Luna’s PoV NANGHIHINA akong napaupo sa gilid ng laundry area dahil pakiramdam ko lalagnatin ako. Hindi ko talaga inaasahan na makikita ako ni Dean sa ganitong ayos. Mabilis niya akong tinalikuran kanina, napansin kaya niya na wala akong suot na bra? Nasapo ko ang aking noo dahil naubusan ako ng under wear. Hindi ko naman kasi maharap na maglaba dahil palaging nakabantay si Dean. At kanina na wala na ito ay sinulit ko na kaso naabutan pa rin ako. Binigyan pa ako ng dalawang libo. Samantalang iyong laman ng ATM ko nasa two million na. Napabuga ako nang malalim. Ninerbiyos talaga ako kanina. Mabilis kong tinapos ang aking mga labada. Karamihan kasi sa mga bra ko puro sports bra kaya naman wala akong maisuot ngayon maliban sa manipis kong sando. Napatingin ako sa aking mga dibdib na naka

