Mira
Naiinis ako na hindi man lang ako tapunan ng kahit konting pag kagusto ni Calvin. Ang dami daming nag kakagusto saakin mga kasi ng edad ko pero Hindi ko pinapansin tapos siya na gurang dine- deadma lang ako. Kahit tuloy ayokong umuwi sa Bahay umuwi nalang muna ako dahil kung inis ako sa mga magulang ko mas inis ako kay Calvin na gurang.
“Aba buti at naisipan mong umuwi?”
“Mano po nay, mano po tay! It’s nice to see you too po” sarkastiko kong sagot. “ May pera ka ba diyan?” Tumaas ang kilay ko sa tanong ng Tatay. I’m sure totoma nanaman ito.
“Of course Tay Meron po..” kinuha ko ang wallet ko sa bag ko at inabot ang isang Libo sa Tatay at bago pa bumuka ang bunganga ng nanay ko eh binigyan ko na din siya ng isang libo.
“Mag papahinga po muna ako nay, namalengke na din po ako para may makain akong Masarap habang nandito ako” umakyat ako sa pangalawang palapag ng bahay. Sosyal diba may second floor kami char! Tatlong hakbang lang ang hagdanan namin masabi lang na may second floor kami.
“Bakit anak.. hanggang kailan ka dito?” Natawa ako sa tanong ng nanay.
“Week end lang nay don’t worry” ayaw nila ako nag tatagal dito dahil hindi nila mağawa Ang gusto nila. Si nanay nag susugal. Si Tatay nainom. Ako kasi yung Hindi madramang tao, mas kinikimkim ko nalang sa sarili ko ang mga sama ng loob ko kasi feeling ko no one care naman how I feel sa Bahay namin. At Hindi din ako ang klase ng tao na mag kwe- kwento na nung bata ako kailangan kong mag sikap at umasa sa sarili ko. Napaka eww non gasgas na. For me that’s life Hindi lahat pinanganak ng mayaman or pinanganak ng may mabuting magulang. It’s your life take full responsibilities for it. I always believe na responsibilidad ko ang buhay ko hindi kahit na sino pa Kahit magulang ko pa. I don’t depend my happiness to other people too lalo na sa lalaki. Ladies year 2025 na tayo we can live happy and be successful Kahit walang lalaki sa buhay. Kaya Naiinis ako ngayon sa nararamdaman ko. I shouldn’t care kung ayaw saakin ni gurang. Did it hurt my ego? Or Malala lang tama ko sakanya. Umiling iling ako.
“Nope it can’t be.. Hindi sa isang gurang.. Pero yummy at gwapo! Urghh!!!” Pati sarili ko ngayon kaaway ko na. Hindi ko alam anong oras na ako naka tulog kagabi kaka stalk sa social media ni gurang Kinabukasan nagising ako sa tunog ng cellphone ko.
“Beshie!!!” Si Myca. I checked the time 7am palang.
“Myca it’s too early antok Pa ako” super opposite kami ni Myca. Nerdy siya morning person very demure. Samantalang ako babad ako sa higaan hindi din ako subsob sa pag aaral pero hindi naman ako nag papabaya and I love showing everyone how beautiful and sexy I am the way I dress. Hindi naman pang viva max ang mga suot ko sexy but classy pa din.
“I missed you lang beshie.. sorry nagising kita hindi ka nga pala morning person” sweet talaga si Myca. Wala kasing kaibigan ako lang ang nag tiyaga joke. We met nung first year college kami, she was being bullied by the mean girls. Ang kapal kasi ng salamin pag nasa school, ang plain pa mag damit. Yung braces niya hindi ko alam Kung kailan niya patatanggal yun. Ako ang naging kakampi niya sa school dahil I won’t let anyone bully me. Nung una gusto ko lang siyang kaibigan kasi mayaman maraming connection laging nanlilibre, siya nga nag pasok saakin sa trabaho ko dahil ninong niya may ari ng company. Pero later on I love her as a friend and a sister. She never judge me.. she loves me for who I am. She genuinely treat me like her sister Kaya ganon na din ako sakanya.
“It’s ok.. what’s up may nang aaway ba saiyo” biro ko
“Wala! Ang daddy kasi..” napa balikwas ako ng bangon ng marinig ko ang sinabi niya.
“Why what happened?” Biglang nagising ang katawang lupa ko.
“You know we promised na bawal tayong mag sinungaling right.. even if it will hurt us.. no white lies” panimula niya. I think I know what she’s going to say.
“My dad is questioning our friendship.. we’re very opposite daw” I knew it.
“So kung opposite ba hindi na pwede maging friends?” Bwisit na gurang na yun. “Exactly what I told him kaya nga tayo nag click dahil we are opposite, but I know my dad there something bothering him, he just can’t tell me.. Kaya ikaw tinawagan ko.. maybe you know something? May nang yari ba sa Inyo sa loob ng 3 days?” Huminga ako ng malalim. “Don’t get me wrong Mira, my dad can be difficult sometime.. nag away ba kayo?” Patuloy nito.
“No.. Hindi kami nag away, nilandi ko siya” lakas loob Kong pag amin.
“Wh- what? Anong nilandi?”
“I like your dad.. I think he’s handsome hot and matured enough to be in a relationship” she’s speechless. Kahit Sino naman diba.
“Don’t worry he rejected me.. because I’m too young daw and you’re my best friend.. I don’t know what’s the issue.. ok lang naman saiyo diba beshie?” Sagarin ko na. At least I know kung Anong opinion niya kung friendship over na ba kami.
“Ha.. I don’t know.. never pumasok sa isip ko yan, Hindi ko alam mahilig ka pala sa matanda” natawa ako ng bahagya.
“Ako din Hindi ko din alam ngayon lang.” tumahimik siyang muli.
“Ayoko lang masaktan ka or si Dad if your relationship won’t work.. dahil pag isa sainyo nasakatan doble nararamdaman kong sakit, dahil mahal ko kayo” nakaramdam ako ng guilt ng marinig ko Ang sinabi ni Myca.
“I can’t stop both of you kung gusto niyo ang isat isa.. but I will admit it will be weird..”
“Don’t think about it anymore your dad rejected me like I said.. he doesn’t like me” ouch Bakit mashaket beshie.
“Anyway change topic, nag plan ka na ba ng birthday party mo? I can help you if you want? I can also invite your crush” Ayoko ng isipin si gurang. Ang kaibigan kong nag mamahal saakin ang pag tutuunan ko muna ng energy.
“Good luck kung ma pa Oo mo siya, he doesn’t like me.. gusto niya yung mga magaganda at sexy” napa ikot ang eyeball ko dahil napaka dramatic nito.
“Tigilan mo na Ang drama mo.. soon he will see how beautiful you are in and out.. at luluhod siya saiyo begging you to love him” Nagtawanan kami Pareho.
“That’s why I love you Mira.. you make me feel better”
“I love you too kaya lakad mo na ako sa daddy mo joke!”
Monday came.. back to reality work and school.
“Myca sa Bahay kana matulog, mag sleep over tayo” ngumiti ito pero mabilis din nag laho. “I forgot sa daddy ko pala ako tumutuloy ngayon I’m sure hindi papayag yun.. but I will still try, I will ask him” sumimangot ako naalala ko nanaman si gurang.
“ ok let me know I’m off to work at 5pm ok.. see you” yung mommy kasi ni Myca walang pakealam ok lang sakanya mag sleep over si Myca sa Bahay or ako mag sleep over sakanila. I met her once. Mukang mahilig gumimik kasama friends niya kaya laging home alone si Myca.
Nag palit na ako ng damit pang office. I’m working sa isang law firm as a secretary. Wala naman akong experience pero na hire ako dahil kay Myca. Pero siyempre hindi ko papahiya best friend ko. I work my a$$ off.
“Good afternoon attorney Evans” pinagdala ko siya ng paborito niyang kape. Strikto siya at may edad na din Kaya kailangan sumipsip ng konti.
“Oh thank you.. glad you’re here.. I would like you to accompany me for dinner tonight.. I will meet a very important client.. my son will also joined us para naman matuto siya papano patakbuhin ang law firm namin” I was shocked. He never brought me to meet with his client.
“Ah sir what about Carol.. di po ba siya ang dapat niyong kasama” siya ang kanang kamay niya ako Kasi saling bulinggit lang wala akong alam sa mga ginagawa nila. Taga xerox lang ako email etc.
“Yeah.. but she’s sick.. don’t worry makikinig ka lang naman at i baby sit mo ang anak ko make sure you keep an eye on him Ayokong mapahiya sa client ko kahit kaibigan ko pa sila” I did my normal job while waiting for 4pm. Yan kasi ang Oras ng alis namin.
“Mira.. change your clothes it’s a formal dining you can’t wear that” Bakit ngayon lang sinabi ng lolo na to! 3 pm na saan naman kaya ako kukuha ng damit sana kanina pa niya sinabi.
“I will have to go to the mall sir to buy a dress” mas malapit kasi ang mall sa Bahay ko.
“Ok used the company card and then just meet us at the restaurant, i will text you the address” while im at the mall I called Myca to let her know I may be running late dahil nga sa biglaang Pa dinner ni attorney pero Hindi niya sinagot kaya I left a voice message nalang.
“You look gorgeous self!” Ok na din may pa free dress si attorney. It’s a simple silk dress. You can never go wrong with black dress and I believe every woman should have a black dress and black shoes in their closet. It’s not too revealing but it’s shows my sexy curve. Nabasa ko ang text ni sir Evan at agad ko Itong nilagay sa waze. At least it’s not that far from the mall, I will make it on time.
Nang makarating sa venue I was in awe dahil sa labas palang ang ganda na ng ambiance. Habang papasok ako sa loob ng restaurant nakaramdam ako ng ilang. I feel like they are all staring at me.
“Reservation for Mr Evans”
“Oh they’re here already waiting for you” great! Nakakahiya ako pa talaga ang late. “This way mam” huminga ako ng malalim habang sinusundan ko ang babae patungo sa table nila attorney Evans.
“She’s here” dinig kong sambit ni Attorney Evans. Pag angat ko ng tingin sakanila tumama agad ang mga mata ko sa isang pamilyar na lalaki.
“F*ck!” Bulong ko.
“Calvin.. this is Mira my secretary.. Mira he is our very important client Calvin Miller” para namang may bumara sa lalamunan ko. Kung kailan pa move on na doon pa ulit nag pakita itong si Gurang.
“Nice to meet you Mr Miller”
“Nice to meet you too Mira”
“How about me Dad aren’t you going to introduce me to your beautiful secretary..” lumapit ito saakin. “Hi I’m chaos” nakipag kamay ako. “Nice to meet you sir Chaos”
“Dad kung sinabi mo lang saakin na may maganda ka palang secretary edi sana lagi akong nasa office mo” hindi ko pinapansin ang anak ni air Evans dahil ang sistema ko ay naka tuon sa isang lalaki lang. Nakaupo na kami ngayon pero ramdam kong may matang nakatitig saakin. At nang mag angat ako ng tingin kay Calvin para akong napaso.
Nakakunot ang mga noo niya na naka titig saakin.
“Ano nanaman kayang ginawa ko at Mukang galit nanaman Itong gurang na to!”