Dean‘s PoV HINDI ko alam kung matatawa ako o maiinis ako kay Shyra. Sa totoo lang nagugulat ako sa mga sinasabi niya lalo na nang banggitin nito ang tungkol sa virginity nito na hindi ko inaasahan. Natanaw ko si Manong Celso, Kuya Lindo at si Shyra kanina nang sumilip ako sa bintana ng aking kuwarto. Napansin ko na nag-iinuman ang mga ito kaya naman nagpasya akong makipag-inuman din sana kaso nga lang ay naabutan ko na silang lasing na lasing na. At habang nakikinig ako kanina ay pangalan ko ang sinasabi ni Shyra. Kaunti na lang ay isumpa na niya ako dahil sa masasakit na salitang sinabi ko rito kanina. Galit ito sa akin dahil sa mga sinabi ko. Nasabayan kasing pagsusumbong nito ang hindi magandang naging araw ko kaya naman sa kanya ko naibaling ang galit ko. Hindi ko naman sinasadya na

