Nikolas’s POV NAGISING ako nang makaramdam ng pangangalay sa aking mga kamay at pati na rin sa aking mga paa. Nag-adjust pa ang mga mata ko nang imulat ko. May kaunting liwanag akong nakikita sa itaas ng dingding. Maliit lang ang bintana at lumalagos roon ang sinag ng liwanag na nagmumula sa labas. Where am I? Disoriented pa ako at iniisip ko kung saan nga ba ako? Napatingin ako sa kinatatayuan ko. My hands are tied up. I was bathing in my own sweat. I was half-naked and barefoot. My pants are soaking in sweat and had drops of blood on my pants, on the left of my feet. Ngayon ko lang naramdaman ang pagkahilo, sakit at panghihina ng aking katawan. Napalingon ako sa kaliwang bahagi at nakita ko si Larius na kagaya ko ay nakatali rin ang mga kamay. Nakatungo ang kanyang ulo at puro pasa

