Michelle’s POV Maaga akong nagising ngayon para magluto ng kakainin nila Clyde. Although, may maid naman kami pero mas gusto ko pa din na ako mismo ang mag-peprepare ng pagkain nila. Gusto ko kasi hands on ako pagdating sa asawa at anak ko. Bago ako bumaba ay tinignan ko muna ang asawa ko sa tabi ko na mahimbing na natutulog. Hinalikan ko siya sa noo niya bago tumayo sa kama. Dumiretso naman ako sa kwarto ni Coby, ang 5 year old baby boy namin. Sa kabilang pintuan lang ang kwarto niya, magkaduksong kasi ang kwarto naming magasawa sakaniya. At si Clyde talaga ang nagpasadya nito para daw safe si Coby. Pagpasok ko sa kwarto niya ay nagkalat na mga laruan ang bumungad agad sakin. Kinuha ko ang basket sa likod ng pintuan at inisa isa ko itong pinulot. Ang mga bata talaga ang kakalat. T

