hindi ka naman kabilang!" galit na sagot ni Lerzia at yamot na lumakad papalayo. "Anong problema nu'n?" paglapit ni Adro sa mga kapatid. "Nasisiraan na ata ng ulo, parang nagsasanay lang — kung ano-ano na agad ang sinasabi. Parang ulol." iritang sagot ni Verdem at napatawa sa kaniya si Axus. "Hay, bumalik na nga lang tayo sa pagsasanay, mga kapatid!" aya nito at silang tatlo nalang ang muling nagsanay. Si Lerzia ay bumalik nang nagdadabog sa kaniyang silid, ibinato n'ya ang kaniyang sandata sa sahig at lumagabog ito. "Anong nangyayari sa 'yo?!" pagdating ni Tomzo. "Lubha talaga akong nayayamot sa Verdem na 'yan!" sagot ni Lerzia at bugnot na bugnot na kinamot ang kaniyang ulo. "Tss... Wag mong hayaang nagkakaganyan ka dahil sa iyong mga kapatid, ikaw ang panganay kaya ikaw ang dapat na laging nasasa-ayos." sambit ni Tomzo at pinulot ang sandata na nasa lapag. "Nasaan si Grayda?" tanong ng regium. "Ahh — nariyan lang, nagsisilbi sa kusina? May ipag-uutos ka ba?" paglilihis ni Tomzo sa kaniyang sagot dahil ang totoo ay nasa Derrohny ang hora na hinahanap ng kaniyang alaga. "Wala. Hindi ko lang s'ya madalas makita—" sagot ni Lerzia at kumuha ng roba, "d'yan ka na muna, pag hinanap ako ng aking ama ay sabihin mong hindi pa tayo nagkikita." bilin nito. "Saan ka pupunta?" tanong ni Tomzo. "BASTA!" galit na tugon ni Lerzia at itinali na ang laso ng roba. "Huwag mo nang dagdagan ang aking inis, tsk!" "Masusunod!" sagot naman ng gire. "Makakaasa ka, mahal na regium! Mag-iingat ka lang!" at nag-linis nalang ito. Hanggang sa sumapit na ang hapon... Nasa punong bulwagan ng palasyo ang amang hari kasama sina Verdem at Xelcis, mayroong kinakausap na mga majezan ang haring Roman habang ang dalawang regium ay tila nagsasanay na kung paano ang pamamahala sa kaharian. Dumating si Emprido at humahangos itong dumulog sa mga kamahalan... "Salutem, amang hari, mga regium!" pagbibigay-galang nito. "Ano't humahangos ka, Emprido?" tanong ni Xelcis. "Ang inyong kapatid na si Lerzia — nakikipagaway sa bayan!" sagot ng kawal at napatayo sa kaniyang trono si Roman. "Pranar! Sa anong kadahilanan?!" tanong nito. ------------------------ PRANAR - Pasaway ------------------------ "Sabi ng mga naka-saksi ay may naka-tabig lang daw sa iniinom ng regium at doon na nagsimulang magka-initan." sagot ni Emprido. "Tss — kayabangan talaga." nakangising sabi ni Verdem. "Kung ganoon ay bakit hindi mo pa s'ya sinundo at ibinalik rito?" tanong naman ni Xelcis. "Avenila, ngunit ayaw magpa-awat sa amin ng inyong panganay na kapatid—" sagot ni Emprido, "—kaya ako nagtungo rito ay para kay haring Roman dahil kung ang amang hari ang magtutungo doon ay tiyak na magpapaawat itong si Lerzia." "Tayo na, Verdem... Samahan mo ako!" aya ni Roman sa isa sa mga anak at bumaba agad sa trono. "Dalhin mo kami sa kaniya ngayon din!" Nagtungo sa bayan ng Valhar, karatig ng Hermosa, ang mga sorsero at sa isang payak na kainan sila dumaretso. Pagpasok na pagpasok doon ay nadatnan nila si Lerzia na aambaan na ng suntok ang di umano'y nakaaway nito! "Sancte!!" sigaw ni haring Roman at ang lahat ng nasa kainan ay nagulat at napatingin sa kanilang mga bagong dating. Dali-daling lumapit sa panganay na anak ang amang hari at hinila ito— "Anong ginagawa mo, Lerzia!?" galit ngunit mahina nitong tanong. "Paumanhin sa gulong dinulot ng aking anak — ako na ang humihingi ng pasensya sa inyong lahat!" paumanhin nito sa lahat. "Ama, bitiwan mo ako — hindi pa ako tapos sa jatos na iyan!" pagpalag ni Lerzia na halata namang lasing na lasing na. "Tumigil ka na, Lerzia!" iritang umawat na rin si Verdem at sa kaniya naman tumingin ng masama ang kaniyang kapatid. "Isa ka pa! A-anong ginagawa m-mo dito, ha!??" tanong nito. "Tayo na, paumanhin muli, mga majezan!" paalam ni Roman sa mga kumakain at dali-dali na nilang inilabas ang lasing na regium sa kainan at nagbalik na rin ng Goltus. "Kakaiba talaga ang panganay na anak ng amang hari, 'no?" sabi ng isang kumakain. "Tama ka! Ang alam ko'y may dugong Derronian daw iyon kaya ganoon ang pag-uugali." sabi naman ng isa pa. "Tsk, tsk!" Nang makabalik sa kanilang kaharian ay agad na dinala ni Roman si Lerzia sa kaniyang silid upang doon ay makapag-usap silang dalawa ng masinsinan. "Ano na naman ba itong ginawa mo? Pang ilan na 'yan Lerzia!?" dismayadong tanong ng hari sa anak. "Bakit lagi ka nalang nakikipag-away?! Ang bilis uminit n'yang ulo mo! Hindi mo ba kayang panghawakan ang galit? Kailangan ba na lagi kang makikipag-kumpitensya ha?!" Itong si Lerzia ay nakatungo lang at di umiimik... "Lagi ka na lamang nasasangkot sa gulo, Lerzia! 'Di mo kayang umiwas, anak?!" tanong pa ni Roman. "Patawad! — patawad!" sambit ni Lerzia at humarap na sa ama. "Patawad kung hindi ako katulad ng iba mong anak!" dagdag nito at natigilan ang amang hari. "Palibhasa'y si Axus lang ang magaling para sa 'yo!—" pabulong na sabi nito. "Ano?! Anong sinabi mo, Lerzia?" tanong ni Roman, "walang kumpitensya sa inyong anim ha ipapaalala ko lang sa 'yo! Walang nakalalamang, lahat kayo ay mahal ko nang PANTAY-PANTAY!" "Walang mas magaling, Lerzia, WALA!" "Tss.. 'Wag mo nang ipagkaila, ama! Lalo mo lamang pinapakita sa akin na ako ang kabiguan mo sa aming anim! Ipagpaumanhin mo kung hindi mo nakuha ang panganay na nais mo!" may luhang sumbat ni Lerzia at dali-daling umalis. ``` "Lerzia! Alam mong hindi totoo 'yan! Bumalik ka rito! LERZIA!" tumatangis na sigaw ni Roman ngunit hindi na siya binalikan ng kaniyang anak. Nagtungo na sa kaniyang silid si Lerzia at humilata kaagad sa kama, dito naman pumasok si Cally, isa sa mga hora at may dala itong mga kasangkapan. "Ahh, mahal na regium... Heto ang tubig, pati ang isang pamunas. Gamitin n'yo ito upang mawala ng inyong kalasingan." sabi nito at si Lerzia ay biglang bumangon at dahan-dahan siyang nilapitan. Hinaplos n'ya ang hora mula sa likod nito at saka iniharap sa kaniya— "Ahh — regium Lerzia?!" nagtatakang sambit ni Cally at hinaplos na rin ni Lerzia ang kaniyang mga labi! "Ahhh... R-regium?" At walang ano-ano ay bigla siyang hinalikan ng binata! "Dito ka lang... 'Wag kang aalis." bulong ni Lerzia at muling hinagkan si Cally. At nang gabing iyon ay nangyari na ang isang bagay— ... Kinabukasan... Tahimik sa punong bulwagan, naroon ang amang hari at may mga kasulatan siyang binabasa, ang kaniyang mga anak ay naroon rin at may kanya-kanyang pinagkakaabalahan at kinakausap na mga nilalang. Nagulat ang lahat nang maya-maya ay biglang may malakas na liwanag ang bumalot sa buong bulwagan! Nasilaw ang mga sorsero kaya't mga nagtakip sila ng mata! Hindi nagtagal ang liwanag at agad rin itong naglaho, at dito naman nakita ng mga regium ang nagliliwanag na bolang kristal sa likuran ng kanilang ama! "Ama! Sa likuran mo!" patakbong lumapit si Verdem habang turo-turo ang nasa likod ng upuan ng hari. "Bakit nagliliwanag ang bolang kristal, ama?" tanong ni Axus. Ngumiti ang haring Roman at tumayo... "Dumating na ang hudyat!" proklama nito. "Hudyat?—" paglapit na rin ni Xelcis. "Nagliwanag ang bolang kristal dahil nanganghulugan ito na dapat na akong mamimili ng hahalili sa 'kin bilang susunod na magiging hari ng Goltus!" paliwanag ng amang hari at nagkatinginan ang magkakapatid!— "Sino kaya sa anim na mahuhusay mong anak ang susunod na mauupo sa iyong trono, mahal na hari?!" at dumating si tandang Maro nang may ngiti at pagkasabik para sa mga regium. "B-bakit ama? Bakit kailangan pang mamili—" tanong ni Lerzia at lumapit na rin sa mga kapatid. "Gayong malinaw na nasa batas ng mga sorsero na ang panganay na anak ang dapat na humalili sa kaniyang ama sa oras na ito ay bumaba na sa trono?" "Na s'yang pwede kong iwasan at hindi sunduin..." sagot naman ni Roman na ikinagulat ng lahat ng regium, "...'pagkat nais kong makita ang kanya-kanya n'yong kakayahan at subukin kung sino sa inyo ang may taglay talaga na karunungan upang mamuno sa ating kaharian!" paliwanag nito. "Kung gano'n, p-paano po ba pipiliin ang susunod na hari, ama?" tanong naman ni Adro. Ngumiti si Roman at tinignan muna si Maro... ...saka nagsalita. "Kayong anim ay dadaan sa isang pagsubok! — pagsubok na babatid kung sino sa inyo ang karapat-dapat pumalit sa akin!" Dito na bumilis ang t***k ng puso ng anim na regium at lahat sila ay kinabahan, ano nga kayang pagsubok ang sinasabi ng amang hari? Agad na pinamalita sa lahat ang magaganap na pagpili sa bagong mamumuno sa Goltus, ang buong Majezenty ang nakaalam sa magaganap na paligsahan ng mga regium kaya umabot rin ang balitang sa Derrohny at ang haring Balrak ay agad na nagplano upang magawa niyang mapapanalo ang apong si Lerzia sa anumang mangyayari! Kanya-kanya na nang naghanda ang magkakapatid at sinabihan nalang sila ng takdang sandali kung kailan magsisimula ang naturang paligsahan! ... (Sa silid ni Lerzia) Nakasuot na ng kulay lila na gayak pang-ensayo ang regium at kasalukuyan s'yang kinakausap ng kaniyang mga matapat na tagapag lingkod, sina Tomzo at Grayda. "Batid mong si Axus ang magiging hari, hindi ka ba nababahala?" tanong ni Tomzo. "At bakit ako mababahala? Matagal ko nang pinag-handaan si Axus, maging ang aking ama." kumpyansang sagot ni Lerzia habang nananalamin, "ngayon tayo magkakaalaman kung tunay nga bang mas mahal niya si Axus!" "Ngunit kailangan ko pa ring husayan 'pagkat ako ang kinakailangang magwagi — ako ang magiging hari! Makikita nilang lahat ng galing ko! Ako ang papalit kay ama!" Habang hindi pa oras ay naglibot-libot muna siya sa palasyo at sa paglalakad n'ya ay nagawi s'ya sa lagayan ng mga sandata ng Goltus. Dahil wala pa namang hudyat ay pumasok muna siya rito upang tignan ang nilalaman nito. Nang makapasok ay namangha s'ya sa laki ng silid, napakarami mga sandata ang naka-hilera sa paligid 'gaya ng mga sibat, espada, panangga, mga tungkod na nagtataglay ng salamangka, at kung ano-ano pa. Sa dakong gitna ay nakalagak ang ilan sa mga antigo at makapangyarihang mga armas na pinagkakaingatan rin ng Goltus, ito ay iyong mga mga sagrado at natatanging sandata na pag-aari ng mga yumao nang nilalang. Napukaw ang atensyon ni Lerzia sa isang punyal, nakapatong ito sa bandang itaas, katabi ng isang baluti. Hinaplos n'ya ang patalim at sa di mawaring dahilan ay labis s'yang naakit sa punyal na to! Hanggang sa dumating si Maro... "Oh regium Lerzia, narito ka pala?!" sabi ng matanda. "Salutem, tandang Maro! Ikaw pala?" nakangiting bati ni Lerzia. "Anong ginagawa mo rito, mahal na regium? Hindi ba't naghahanda na ang lahat?" Maro "Napadaan lamang ako kaya't naisipan kong tignan kung anong mayroon sa silid na ito." sagot ni Lerzia at ibinaling muli ang tingin sa punyal. "Ahh, tandang Maro. Maaari ko bang itanong kung — bakit iisa lang ang ganitong sandata rito?" tanong ng regium, "pansin ko'y wala itong katulad sa dami ng mga armas na nasa paligid." "Dahil bukod tangi talaga ang punyal na iyan, kamahalan. Hindi 'yan nagmula sa atin kaya 'wag kang magtaka na nag-iisa lang 'yan." sagot ni Maro at lumapit. "Bakit, tandang Maro? Anong kwento ang mayroon sa sandatang ito?" hiwagang tanong ni Lerzia. "'Yang punyal na iyan ang kumitil sa buhay ng ating mahal na inang reyna — si Kaxandra!" salaysay ni Maro, "'yang punyal na iyan ang tumapos sa buhay ng asawa ng inyong ama!—" Natigilan at bahagyang nagulat si Lerzia nang marinig n'ya ang salaysay na iyon ng matanda— "G-gano'n ba? Hindi ko batid! Paumanhin..." regium "Hay... Sayang na buhay! Ang mga Derronian talaga ang salot dito sa Majezenty... Hay!" dismayadong sabi ni Maro. Matapos ang pag-uusap ay nagtungo naman sa kagubatan si Lerzia upang sumagap ng sariwang hangin. Sa kaniyang pagpapalipas-sandali habang nakaupo sa ilalim ng isang puno ay biglang nagsulputan ang mga Derronian! Napatayo kaagad siya at naghanda!— "At ano ang ginagawa n'yo rito, mga apmevento?!" maangas niyang tanong sa mga kalaban. "Baka nakakalimutan n'yong may atraso pa kayo sa sa 'kin at sa inyong paglusob sa Goltus noong piging!? Marahil pagkakataon na ito upang masubok ko ang talim ng sandatang ito." sabi ng regium at agad na naghubad ng roba at inilabas ang punyal na kinuha pala n'ya kanina sa kamara! Agad n'yang nilusob ang mga Derronian at sila'y kinalaban, bagamat nag-iisa ay hindi natatakot itong si Lerzia at s'ya pa ang kumpyansang makalalamang sa tapatang iyon. Nakikipag-sagupa s'ya sa mga ito nang dumating ang isa pang bagong nilalang, na hindi niya kilala ngunit si Balrak pala — ang kaniyang lolo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD