Ayaw talaga ni Leon. Iyon ang alam ko sa ngayon. Buong araw siyang seryoso at iritable sa sinabi kong babalik ako sa San Rafael. Baka kailanganin ko naman kasing harapin talaga. Hindi naman pupwedeng laging ganito na lang. Gusto ko rin naman maging matapang at harapin ang takot ko kay David. Kung naghahanap ako ng hustisya sa ginawa niya sa akin kailangan kong kumilos para makuha iyon. Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking grocery store. Naunang bumaba si Leon, kahit alam kong galit siya ay pinagbuksan pa rin niya ako ng pintuan. Hinintay niya muna akong makababa ng sasakyan bago niya iyon sinarado. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Ginabi na tuloy kami ng alis sa opisina niya. May mga nadagdag at naisingit na trabaho sa kanya. Pinabayaan ko na lang din tutal kailan

