3rd Person’s POV [Now playing: See you again by Charlie Puth and Wiz Khalifa] 5 years ago... Tahimik na pinagmamasdan ni Jake ang pangalan ng asawa niya. Sa sobrang tagal na din ng panahon kaya halos mabura na ang pangalan nitong nakaukit sa kaniyang lapida. Hindi na nga masyado makita ang Villafuente dito. Umupo siya para tanggalin ang mga dahon at sanga ng kahoy na nakakalat. Ayaw niyang madumihan ang puntod ng asawa niya. Dumapa siya para yakapin ito. Kahit limang taon na ang nakakalipas, hindi pa din nawawala ang sakit ng nararamdaman niya. Sakit sa pagkawala ng babaeng pinakamamahal. "Martha. Sorry, my love. Sorry sorry sorry." Walang tigil ang pagbagsak ng mga luha niya sa lapida ng asawa. Sobra pa din siyang nasasaktan sa pagkawala nito. Hinihiling niya na sana siya

