Nagising ako ng may nakapulupot na isang braso sa bewang ko, nakapatong na paa sa hita ko at mainit hininga sa leeg ko. Napalingon naman ako kay Daemon. Nakadapa itong natulog habang nakasubsob ang mukha sa aking leeg at yakap-yakap ako. Dahan-dahan akong tumagilid at inayos ang kumot naming dalawa. Ngiti-ngiti akong niyakap siya at kinagat ng mahina ang tenga. Napahagikhik naman akong marinig siyang umungol. Mas lalo siyang sumiksik sa leeg ko dahilan para makiliti ako sa init ng hininga niya. "Irog? Gutom na ako."nakanguso kong bulong sa tenga niya at sinundot ang bewang niya. Gumalaw naman siya at humigpit ang pagpulupot nito sa bewang ko. "Hhmmm." "Irog."maiyak-iyak kong tawag sa kanya. "Okay." paos nitong sagot at hinalikan ang leeg ko bago niya inalayo ang ulo. Nakadapa parin si

