Dean‘s PoV HINDI maganda ang pakiramdam ko habang nakatingin sa dalawang lalaki na kaibigan ni Shyra. May hindi tama sa mga nangyayari at hindi dapat ako makampante ng ganito na lang. Ang nasa isip ko baka may gawin sila na hindi maganda sa akin o kaya naman may masama silang binabalak kay Shyra. Hindi ko alam kung bakit malapit sa mga lalaki si Shyra. At naguguluhan na ako dahil hindi ko na alam kung sino ba talaga si Shyra. “Kumain ka na, Dean. Hindi ka ba nagugutom? Alam mo paminsan-minsan lang ako nakakain ng letchon kaya sinusulit ko na,” sabi pa nito na kinindatan ako. Napatingin ako sa hawak na plato ni Shyra. Kaunti lamang ang kanin na naroon at puro karne at sauce ang laman ng plato nito. May bahid pa ito sauce ng sauce ds gilid ng mga labi. Hindi ko na pinahid iyon dahil naka

