Mara’s POV Lumabas agad ako sa restaurant dahil sa pinagsasabi nung tatlong babae. Naguguluhan na ako. Why all of them calling me, Martha? Mara ang pangalan ko for goodness sake! Pero, bakit lahat sila yun ang tawag sakin? Yung babae sa US, yung lalaki sa airport tapos silang tatlo. Ano ba talagang nangyayari?! Nalilito na talaga ako. Napatingin ako sa phone ko ng magring ito. Incoming call: Babe In-on ko na lang ang speaker ng phone ko at nagsimula ng magmaneho. "Where are you, Babe? Tapos na ba yung meeting mo with Mr. Co?" Bakit nung narinig ko ang boses niya ay nakaramdam ako ng inis. Sino kaya ang nagsasabi ng totoo sakanilang lahat? Sino ba talaga ang paniniwalaan ko? "Yes, kakatapos lang. Pauwi na muna ako, medyo sumama kasi ang pakiramdam ko e." Pagsisinunga

