Kabanata 1 - Ang Pagkasundo

1053 Words
Tila isang malaking desisyon para kay Rexxar ang magpakasal sa babaeng hindi niya mahal. Mariin siyang napapikit ng kanyang mga mata nang dumating na ang pamilya ng kaibigan niya. Wala siyang ganang bumati sa mga ito. Pumulupot ang kamay ni Seanna sa braso ni Rexxar. Masayang saad nito, "Rex, papayag ka na ba sa kasal?" Hindi umimik si Rexxar. Nakatingin lang siya sa malayo at hindi pinapakinggan ang sinasabi ng kanyajg kaibigan. "Rexxar, hindi ba maganda iyang desisyon? Matagal mo nang matalik na kaibigan si Seanna. Mula bata pa lang ay magkasama na kayo. Mag-best friend kayo at dapat pahalagahan mo ang pinagsamahan ninyo," saad ng ina ni Rexxar. Company partnership ang dahilan kung bakit gusto ng kanilang mga magulang na maikasal ang dalawa. Labag iyon sa kalooban ni Rexxar dahil hindi naman siya ang lalaking panganay na anak. Huminga nang malalim si Rexxar. Sagot niya, "Mom, that's why I don't want to marry her. Para ko na po siyang kapatid sa lagay na ito. I can't love here more than that." Nanginig ang katawan ni Seanna nang bahagyang marinig ang usapan ng dalawa. Hindi niya sinasadyang madatnan na nag-uusap ang dalawa habang naglalakad siya patungo sa comfort room. Masakit para sa kanya na hindi siya kayang mahalin ni Rexxar na katumbas ng kanyang pagmamahal. Parang binibiyak ang kanyang puso, pero pinipigilan niya ang mga luha niyang kanina pa nagbabadyang tumulo. Kahit anong mangyari ay magpapakasal tayo, Rex. Hindi ako makapapayag na sa iba ka pa mapupunta. Ayokong masayang ang ilang taong in-invest ko sa iyo. Sa isipan ni Seanna ay wala siyang dahilan para sumuko. Gagawin niya ang lahat upang matuloy lang ang kasal. "Hi, Tita Alexa!" pagputol ni Seanna sa pag-uusap ng mag-ina. "Kanina ka pa riyan?" tanong ng ina ni Rexxar. "Ngayon-ngayon lang po. Papunta po sana ako sa comfort room ninyo e. Sakto lang po na nakita ko kayo," pagsisinungaling niya. Pumunta sa harapan ang kaibigan niya. Kinuha nito ang kamay niya sabay hila sa kanya papunta sa garden. Labis ang kaba ni Seanna, sapagkat minsan niya lang makita ang kaibigan niya masama ang timpla. Nasanay siya na laging maganda ang pakikitungo sa kanya nito. "Bakit mo ako dinala rito?" matapang na tanong ni Seanna kay Rexxar. "Pwede mo naman akong kausapin habang naroon ang mga magulang natin. Bakit mo ako binibigyan ng ganiyang reaction? Mukha na ba akong masama sa iyong paningin?" "Bakit ka pumapayag sa ganiyang kasal? Hindi ka ba lalaban para sa karapatan mo? Ipatigil na natin ang kagustuhan ng ating mga magulang," diretsong sabi ni Rexxar. Hinilang muli ni Rexxar si Seanna pero hindi ito nagpatinag. Kusa nang tumulo ang mga luha niya, nag-iisip kung paano niya mapapapayag si Rexxar na pakasalan siya. Malungkot siyang tumingin sa kanyang kaibigan. Saad niya, "Ayokong makasal sa ibang lalaking hindi ko naman kilala. Ikaw na lang ang naiisip kong gawing dahilan kila Mom at Dad na hindi ipakasal sa iba. Tulungan mo ako." Napakunot ang noo ni Rexxar. Sa totoo lang ay ayaw niya ring nakikitang nasasaktan ang mga mahal niya sa buhay. Ngayon ay naguguluhan na siya sa inaasal ni Seanna. Tanong niya,, "What do you mean?" Napalunok na ng laway si Seanna. Hindi niya alam kung epektibo ang magiging palusot niya. Okay lang sa kanya na magsinungaling basta makuha niya lang ang lalaking mahal niya. "Ipakakasal kasi ako sa anak ng isang mas mayamang businessman. Nga lang, ayoko kasi at baka mahirapan akong makipag-divorce. Gusto na nila Mom at Dad na ipakasal ako para makasiguro s future ko. Nag-iisa lang akong anak na babae at gusto nila ay ang lalaking makatutulong sa pag-angat ng business namin," naluluhang paliwanag ni Seanna, pinilit ang sarili na magmukhang kawawa. Lalong ikinataka ni Rexxar ang paliwanag nito. Kilala niya ang kaibigan niya bilang isang palaban na babae at hindi basta-basta pumapayag sa bagay na alam niyang makasasama. "Then I will talk to your parents. Let me help you to resolve your problem without marrying me," saad ni Rexxar. "No!" sigaw ni Seanna, na kahit siya ay nagulat sa sarili. "I mean, hindi na natin mababago ang kanilang desisyon. You know them, right? Ipaglalaban din nila ang sa tingin nila ay tama." Napa-cross na ng daliri si Seanna sa kanyang likuran. Wala siyang option kung hindi ang gamitin na rin ang kanyang mga magulang sa pagsisinungaling niya. Hindi rin totoo na ipakakasal siya sa ibang lalaki, dahil siya mismo ang nagpumilit sa kanyang mga magulang na ikasal siya sa kaibigan niya. "Kanino ka dapat nila ipakakasal?" tanong ni Rexxar. Bahagyang nag-isip si Seanna ng pangalang maiinis ang kanyang kaibigan. Pagsisinungaling na sagot niya, "Kay Dreyson, ang lalaking ayaw natin pareho. Kilala natin siya bilang mayabang at halatang nananakit kapag hindi niya gusto ang ginagawa mo. Ayokong matali sa kanya kaya ikaw na lang ang naiisip kong paraan. Pwede naman tayong mag-divorce kapag nakilala ko na ang lalaking para talaga sa akin." Hinawakan ni Seanna ang dalawang kamay ni Rexxar. Nagsimula na siyang magpanggap na kaawa-awang tingnan. Nagawa niya pang lumuhod sa harapan nito para mas magmukhang desperada na. "I know Dreyson so well. Gusto ka niya noon pa man at hindi ko rin palalagpasin ang pambabastos niya sa 'yo noon," galit na sabi ni Rexxar, kaya naman palihim na napangiti si Seanna. "Pag-iisipan kong mabuti ang kasal na ito. Tumayo ka na. Hindi ko gustong nakikita kang ganiyan, mahina. Ibalik mo ang dati mong angas." Itinayo na siya ni Rexxar, pero agad naman siyang yumakap at nagpasalamat. Alam niyang hindi pa desidido si Rexxar ngunit sa isang sabi lang nito na pag-iisipan ay alam na niya ang magiging sagot nito. Pinawi niya ang kanyang mga luha at isang magandang ngiti ang iginawad niya kay Rexxar. Saad niya, "Maraming salamat, Rex. Hindi ko na alam ang gagawin kung wala ka. Ikaw na lang ang maaasahan ko sa ganitong bagay. Ayokong masira ang buhay ko sa lalaking hindi ko gusto. Kaya sana, kahit ito na ang huling tulong mo sa akin, maibigay mo." Huminga na lang nang malalim si Rexxar. Hindi rin naman siya makatatanggi sa kanyang kaibigan. Matagal na silang may pinagsamahan kaya sa isipan niya ay hindi naman masama ang tumulong sa ganitong sitwasyon. "Maaasahan mo ako, Seanna," wika ni Rexxar, sabay tingin sa malayo. "Pero aasahan ko ang divorce na iyan kapag kaya mo nang ipaglaban ang karapatan mo."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD