Luna’s PoV HINDI ko talaga inaasahan na si Dark este si Luigi ay kaibigan ni Dean. Ang masaklap pa nito matalik itong kaibigan ni Knight dahil kaming tatlo ang madalas na magkakasama sa opisina ng XXX. Napakagat tuloy ako ng aking labi dahil sa hindi ko inaasahan na pangyayari. Talagang bilog ang mundo! Siya ang tinawagan ko sa police station at hindi ko naman akalain na may kaugnayan ito sa masungit kong boss. Gusto ko siyang kausapin ngunit naghihintay ako ng magandang timing. Alam ko na gusto rin niya na makausap ako. Nag-almusal si Luigi na kasama ni Dean. Hindi ko na lang siya tinignan dahil kapag nagtatama ang mga mata namin ay parang binabato ako ng sari-saring mga katanungan. Matalik nitong kaibigan si Dean at base sa nakikita ko ay mukhang nagdududa ito kung bakit ako nandito.

