Dinala ako ni Collin sa Mall para makapag shopping ng mga damit ko. Lahat nang mga gamit ni Steph ay itinapon niya dahil daw nagiging maarte na ako. Hindi ko nga rin inaasahan na ilalabas n’ya ako ngayon, siguro gusto n’yang bumawi dahil namaga ang pisngi ko sa lakas ng pagkasampal n’ya. Halos mapugto na ang aking braso habang hawak ang mga paperbag. Mabibigat iyon. Napaka hayop talaga ni Collin. Hindi manlang n’ya ako magawang tulungan kahit nakikita n’yang hirap na hirap na ako. Ang bilis pa n’yang maglakad na akala mo may hinahabol.
“Hoy, Collin!” tawag ko sa kanya.
Parang wala lang siyang narinig. Iniangat ko ang aking isang kamay at hinampas sa kanyang likod ang paper bag na hawak ko.
“f**k you! Ano bang ginagawa mo? Nakikipag laro kaba?!” galit na sigaw nito at napahinto sa paglalakad.
“Mukha ba akong nakikipag laro? Tulungan mo kaya ako dito, oh! Anong kwenta ng mga bodyguard mo kung ayaw mo naman pabitbitin nito?! Sinama sama mo pa sila!” Nakangusong sabi ko pa sa kanya.
“Pakialam mo ba?! Ikaw ang nagpaasahod?” pabalang na sagot naman nito sa akin.
Nangangalay na ang aking mga kamay kaya nabitiwan ko ang aking mga dala. Lumuhod ako sa sahig ng Mall. Bahala na kung pagtitinginan ako ng lahat. Pagod na ako.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang mga paa. Todo sipa naman siya sakin pero pasimple lang dahil ayaw rin naman niyang mapansin ng mga tao. “Gusto kong umihi!”
Mabilis siyang napakamot sa kanyang ulo. "Damn it, Steph! Anong dinadrama mo diyan? Edi umihi ka! Pasalamat ka nasa public place tayo dahil kung hindi sisipain ko 'yang mukha mo!” galit na sabi pa nito.
Minsan cold, minsan naman mabait pero madalas napaka brutal niya. Anong klaseng tao ba itong si Collin? Ang gusto n’ya lahat ng kilos ko ay alam n’ya. Wala na akong freedom simula nang matungtong ako sa poder n’ya.
Napatayo naman ako at mabilis na tumakbo palayo sa kanya. Kailangan kong hanapin ang CR sa Mall na ito. Actually, ngayon lang din ako nakagala sa ganitong Mall. Laking iskinita kasi, kaya imbes na panggala sa Mall sa ukay-ukay nalang. Wala din sapat na perang pambilis sa mamahaling pagkain dito at pang karenderya lang na presyo ng kaya ko.
“Miss, saan ang banyo dito?” tanong ko sa isang sales lady habang nakahawak sa puson ko.
“Diyan po, dumiretso lang kayo diyan at kumanan tapos iyon na!” aniya habang tinuturo ang daan.
“Salamat, ha!” Kumindat pa ako sa kanya dahil ang ganda n’ya. Tumakbo ako sa direksyon na sinabi ng babae. Finally, hindi rin ako pinilit ni Collin na magsuot ng seksing damit. Pinahiram n’ya pa ako ng polo at short na maong. Plus, Nike pa amg sapatos ko. Astig kong tingnan, lalaking lalaki.
Syempre dahil sa babae pa rin naman ako sa Women’s room ako pumasok. Wala ni kahit isang tao. Kaagad kong hinubad ang aking short at brief. Parang nabunutan ako ng tinik nang mailabas ko ang lahat ng aking ihi na tumitigas sa aking puson.
“Success!” Masayang sabi ko pa.
Nagpunas na ako ng tissue at lumabas sa loob ng banyo. Pagkabukas ko ng pinto, isang babae ang nakatayo doon. Sobrang puti ang mga hita n’ya at naka high heels pa.
“Sorry Miss, kung natagalan ako. Kanina kapa ba naghihintay?” Hinawakan ko pa ang tungki ng ilong ko habang ngpapacute sa kanya. Nakatalikod kasi siya sa akin kaya ang nakita ko lang ay ang makinis n’yang likod dahil naka backless s’ya. Maiksi ang kanyang buhok na abot hanggang balikat lang.
Dahan-dahan siyang lumingon sa akin habang may hawak na nakasinding sigarilyo. Kamuntikan na akong matumba nang makita ko ng kabuuan ang kanyang mukha. Malakas akong napakapit sa pintuan nang banyo.
“Are you enjoyed pretending as me?” nakangising tanong n’ya sa akin.
Bumukas-sara ang aking bibig. Marami akong gustong sabihin sa kanya. Sa wakas, nakita ko na rin s’ya. Magkamukha kaming dalawa, pero para siyang anghel dahil napakalambing ng boses n’ya kaya hindi ko mapagtanto kung galit ba ito sa akin. Kumurap ako ng ilang beses. Matalas kong pinagmasdan ang kanyang mukha. Mula bibig, ilong ay shape ng pisngi talagang magkaparehas kami.
"S-Steph?” mahinang bigkas ko sa kanyang pangalan.
Tumango s’ya sa akin at minasahe ang aking balikat. s**t! Ang init ng kamay n’ya. Napapikit ako sa kanyang ginagawa. Tila nahahalucinate ako sa ginagawa n’ya.
“Isa kang tomboy hindi ba? Bakit hindi ka lumayas sa poder ng asawa ko? O baka naman nagugustuhan mo na ang magpanggap na ako dahil masagana ang buhay mo!” aniya.
Kaagad akong umiling sa kanya.
“Nagkakamali ka! Sinubukan kong tumakas pero wala akong magagawa. Sobrang higpit sa akin ni Collin. Ngayon na nandito kana, siguradong makakaalis na ako!” Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila iyon. "Halika na, balikan mo na ang iyong asawa nang sa ganoon ay makabalik na rin ako sa sarili kong buhay!” dagdag ko pa.
“Don’t touch me!” Malakas n’ya akong itinulak dahilan para mapasandig ako sa pader. Ang kaninang mala anghel na mukha at nag transform sa pagiging halimaw. Naniningkit ang kanyang mga mata sa galit sa akin.
“Kailangan n’yang malaman na magkaiba tayong dalawa. Sasabihin ko sa kanya mismo ngayon-“
Napatigil ako sa pagsasalita nng bunutin ni Steph ang isang baril sa loob ng kanyang bag. Itinutok n’ya iyon sa akin. Parang mahihinatay ako sa sobrang takot. Ayaw ko pang mamatay Lord.
Nakailang lunok na ako ng aking laway dahil sa sobrang kaba.
“H-H’wag, parang awa mo na. Wala akong kasalanan. Maski na ako nagulat din na mapagkamalan-“
"Shut up! I don’t need your explanation. You need to listen with me and follow my instructions. Ipagpatuloy mo lang 'yan. Magpanggap ka na ako ikaw at handa akong magbayad kahit na magkano,” aniya habang tinututok ang baril sa noo ko.
"Po?! Naku, hindi naman iyon pwedi. May Pamilya akong naghihintay sa akin at ayaw konf pakisamahan ang asawa ninyo. Nakakadiri lalo na kapag hinahalikan n’ya ako!” giit ko pa.
“Ito ba ang matandang 'to ang inaalala mo?!” Ipinakita n’ya sa akin ang litrato ni Aling Kora.
Mas lalong lumakas ang t***k ng puso ko. "B-Bakit kayo may litrato? Paano mo siya nakilala?” sunod-sunod na tanong ko.
“Its doesn’t matter, Jerlyn. Magpanggap kang ako at magpapanggap akong ikaw. Kailangan mong bantayan ang nga kilos ni Collin at sabihin mo iyon sa akin. Kapag pumalpak ka, alam mo na kung ano ang mangyayari kay Aling Kora at sa iyo!” Nakangising pagbanta nito.