Chapter 7

3072 Words
Decision Shylin's POV "Ngayon ka mag eenroll diba? Mabuti pang sumama na ako dahil pupunta naman na ako sa palengke uli dahil may nakalimutan akong bilin kahapon sabay nalang tayo. ", "Oo la, Mmm may tatapusin lang ako la. "Sabi ko habang nakatingin sa laptop ko. "Sige maririgus pa man sana ako. "Pagkatapos nyang sabihin yon ay narinig ko ang yapak ng pag alis nya kaya nag simula na akong mag type dito sa website. (Sige maliligo pa naman ako) "Kung walang nagmamahal sayo anong gagawin mo? " Itinanong ko sa mga asker ng website ko. Buti nalang at may wifi si lola. Kanina pa ako naghihintay ngsagot pero wala akong makuha. Ano pa nga ba lahat ng tao minamahal ng pamilya nila ang kapwa rin nalang tao ako lang ata ang hindi. Idedelete ko na sana ang question pero may biglang nag comment, agad ko yung tinignan at binasa.. "Anong klaseng tanong yan? Pero dahil ayaw kong man block uli sasagutin ko. I got related in you're question, my mom and dad both have work they don't bother to ask me about my feeling and also to lecture me. Kagaya ng tanong mo ganon din ang nararamdaman ko ngayon I just wanted to say na be who you are and just hide what's you're true feelings. Sometimes hiding can help you, and find a friend that you can tell all of suffering things in life. " Itago ang nararamdaman ko? Pero yun na palagi ang ginagawa ko. Nakakapagod din na magpanggap na masaya sa paningin ng ibang tao at pagpanggapan ng ibang tao. At di ako masuwerte sa kaibigan. Nagpalit na ako ng damit at kinuha na ang requirements ko ng matapos na si lolang maligo. Nag abang kamusa harap ng bahay ng masasakyan at agad rin naman kaming nakasakay. Una naming pinuntahan ang school. Dumeretso agad kami sa principals office. "I'm sorry pero walang enrollment ngayon wala kasi ang principal pero pwedeng iwan ang requirements mo. "Sabi ng isang stuyante dito. Gusto ko sanag iwan pero di ko alam kung saan ilalagay dahil puno ang lamesa ng mga bondpaper. "Hindi ko na po iiwan pero ganun po ba? Kaylan po ang balik nya?. " "Mmm next week pa po. "Tumango tango nalang ako. Lumabas ako ng office at napansin naman agad ako ni lola. "O tapos na ba agad? " "Wala daw enrollment ngayon. " "Ahh bakit daw?. " "Wala ang principal next week pa balik. "Nagsimula naman na kaming maglakad ni lola. "Wala tayong magagawa sa susunod na linggo nalang tayo bumalik....at saka ito lang ang pinaka malapit na school sa bahay ko wala na tayong school na mapapaydtuhan arayo na kadto. "Tumango nalang ako kay lola dumeretso kami sa labas ng school at naghintay ng masasakyang tricycle uli papuntang palengke. Nagtagal pa kami dito dahil sa maraming binili si lola na ukay ukay para sakin. Medyo madilim na rin dahil ala sais narin. "La uuwi na ba tayo?. " "Ahh di pa, may bibilin pa ako don. "Tumango nalang ako at sumunod kaya lola. Nakaatingin lang ako sa cellphone habang naglalakad. "Shylin?!. "Natigilan naman ako sa paglalakad at tinignan kung sino ang tumawag sakin non. Kasama nya si Lola habang nakangiti syang nakatingin sakin. Kunwari ko namang di sya nakita at bumalik uli sa tinitignan ko sa cellphone. Di ko naman sya kilala. "Shylin?!!!! ."Naramdaman ko nalang na niyakap nya ako at nabigla ako sa ginawa nya kaya agad ko syang tinulak. "Sino ka ba?!. "Inis na sabi ko. "Ayyyy grabe man ika saku! Tamilig nagwapo sana ako di mo na ako nabisto?!. "Sino ba tong signal number five na to? Diniag pang super typhoon sa lakas ng hangin. (Ayy grabe ka naman sakin, imbis gumwapo na ako di mo na ako nakilala?. ) Bigla naman akong may naalala sa sobrang kahanginan. Possible bang.. "Ako lang to si Cov!. " Imbis na matuwa ay biglang kumulo ang dugo ko. "Bat ka pa bumalik?. " "Kasi.......Gusto ko lang magpaliwanag sayo. " "Ano pang ipapaliwanag mo? Umalis ka ng walang paalam tapos ang usapan. "Walang ganang sabi ko. "Shylin di ko pala nasabi sayo na di sinadya ni Cov na umalis ng walang paalam sayo. Mabuting pakinggan mo ang paliwanag nya. Maupo muna kayo dyan iiwan ko muna kayo para makapag usap kayo may bibilin lang ako doon."Di ko naman kayang di sundin si lola. Nakatingin parin ako ng masama kaya Cov. "Ganito kasi yon, ng malaman ko na nakasama ako sa exchange student na ipapadala sa China para mag aral ng IT ay nag imapake na agad ako kahit isang linggo pa naman bago ako umalis at ng nasa eroplano na ko saka ko naalala na nakalimutan kong magpaalam sayo at ng makarating na ako don ay tinawagan ko na ang lola mo para mag ipasabi sayo ang paalam ko at yun din ang araw na kinuha ka na ng mga magulang mo kaya yon. "Mabilis na sabi nya. "Masisi ko ba na atat na atat ka kahit di mo pa naman alis nandon ka na agad. " "Sorry talaga!. "Niyakap nya pa ako sa bewang. Sanay na akong yapakin nya dahil isip bata naman sya kahit nung bata kami. Sya ang sinasabi kong bestfriend na iniwan ako. Pero meron nauna sakanya at kinalimutan ko na kung sino sya. "Oo na. Eh bakit ka bumalik. "Nilingon nya naman ako. At umayos na ng upo. "Ahh mag v-volunteer ako ng isang buwan para mag seminar sa napag aralan ko sa ibang bansa at mga alam ko sa computers sa School nyo.. " "Talaga? Sayang di kita mapapanood don. " "Bakit naman?. " "Di ko na yon school pinaalis na ako, kaya nga nag eenroll na ako ngayon dito sa school sa ligao eh. " "Ganun ba? Edi sasabihan ko ang ka team ko na mag seminar din kami sa school na pag eenrollan mo. " "Wag na. " "Sige na para makasama kita. " "Oo na, umiyak ka pa eh. " "Yes! Teka ayan na ang lola mo, sasabay nalang rin ako sainyo para bumisita sa bahay nyo gusto ko kasi yung mapuntahan." "Sige. " "Iho bati na ba kayo?. " "Oo na la, sasabay din po ako sainyo para mabisita ko rin ang bahay nyo. " "Ahh ganun ba sige. "Pagpayag ni lola ay nag abang uli kami ng trycicle at dumeretso na . Pagkarating namin don ay bukas ang gate at pati na rin ang pinto.. Maingay din sa loob. Binilisan ko naman ang pagpasok. At nakita ko silang lahat. "Bakit kayo nandito?. "Walang ganang sabi ko at saka lang nila ako nilingon. "Shylin? "Tinignan ko naman si ate."Susunduin ka nalang namin. "Kumunot naman ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?. " "Tinulungan ka ni Louis para makabalik sa school at tumulong din ako....Baka next week makakabalik ka na— "Di ko naman pinatapos sibate sa pananalita. "Wag na kayong mag abala pa nakapag enroll na ako dito na ako mag aaral....umuwi nalang kayo ."Maglalakd na sana ako papunta sa kwarto ko ng higitin ni ate ang kamay ko at hinila ako papunta sa labas ng bahay hanggang sa makarating kami sa kung saan kaya agad kong inagaw ang kamay ko sakanya. Inis na nya naman akong hinarap. "Para kang tanga! Pumunta kami dito para lang sabihin sayo ang magandang balita na yon! Tinulungan ka pa ni Louis—" "Wala akong sinabi na tulungan nya ko at tulungan mo ko!. "Natigilan naman sya at napangisi. "Bakit, dahil satingin mo na malaya ka dito kaya ayaw mo ng umalis dito? Satingin mo tatagal pa ang buhay ni lola—*Pakkkkkkkk"Di ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko sya. "Pano mo yan nasasabi—*pakkkkk"Malaks nya rin na sampal sakin. "Dahil tama ako! Satingin mo kung mangyayari ang sinabi ko samin ka rin naman pupunta, pag isipan mo nga! Mabubuhay ka nalang ba mag isa? Ang problema kasi sayo di ka marunong makisama kaya palagi kang pinag iiwanan. Kaya wala kang kaibigan dahil iniisip mo palagi na peke sila sayo! Palagi mong dinadamdam ang mga problema mo di ka nagsasabi samin! Di mo man lang ba naisip na dahil na rin sayo kung bat nangyayari yan sayo? Ha?! Sana naman mag isip ka ng tama ngayon....."Pahina hinang sabi nya bago sya umalis.. Bigla namang tumulo ang luha ko at napaupo nalang ako at umiyak na parang bata.. Di ako dumeretso sa bahay at nagpaliapas ako na ako ng oras sa pwesto ngayon. Wala akong pake kung may makakakita sakin. Nakarinig naman ako ng yapak at nakita ko ang mga satapos nya sa harap ko."Shy?. "Di ako nag abala na lingonin kung sino yon at naramdaman ko nalang naniyakap nya ako kaya niyakap ko sya pabalik at humagulgul." Makalipas ng ilangboaras ay tumigil din ako at naglalakad na kami ngayon papunta sa bahay nila ayaw kong umuwi sa bahay ni lola kilala naman ako ng mga magulang nya. "Bakit ayaw mong umuwi sa bahay ng mama mo?. "Di na ako mag tatanong Pa sakanya mukhang narinig nya naman lahat ng pinag usapan namin ni ate. "Para ano pa? ." "Tama ang ate mo matanda na rin ang lola mo, pwede mo naman syang bisitahin pag weekend diba?." "Mmmm pag iisipan ko, salamat. "Tama si ate na kaya gusto ko dito ay dahil nagagawa ko ang gusto ko at nararamdaman ko na minamahal ako dito pero kapag bumalik naman ako don? Para lang akong aso na humihingi ng pagmamahal sakanila."Pero Cov satingin mo pag tumira uli ako don, di naman kaya ako magiging itsapwera lang diba?. " "Mmm di ko alam kasi di naman ako predictor. "Nakangiti pang sabi nya, ng malapit narin kami sa bahay ay tumigil ako sa paglalakad ng makita ko si Louis sa harap namin. "Cov mauna ka na sa loob kakausapin ko lang sya. " "Sige, pero... "Bigla nya naman akong niyakap at tinapik pa ako sa balikat at umalis na. Di ko naman maintindihan kung bakit inis ang mukha nitong Louis na to. "Bakit ayaw mong bumalik?. " "Pag iisipan ko pa.......Pero sana di mo na ko tinulunagan nakakadismaya ....."Dahil kasi sayo nagkaroon kami ng away ni ate. Akala ko matalino pero di mo parin sinaksak sa isip mo na kalimutan mo na ako at di kita kaylangan aa buhay ko."Kaya ko naman na ang sarili ko. " "Sana pag isipan mong mabuti."Tumango nalang ako sakanya at tatalikuran ko na sana ako..."Di ka pa ba uuwi sa bahay ng lola mo?. "Hinarap ko naman sya uli. "Dito muna ako makikitulog, pakisabi nalang kay lola sa bahay ng boyfriend nya. "Bigla namang nanlaki ang mga mata nya.. "Boyfriend?.... " "Oo sabihin mo sa bahay ni Cov maiintindihan nya yon. "Iniwan ko naman sya sa labas na gulat at pumasok na sa loob ng bahay nila Cov. "Talaga lang boyfriend?. "Nakangisi at sarkastiko na sabi ni Cov. "Lalaking kaibigan....'Boyfriend' sa English. "Tama naman ako diba?. "Sya ba yung Louis na tumulong sayo?. " "Oo. " "Mukhang gulat sya ng sinabi mong boyfriend mo ko, teka may gusto ba sya sayo?. " "Meron nga. "Di ako sigurado pero sinabi ko nalang para matigilan na sya. "Lahi nyo talagang makaamoy kung may gusto sainyo ang tao no?. " "Dami mong alam sa kwarto mo ko matutulog sa sofa ka. "Sabi ko nalang at pumasok sa kwarto nya at nahiga sa kama nya. Sanay na rin akong matulog dito dahil dito ako kadalasan natutulog dati. Pumasok naman uli ang nagyari sakin kanina at ang pag aaway namin ni ate. Kaya ko ba talaga na bumalik sa puder nila? Gusto ko sanang kausapin si lola pero di ko kayang harapin si ate malamang eh don sila pinatulog ni lola. Bukas nalang siguro pagkaalis nila. Binuksan ko naman ang pinto at sumilip. "Cov! Pahiram ng damit salamat!. "Narinig ko pa syang may sinabi pero isinirado ko na uli ang pinto. May cr naman sya sa loob ng kwarto nya pinalitan ko ang damit ko at pagkatapos ay nahiga uli sa kama. Nagbukas ako ng website at humingi ng advice buti nadala ko ang cellphone at nagpaload ako sa palengke. "Naiipit ako ngayon sa sitwasyon na ayaw ko, gusto kong maging masaya pero di ganon ang gusto ng iba anong gagawin ko kung mas tama sila?. " Di ko isinasabi ang tunay na problema kapag humihingi ako ng advice dahil minsan mapaglaro ang tadhana mamaya eh kakilala ko. lang ang nagbibigay sakin ng advice. Naghintay ako ng isang minuto at may nag comment din sakin.. "Oo masayang maging masaya pero kung tama naman ang sinasabi ng iba at kung makakabuti naman yon ay sundin mo nalang sila, magisip ka ng tama sa magiging desisyon mo dahil baka pagsisihan mo lang sa huli, okay welcome." May point sya pero san ba talaga ako magiging masaya?. Lord sana po bigyan nyo ko ng sign di ko na po kasi alam kung ano pong mas makakabuti sakin. Dasal ko bago matulog at saka umidlip. Cov's POV "Maganda nga napaka arte naman."Inis na sabi ko sa profile ng Zoely nakaupo ako ngayon sa hagdan papasok sa Pinto papasok sa bahay. Pagkatapos nya akong ipahiya di parin sya humihingi ng tawad sakin?!. Flashback "Okay nandito ka na pala maupo ka muna don and hintayin mo ang mag aayos sayo. "Tinawagan kasi ako ng Isang company para mag model babayaran daw nila ako kaya pumayag ako, ngayon lang kasi ako kikita. "Opo. "Di ko alam ang isusuot ko kaya nagsuot ako ng maluwag na kulay blue na polo at itim na pantalon. "Ahh excuse me pwedeng umalis ka dyan because it's my seat. "Natigilan naman ako kaya ginawa ko din ang gusto nya pero di parin ako umalis sa pwesto na yon nakatayo lang ako malapit sa upuan na yon at tumitingintingin."Heyy pwedeng ikuha mo ko ng ice coffee?."Nilingon ko naman ang maarteng babaeng to at itinuro ko pa ng sarili ko." Sino pa ba diba janitor ka dito? So get some ice coffee. "At dahil mapagpasensya akong tao ay ginawa ko ang sinabi nya. Kahit pinag titinginan ako ng ibang staff dito dahil napapahiya na ako. "Ito na po. "Sarkastikong sabi ko nalang at wala sa loob na inilagay sa harap nya. "Why sarcastic? Wag kang mapipikon sakin because that's you're job, and be professional?!. "Inis na sabi nya at ibinaba ang binigay Kong ice kope nya kuno. "Cov Besante?. Deretso na tayo sa make up room para sa ma make up an ka na..... And miss Zoely mauna na ka na po sa pictorial room. " "Wait He's the Cov Besante na makakapartner ko?!. "Ngumisi naman ako."You gonna be kidding me?. "Tama nga sila karama is real. "I'm not doing this anymore. "Nag walk out naman sya pagkatapos nyang sabihin non. End of flashback Sabi nya maging professional pero kinain nya din sinabi nya. At ng makita ko sya sa mall kanina ay piniliit ko syang humingi ng tawad dahil di nya yon ginawa noong nakaraang araw din. Dahil sabi ni mama ang paghingi ng tawad ay nakakaayos ng lahat. At kung mapag pasensya ka malalayo ka sa disgrasya. "Bat nandito ka pa sa labas? At bakit narinig ko ang boses ni Shylin dito?." "Ahh nakitulog sya dito sa bahay natin ma, miss nya na daw kasi eh, ginamit nya kwarto ko. " "Kaybilis talaga ng panahon, dati nakikita ko pa kayong nagpupunasan ng tae—" "Ma naman. Matagal na yun kalimutan mo na. " "Nagbibiro lang, teka nga anak bakit parang galit na galit ka sa picture ng babaeng yan. "Nakalimutan ko pang patayin ang phone ko. "Wala ma di naman sya importante. " "Mmm kamusta ka naman pala? Okay ka naman don sa school mo? Wala bang umaaway sayo?. " "Wala naman ma, kasundo ko naman sila lahat." "Ganon ba? Edi mabuti....Sigurado ka bang di ka na babalik don? Na dito ka nalang?. " "Kung magiging maganda ang dalawang buwan ko dito ay pwedeng dito nalang ako pero kung hindi babalik ako don." "Ganun ba nak? Kahit ayaw na uli kitang pabalikin don eh yan ang gusto mo susuportahan nalang kita. "Niyakap ko naman si mama. "Salamat ma ah. " "Ohh ano yan sali din ako! ."Sabi ni papa at pagkatapos ng group hug ay sa sala ako natulog. Pinagbigyan ko si Shylin na matulog sa kwarton ko dahil mas gusto nyang mag isa sya kapag may problema. Kagaya nalang una naming pagkikita , mag isa ang sya sa tapat ng bahay nila at naka upo mga seven ata ako non eh. "Okay ka lang?. "Syempre kyut ang pasasalita ko non. Pero inisnab nya lang ako. "Wag mo kong kakaibiganin kung iiwan mo lang rin ako. "Medyo malaki ang boses nya na parang lalaki, kahit bata palang kami ganon ang bose nya. Kahit takot ako ay palagi ko parin syang tinatanong kung okay lang sya at ng bigla syang umiyak ay niyakap ko sya at yun lang ang nagpatahan sakanya , kaya palagi ko syang niyayakap at di nya naman ako pinagbabawalan don. Satingin ko dahil alam nyang di ko sya ligtas sya kapag niyayakap sya at di sya iiwan ng taong gagawa sakanya non. Binuksan ko ang website na nakakatulong sakin kapag may problema ako at yun ang AFA. Asker lang ako dito dahil naman ako marunong magbigay ng advice. Kaka scroll ko ay may napansin akong question di ko alam kung bakit parang malapitvsakin ang nagtatanong non at kusa nalang na may naisip ako isaasagot kaya agad ko yung kinoment. Sana makatulong sa taong to. Nakakabuti rin na sumunod sa payo ng iba lalo na kung tama talaga sila. At nagtanong din ako dahil na c-curios ako . "Bakit kahit kasalanan naman iba di sila marunong magsorry?!. Agad namang may nagkoment kaya napangiti ako. Pero biglang nawala ang ngiti ko ng mabasa ko yon. "Dahil di ka naman asin!. " Binasa ko naman ang username nya. Sya nanaman?! Lyzoefabulous? ! Agad ko naman syang blinock maraming beses ko na syang blinock kaya ko namang gawin yon dahil nagpag aralan ko na yon. Mabuti lang yan sakanya. Extra Part Ang boring binuksan ko ang AFA para mag advice. May question naman na agad akong napaikon dahil nakita ko ang lalaking yon dito! Sinusundan nya siguro ako para pagsurihin ako ?! Tumango tango nalang ako at agad na nagcomment dito at ng napost na ay biglang may nag pop up na warning at nag back ang phone ko. Triny ko uli na mag open pero blinock nanaman ako! Ahhhh!! To be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD