6

1257 Words
Nagtitigan kami sa mata tila ba'y kami lang ang tao sa mundo. Heto na naman. Pakiramdam ko talaga huminto ang mundo namin. Bakit ang ganda ng mga mata niya? Makapal ang kilay, matangos na ilong at malarosas na labi. Perfect jawline. Ang pogi-pogi niya. Grabe naman makatitig to feeling ko tuloy may sinasabi ang mga mata niya. Pwede pala yun? "SELENE! NASAAN KA? MAY NAHANAP NA KAMING MAGIGING IROG MO? WHERE NA YOU,DYOSA?" Someone interrupted our sweet scene. Charot lang! Napalingon naman ako dun. Ewan ko lang kay Daemon kung napalingon siya dun. Nakita ko sina Azura at Athena habang may dala-dalang patpat. Hinahawi nila ang mahahabang damo gamit ang patpat na dala nila. Saan kaya to' galing? "SELENE! SELENEEEEEEE. ASAN KABA BABAE KAAA?"naiinis na sigaw ni Athena. "Ano ba naman yan, Dyosa Athena. Nabingi na ako sa sobrang lakas ng boses mo. Pwede ba hinaan mo naman? Ayos lang sana kung maganda boses mo eh." reklamo naman ni Azura at pinapalo ang mga baging dahilan para maglaglagan ang mga puting bulaklak. "Edi takpan mo tenga mo! Di ko need your opinion kaya manahimik ka dyan kung ayaw mong ipalo ko ito sayong dala kong patpat. Bilisan mo na dyan. Naghihintay na ang magiging kabiyak ni Selene. Nakakahiya naman kung paghihintayin natin yun sa tree house at pwede ba, tigilan mo yang pagpalo sa mga baging? Naglaglagan ang mga bulaklak sa ginawa mo eh. Isusumubong kita kay Hestia." "Ito na. Ito na. Titigil na. Naman oh! Ang ganda kaya?" Napailing-iling nalang ako at pinagmasdan sila habang hawak-hawak ang kanilang saya. Ramdam ko namang tumabi sakin si Daemon. Hinayaan ko nalang. Pero tama ba narinig ko? May kabiyak akong naghihintay sa tree house? Wag naman sana sa tree house ko.Susme lang talaga. Bawal makapasok ang iba dun,ako lang ang pwede. Ang dyosa ng kagandahan lamang. Period. "Who are they?" tanong ng katabi ko gamit ang malamig niyang boses of course. May iba pa ba? Talo pa yelo sa kanya. Siguro taga-Antartica siya nakatira, nakikisalamuha lang sa teritoryo namin. Naku! "Mga kasamahan ko sila sa Mt.Selthenastia at dahil magiging kabiyak din naman kita. I will tell you my irog about our world here. Charing, napapa-English na naman ako dahil sayo. Ikaw naman kasi eh."sita ko pa at lumingon sa kanya. Nagulat naman ako dahil nakatitig pala ito sakin. Akala ko pa naman nakatingin siya sa mga kaibigan ko di pala? "Bakit? May dumi ba ako sa mukha, Daemon?"tanong ko sa kanya. Eh kasi naman na worry ako. Kakahiya naman kung ganun ang hitsura ko habang kaharap itong pogi kong irog. Pasimple niyang iniwas ang mga mata at malayo na ang tingin ito habang nakakunot ang noo. "They said you already have a partner in your tree house." Hindi ko alam kung mali ba ang pandinig ko pero bakit parang nagtatampo at naiinis siya pakinggan? Malamig nga ito at ang lalim ng boses tapos walang emosiyon pero parang ganun talaga eh. Ganyan ang feeling ko or feelingera lang talaga ako? Ewan. Hirap basahin ng irog ko. Hay naku! Pero ano daw? "Huh? Ganito kasi yun. Paano ba. Kanina kasi ma--." "Nandito ka lang pala, Selene. Kanina ka pa na......min.. hina..nap." "P*nyeta! Napagod ako dun ah? Letche ka talaga, Azura. Dito lan-oww." Napalingon naman ako sa dalawa na ngayon ay nakanganga ang bibig ni Azura habang nanlaki ang mga matang nakatingin kay Daemon. Si Athena naman ay nakahawak sa bewang niya habang naghugis-bilog ang nguso niyang nakatingin din kay Daemon. Mabilis naman akong pumunta sa harapan ni Daemon tila hinarangan ko siya sa mga higad. Chos! Binakuran ko lang. Bakit ba ?Siya naman ang irog ko eh. Kaya ayos lang. hehehehe. Pinagkrus ang mga braso ko at tinaas-baba ang kilay sa kanila. Napasimangot naman akong di nila ako pinansin bagkos ay nakatitig parin kay Daemon. Kita niyo. Kita niyo. Nakakainis talaga. Hhmmpp. "Ehem."I made a fake cough to interrupted their daydream. Akala nila sila lang magaling mangambala? Heh! Neknek nila. Tinikom ni Azura ang bibig niya at naglikot ang mga mata habang pinaypayan ang sarili. Si Athena naman ay pasimpleng kinamot ang bewang at umiwas ng tingin. Napadako naman ang tingin niyo sakin at nanlaki ang mga mata. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Buti't-kita-mo-na-ako-look. Napangiwi naman siya. Rinig ko namang may tumawa ng mahina sa likuran ko pero di ko pinansin. "S-Sino siya, Selene?"nauutal na tanong ni Azura. Napabaling naman ang tingin ko sa kanya na ngayon ay nakatulala na naman kay Daemon. Punyemas na babaeng ito may plano atang tunawin ang irog ko. Maaga akong mabyuda nito. Di pa nga kami kasal mawawalan na ako ng asawa dahil sa kanya. Di ako papayag. "Ang nag-iisang irog ko."mayabang kong sagot na medyo may halong pag-aangkin. Bakit ba? Totoo naman. Napanganga siyang tumingin sakin. "Ah eh. Naku, Selene. Problema to. May bininggwit kami ng isang makisig na lalaki mula pa sa Mt.Dracula para sana maging kabiyak mo pero ayos lang kami na bahala dun. Mas makisig , poging-pogi at pack na pack itong nakuha mo. hehehe"sabi ni Athena habang napakamot sa ulo. "Mt. Dracula? Bakit dun pa? Alam mo namang maraming nagkakagusto sakin sa kampo na yun." Nagpapadyak kong sabi. Di naman ako nagmamayabang pero yan ang totoo. Ayaw ko dun sa kampo na yun. Masyadong mayayabang ang mga feeling bampira dun, nakakainis sila. "Alam namin .Alam namin kaya nga dun kami kumuha para di na kami mahihirapan." nakasimangot na sagot ni Azura at pinutol ang isang sunflower. "Paano na yan."nag-alala kong sabi. Naramdaman ko namang may mga kamay na dahan-dahang dumadaos-dos sa bewang ko hanggang sa kusang pinulupot ang mga braso sa bewang ko. Nanlaki naman ang mga mata ko dun.cLilingunin ko sana siyang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko. Hfjlkfstikktuioczatmbvthfdj......Nyemas! "Who's the f**king f*ck that Mt. Dracula, my Dea?"malamig ngunit husky ang dating. Nanigas ako dun at nanlaki ang mata. Mabahagingdyosa mga tuhod ko'y naging jelly na. Susme. Help! Jusko. Ano ba ito? Ba't ang lakas ng beat ng heart ko? Hala! "A-Ah e-eh." utal-utal kong sambit. Bat nauutal ang dyosa? Susme. Anong nangyari sakin? Mas lalong humigpit ang pagyakap niya sakin mula sa likuran at dinikit ang katawan nito sakin. May umubo mula sa likuran at suminghap pero itong taong nakayakap sakin tila walang narinig dahil nakayakap parin. Bingi ba to'? "Hhmmm? Tell me, my Dea. Tell me." bulong nito sa tenga ko. Napapikit naman akong may dumampi na isang malamig na bagay sa leeg ko. Hinawi niya buhok ko mga prend at muling dumampi ang malamig na bagay sa bandang iyun. "A-Ah ano. K-Kampo yun ng mga bampira kuno at puro lalaki ang nandun." kagat-labi kong sagot sa kanya. Napatingin naman ako sa dalawang nakabuka ang bibig habang nakatingin sakin-samin. Pinaglakihan ko naman sila ng mata. Unang bumawi si Azura at may mapanuksong ngiti sa labi habang si Athena ay tumaas ang sulok ng labi niya habang may mapangasar na tingin sakin. Napakurap-kurap naman ako. "Ikaw ba ang magiging kabyak ni Selene, ginoo?"tanong ni Athena ngunit ang mga mata nito ay nakatuon parin sakin at nandon parin ang nakakaasar niyang tingin. Meged! Ano kaya ang nasa isip nito Naku lang. Ramdam kong umaangat ang ulo ni Daemon. He leans his chin onto my shoulder. Napalingon naman ako sa kanya. "Yes! The one only. So, tell those f*ckers to back off because this woman is il mio. Solo mio. Sei mio per sempre, mio Dea." he said in possessive way while staring at my eyes. Napanganga naman ako kahit hindi ko naintindihan ang huli nitong sinabi. Sh*t! Ano kaya meaning nun? Alien nga ata to'.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD