Kabanata 52

1249 Words

Luna’s PoV ISINANDAL ko ang aking likod sa sofa at tumingin kay Dean na nakasandal sa may bintana. Alam kong naguguluhan pa rin ito at hindi ko na rin alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Ang inaalala ko ngayon ay ang pamilya ko. Hindi ko alam kung sino pa ang nakakaalam sa tunay na katauhan ko bilang isang secret agent. Kailangan kong maprotektahan ang pamilya ko lalo na ang aking ama na wala namang kinalaman sa mga pinaggagagawa ko. Bumuga ako nang malalim at muling binuksan ang ikatlong bote ng red horse. Nilingon ako ni Dean nang marinig nito ang nalaglag na takip ng bote sa sahig. “Sabihin mo nga sa akin kung paano ka naging ganyan? Gusto kong malaman at gusto kong maintindihan.” Seryoso akong tumingin kay Dean. “Gusto mo ba talagang malaman?” Tumango ito sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD