3rd Person’s POV Halos mag-iisang taon na ang nakakalipas at 6 years na mula ng iwan sila ni Martha. Madami ng nagbago sakanila. Kay Jake, sa pamilya niya at maging sa mga barkada niya. Unti unti na ding bumabalik si Jake sa dati. Nagiging masiyahin na ulit siya at tanggap na niya na hindi na talaga siya babalikan ng asawa kahit anong gawin niya. Nagpapakaabala na lang siya sa business nila ng mga pogitas at may mangilan-ngilan na ulit siyang bagong dramas at movies na ginagawa. Kumbaga, bumabalik na sa normal ang buhay niya. Sa buhay niya na hindi pa niya nakikilala si Martha. Ang parents naman ni Martha ay nagpapaka-busy na lang din sa pag-tatravel para kahit papano di nila maisip na wala na si Martha. Ang parents naman ni Jake ay busy sa kaniya kaniyang larangan, ang Mommy niya

