Pinilit kong ngumiti habang nakatanaw sa papalapit na si Leon. Isang taon na ba ang lumipas na iyon sa pagitan naming dalawa? Sabagay. He's still the most beautiful person I've ever met. Understatement ang salitang gwapo para sa kanya. He's beyond those words. I tried to stop myself from crying while watching him walking towards me. He's wearing this white polo shirt and a pair of pants. Ang buhok niya ay malayang nililipad ng hangin. Napakatagal ng isang taon para sa aming dalawa. Hindi nga lang isang taon. Isa't kalahating taon. Kinailangan niyang i-extend ang training niya sa Espanya para hindi na niya kailanganin pang bumalik doon. Mabuti na nga lang at nasabi ni Olivia iyon sa akin kung hindi ay panghihinaan ako ng loob. Baka nangyari na ang hindi pa dapat mangyari.

