Luna’s PoV IBINAGSAK ko ang hawak kong files sa harapan ng table ni Knight dahil sa inis na nararamdaman ko. Nanginginig ang aking mga kalamnan habang sinasabi ni Sir Siege sa amin ang masamang balita. “Paano iyon nangyari, sir?! Hindi ko maintindihan kung bakit nakatakas lang ng ganoon kadali si Oasis! Matagal nating pinagplanuhan ang lahat para lang makulong siya! Kaya hindi ako makapaniwala na ganoon lang tayo kadaling nalusutan ng bansot na iyon!” galit na galit na sabi ko sa harapan ni Sir Siege. Tinapik ni Dark ang balikat ko. “Tama na, Shy. Walang may gusto ng nangyaring ito. Hindi natin alam, marahil matagal na rin itong plinano ng mga kakampi ni Oasis. Sinamantala nila na abala ta---” “Hindi iyo ang dahilan, Dark. Hindi tayo naging abala kun’di wala talaga tayong naging abiso.

