Takip ng itim na tila ang aking mga mata ay inalalayan ako habang tinahak ang isang daan.Mga mahihinang boses ang aking narinig sa paligid kasabay ang paghinto namin. Tinanggal niya ang takip. Napakurap-kurap naman ako ng ilang beses hanggang sa naging malinaw ang aking paningin. Bumungad sakin ang mga bulaklak sa baging nakasabit sa aking harapan tila isang kurtina. Pinaghalong puti at malarosas ang kulay.Mula sa tinatayuan namin ay kita ko din the lights coming behind those flowers. Napaawang ang labi kong lumingon kay Azura na may ngiti sa labi. "Hi Selene! Hehehehe. Yumuko ka."utos nito. Yumuko ako at doon ko nakita ang hawak niyang tiara na pag-aari ko. Ramdam kong inilagay niya ito sa ulo ko. "Ayan! Para kompleto. Ang ganda mo." masaya nitong sabi. Inangat ko naman ang aking ulo

