Kamusta na Martha?" Napatitig lang ako sa tatlong tao na nakaupo sa may unahan ko. Medyo madilim ang lugar kaya di ko sila masyadong maaninag. Sino ba sila? Tsaka bakit nila ako kilala? "Hehe. Ang cute mo talaga." Napakunot ang noo ko sa sinabi nung isa na nakaupo sa left side ko. He smiled at me. Kitang kita ko ang dimples niya at ang ganda ng mga ngipin niya. Siguro akong gwapo to si Kuya. Maya maya lang ay nagliwanag na din sa pwesto namin. Mas lalong kumunot ang noo ko ng makita ko ang mga lalaki sa harap ko. Bakit sila andito? Anong ginagawa nila dito? Napatulala na lang ako dahil kay Zeus na nakatitig sakin. Naiilang ako sakaniya kasi naman gawa nung nangyari sa corridor ng school. Nasa tapat ko si Zeus tapos sa left side ko si Clyde and sa right side ko n

