Freind? Or something else?
Shylin's POV
"Nandyan na ba lahat ng gamit mo? "
"Oo na la, bibisita ako sayo palagi. "
"Kahit minsan lang, baka mamaya ako nalang ang atupagin mo di na ang pag aaral mo. "
"Di naman la. "
"Shylin may gusto ba sayo si Louis?. "
"Malay ko, di naman sya umaamin la eh."
"Tingin ko kayun. "
(Kayun-Meron)
"Hirap la umasa. "
"So umaasa ka?? ."Nilingon ko naman si Cov.
"Kanina ka pa ba dyan?. "
"Hindi kararating ko lang, umaasa ka nga?!."Ang ingay nito dinaig pa ako.
"Bat parang pang isang taon na yang dala dala mong damit?. "Pag iiba ko ng usapan.
"Ahh eto? ."Iniharap nya pa ang malaki nyang maleta."Puro tuyo, bicol express, pilinuts tapos iba pang pagkain, yung iba damit ko. "Nakangiting paliwanag nya samin ni lola.
"Si Louis? Nasan na?. "Tanong ni lola.
"Nagliligpit narin ng gamit panigurado. "Cov. May kinakain sya mga dala dala nya na ata sa maleta.
"Puntahan ko muna ibibigay ko ang kalahati ng mga binili kong pasalubong kay Shylin."
"La ako wala?. "Dismayadong sabi ni Cov.
"Pwede ka ng magtayo ng tindahan sa mga dala dala mo, tama na yan sayo. "
"Kulang pa to la, gusto ko mall di tindahan ang ipatayo. "
"Shylin?."Tumigil pa sa si lola sa paglalakad at hinarap ako.
"Bakit la?. "Umiling iling pa muna sya at tumingin kay Cov bago sakin.
"Malala na tong kaibigan mo. "Ngumisi naman ako.
"Lola!. "Pikon na sabi nalang ni Cov , ng makaalis si Lola ay nilingon nya ko.
"Tapos ko na pinapagawa mo, actually nung isang araw pa ngayon ko lang nasabi. "
"Mmm salamat. "
Flashback
Pagkatapos ko syang papasukin sa loob ng kwarto ay iniabot ko sakanya ang laptop ko.
"Bakit?."Inabot nya naman at tinignan."Gumagawa ka ng website?."Mga ilang segundo ay nanlaki ang mata nya."Ikawyungcrea--!"Agad kong tinakpan ang bunganga nya.
"May nanghack ng laptop ko trinatrack na ata ang IP adress nyan ngayon buti nalang at naka secure ang mga file nyan pero , icopy mo lahat ng file nyan ilipat mo sa laptop mo pati yung website."
"Ikaw pala ang creator? Pano mo to nagawa? Pati sa China sikat na sikat to."
"Wala basta."
"Dali na sabihin mo na sakin! ."
"Naalala mo nung tinuruan mo ko ng basic codes dati? Sinulat ko yon lahat , tapos ginamit ko yon at nag re-search din ako."
"Pero buti nakaya ng laptop mo yung mga nang hahack sayo?."
"Nag re-search din ako tungkol sa mga hacker na yan, kaya di to nahahack agad dahil inuunahan ko sila , sira na kasi yan ngayon yang laptop kaya mahirap naring isecure ang mga file dyan pati IP adress nyan madali na lang ring matrack nagloloko na kasi."
"Ang galing mo naman, dapat pala ikaw ang kinuha para mag aral sa china hindi ako."
"Bakit naman ako eh ikaw may gusto non? Ayaw kong mang agaw ng pangarap at di ko naman inexpect na dadami ang gagamit ng website na to."
"Kasi mas magandang di mag expect kasi mag expect."Ngumisi nalang ako.
End of Flashback
"Teka nga mahiya ka naman! Parang mas babae pa kami ni Louis sayo! Marunong kaba mag tupi ng damit?!."
"Tutupiin ko nalang pag kauwi ko, atsaka wag ka ngang mag reklamo di naman sayo yung damit ."Iritang sabi ko. Nakakatamad kaya mag tupi!. Kinuha nya naman uli yung damit at inilapag sa kama .
"Tuturuan kita magtupi ."Nakatingin sya sakin habang kumukuha ng damit ."Kunwari ito!."Tumingin naman ako sa hawak nya at unti unting nanlaki ang mata ko.
Tinignan nya rin yun at agad na nabitawan.
Panty yon! Pota!
"Hindi yan ito nalang."Nakatingin na sya ngayon sa damit na kinukuha nya."Ito!."Itinaas nya naman yon at nakita ko ang b*a ko. Inagaw ko agad yon sakanya.
"Umalis ka nalang dito Cov kung wala kang magagawang matino!."Pagbabanta ko sakanya.
"Mas mabuti ngang wag ka ng magtupi."Sabi nya sabay takbo palabas.
"Punyemas."Inis na sabi ko nalang at balibag kong ibinalik ang mga damit ko sa bag.
Mas babae pa sila?!
Ibinuhos ko uli ang mga damit ko at tinupi.
Makakalahati ko na lahat ng damit at narealize ko na bakit ko ba sya sinusunod?!
Bahala na! Tinupi ko nalang lahat.
"Hey?."Si Louis.
"Bakit?."
"I would like to say sorry kung naistorbo ko ang bakasyon mo rito."
"Okay."Tanging sabi ko at tinignan sya.
Mababasa mo sa mukha nya ang mga salitang.
'Yon lang?'
"Yeah, are you done? ."
"Matatapos na rin."
"Hintayin nalang kita."
"Bakit mo pa ako hihintayin kausapin mo nalang si Cov sa labas."
"Ang ingay nya , bumalik sya sa bahay nila may naiwan daw sya i think some flashdrive?."Yung ginamit nya pang copy ng mga files sa laptop ko. "Pano ba kayo naging mag kaibigan ni Cov parang salungat lahat ng ugali nya sayo. "Di naman ata masama kung sasabihin ko , di naman tungkol sakin ang tanong nya.
"Pinapatahan nya ko pag umiiyak ko, nilalapitan nya ko kapag umiiyak ako, pinapasaya nya ko kapag umiiyak ako, nandyan sya parati di nya ko iniiwan maliban nalang nung nakalimutan nyang magpaalam na aalis sya papaunta sa China para mag aral don. "
"Bakit palagi kang umiiyak? May nang aaway ba sayo?. "Tumigil naman ako sa paglagay ng huling damit sa bag at tinignan sya.
Pano nya nalaman?
"Meron. "Itinuloy ko naman ang paglagay.
"Nung bata ka pa?. "May parte sakin na bumabagabag dahil sa mga sinasabi nya.
"Oo , pano mo nahulaan lahat ng yan?. "
"Napansin ko lang. "Oo nganaman.
Imposible.
"Okay. "
"Can we be freinds?. "Tumingin naman ako ng deretso sa mata nya, seryoso sya.
"Oo. "Kusang sabi ng bibig ko.
"Kahit nasa school na tayo?. "
"Oo. "
"Can I hug you? As a freind?."Kahit nawiwirduhan ako unti unti akong tumango sakanya at niyakap nya din ako agad.
Naglaki naman ang mga mata ko ng makita ko si lola sa pinto at agad ko syang tinulak papalayo sakin.
"La? Kanina ka pa ba dyan?. "
"Mmm, nandyan na nag tricycle na sasakyan nyo. "
"L-lets go?. "Awkward na sabi ni Louis at binibit na ang bag ko, sumunod din ako sakanya.
" 'Hug as a freind pala ah?'. "Dinig kong bulong ni lola.
"La naman eh. "Bulong ko rin sakanya.
"Ahh mas mabuting tawagin mo muna si Cov sa bahay nila dahil alam kong tatagal payon kapapaalam sa mga magulang nya. "Sabi sakin ni lola.
"Sige, puntahan ko na sya ngayon. "Ang galing magpaalam sa magulang tapos ako kinalimutan paalaman na aalis na sya.
Lumabas na ako sa bahay at nakita ko agad ang tricycle sa harap naglakad agad ako papunta sa bahay ni Cov may kalayuan din.
Mangangalahati ko na ang daan ng maramdaman ko na may humawak sa balikat ko.
Nilingon ko naman sya at si Louis yon humahangos.
"Ang dali mong mapagod, may sakit ka ba?. "Nagsimula naman kamimg maglakad.
"Oo, mahina ang baga ko kumpara sa iba kaya madali akong mapagod. "
"Pansin ko nga. "Nung pinigilan nya akong umalis sa tapat ng office ng principal—naalala ko naman ang bwisit na yon. Back to the topic . Ng pigilan nya ako na umalis humahangos din sya at malalim ang paghinga nya.
"Pano mo napansin?. "
"Wala—"Tumigil agad ako sa paglalakad ng makita ko ang aso sa harap ko.
Loui's POV
"Apo? Eto para sayo. "Tumigil ako sandali sa pag aayos ng gamit ko at inabot ang isang plastic ng pampasalubong.
"Thankyou po la. "
"Ako nga dapat ang magpasalamat dahil di ako naging malungkot ng isang linggo dahil sainyo."
"You're welcome po. "Nakangiting sabi ko at isinara na ang zipper ng bag.
Sumunod din ako sa lola ni Shylin sa paglabas.
"Cov?. "
"La kauspin ko muna si Louis. "
"Sige. "Bigla nya naman akong inakbayan.
"Umaasa si Shylin na may gusto ka sakanya. "Bulong nya.
"Ha?. "
"Tanga ? Di mo nadinig?! Kaylangang ipag sigawan?!. "Naitakip ko nalang ang kamay ko sa teynga ko dahil sa ingay nya.
"Impossible naman ata yon. "
"To too nga! Bahala ka kung ayaw mong maniwala dahil ako tumutulong lang naman. "
You're not helping.
"Mas mabuti pang puntahan mo sya don sa kwarto at kausapin mo uuwi lang ako para kunin ang flash drive ko sa bahay. Babalik din ako agad. "Tinulak nya pa ako.
Umalis din sya pagkatapos nyang sinabi yon. Di sana ako tutuloy sa pagpasok pero parang may nagtulak sakin na gawin ang sinasabi nya.
And moment pass by.....nandito ako sa tabi nya habang yakap sya.
I wanted to say that , I will never leave you anymore , and I never forgot you while I'm away with you. Sana ganon ka rin ,sana ganon din ang nararamdaman mo.
Hindi ko gustong lumayo sayo gusto kong palaging nasa tabi mo pero lahat ng gusto ko salungat sa gusto ng tadhanan para satin.
Bumalik ako sa ulirat ng itulak nya ako.
Ng utusan sya ng lola nya para sunduin si Cov ay sumunod din ako.
"Bakit ka tumigi—"Mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko.
"Wag kang gagalaw. "Nagtaka naman ako at tumingin sa harapan.
May mga aso na nakatingin samin.
"It's okay—"
"Shhh natatakot ako. "
"Kagaya ka parin ng dati. "Bulong ko.
"Ano? Anong dati?."Nakapikit na sabi nya habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko.
"Just close youre eyes I'll lead the way. "Dahan dahan naman akong naglakad at ako ang humawak sa kamay nya.
Ngumiti ako dahil nahawakan ko nanaman ang kamay nya gaya ng dati.
Dahan dahan akong naglakad hanggang sa makita ko si Cov na naglalakad din papunta sa gawi namin.
Nagsign naman ako na wag syang maingay.
Pero di nya ako sinunod at mapang asar na ngumiti.
"May chumachancing?!!!!!. "Malakas na sigaw nya, iminulat naman agad ni Shylin ang mga mata nya at agad na kumalas sa pagkakahawak ko sa kamay ko.
Nauna naman syang lumakad, napapagitnaan namin sya ni Cov.
"May aso. "
"Anong konek namana non at may pahawak ka pa sa kamay ni Louis?. "
"Takot ako sa aso. "
"Weh? Chumachan—"
"Stop bothering her. "Seryosong sabi ko kaya natigilan si Cov.
"Okay okay, sana oll kase may nagtatanggol."Natahimik naman kami ng biglang sumigaw si Cov. "Teka! mag picture kaya tayo?. "
"Mag isa ka. "
"Ang basag trip mo Shylin! Dali na! Tayong dalawa nalang Louis!. "
"Kung ayaw ni Shylin ayaw ko din."
"Sige na shylin!."Niyakap nya pa ang braso ni Shylin at parang bata na pumupilit na bilan ng laruan.
"Oo na sige na!. "
"Yehey!. "Parang bata uli na sabi nya at pinagtabi nya kaming dalawa ni Shylin ."Weyt kayo muna, pahiram muna nito. "Ipinakita nya pa ang phone ko na hawak nya.
Pano nya yon nakuha?
"One, two, three! , weyt isa pa!!! akbay ka kay Shylin, Louis. "Nilingon ko naman si Shylin , naramdaman ko nalang ang pagkuha nya sa isang kamay ko at iniakbay sa balikat nya.
"Okay na?. "Tanong nya at lumapit kay Cov."Kayo naman pitsuran ko. "Pag priprisinta nya at kinuha ang phone kay Cov.
"Yakapin mo si Louis , Cov, yan .....one two three. "Yayakapin nya sana ako pero tinignan ko sya ng masama.
"Kayo naman pitsuran ko. "Iniabot naman sakin ni Shylin ang phone ko at pinisturan ko nga sila.
Nasa gilid kami ng kalsada.
Pagkatapos non ay naglakad na uli kami pero nauuna samin si Shylin at sabay kami ni Cov.
Hinanap ko naman ang picture namin ni Shylin pero mukha ni Cov ang nakita ko.
"Hey? Bakit puro mukha mo toh?. "
"Naka front cam pala hehehehe. "Tinignan ko naman sya ng masama. Agad naman syang tumakbo papunta sa pwesto ng kaibigan nya. "Shylin! Aaway ako ni Louis. "Isip bata na sabi nya.
"Para kang tanga. Dalian na natin naghihintay na yung sasakyan. "Iritang sabi nya at binilisan ko na rin ang paglalakad.
Dumating narin kami sa tapat ng bahay at nakita namin ang mga bagahe namin na nakalagay na sa taas ng tricycle.
"Bibisita ako, mauuna na kami. "Kumalas narin si Shylin sa pagkakayakap nya sa lola nya.
"Mag iingat kayo. "
Pagkatapos magpaalam ni Shylin sa lola nya ay nauna ng sumakay si Cov saming dalawa. "Dito na ako sa motor sasakay, kayong dalawa sa loob. "Nauna namang pumasok sa loob ng tricycle si Shylin at sumunod ko sa tapat nya ako umupo.
"Tumabi ka na sakin. "Ginawa ko rin ang sinabi nya."Mukhang hirap na hirap ka. "Sabi nya pa habang nakatingin sa ibang direksyon.
Byumahe nadin kami agad.
"San ka mag sstay Cov?. "
"Sa bahay nila Shylin!."Nanlaki naman ang mga mata ko at tinignan ko si Shylin na nakaidlip.
"What?!. "
"Oo bakit?. "
"Bakit sa bahay ni shylin?. "
"Sabi nya kesa sa hotel, ang mahal kaya don. "
"Wala ka na ba talagang ibang titirahan?. "
"Wala!. "
"Sa apartment ko, kanalang muna makitira."
"Ha?! Talaga?!."
"Oo!. "
Ilang minuto kang ay nakauwi narin kami.
"Cov akala ko may hot—"Di naman siya pinatapos ni Cov at inakbayan na siya nito.
"Shylin!. "
"Sa bahay ako ni Louis ako makikitira muna."
"Ganon ba? Pero diba may ho—"
"Shylin! Mas mabuti pang pumasok ka na! Mukhang pagod ka na oh!."Tinignan pa muna ako ni Shylin at tumango.
Sign na 'mauuna na ko'
Tumango narin ako at nauna na sa tricycle.
Nag online din ako at binuksn ang group chat namin nila Zoely.
Wala naman bago, papatayin ko na sana ng data ko ng biglang nag sunod sunod ang notif kaya agad kong tinap ang icon ng message app.
Nag back read ako para malaman kung bakit may isang group nanaman na ginawa si Zoely.
"Why did you made a new groupchat? Its like were backstabbing Domson ."Loren
"Because i dont want Domson to know that we know something! "Zoely
Anong alam nila?
"How about this, komprontahin natin si Domson kung sino talaga si Kleo right?. "Loren.
"Okay. "Zoely
"Okay we close the case. "Loren.
"Basta ikaw ang gagawa."
"Why me? Kayo ang close ni Domson right? At ikaw lang naman ang di matigilan. "Loren.
"Edi san kung close kami di ako ngayon humihingi ng tulong sayo para alamin kung sino si Kleo 'ano' sya ni Domson diba?!. "Zoely
Ano ba talagang pinag uusapan nila?!
Magtatype na sana ako ng tumabi sakin si Cov.
Isa pa to.
"Sino yan?."
"Wala, bat ang tagal mo?. "
"May sinabi pa ako kay shylin eh, tara na! Asan yung bahay mo?. "
"Lakarin nalang natin. "
"Bakit malpit lang ba?. "
"Hindi. "
"Bakit natin lalakarin kung malayo pa pala?. "
"De joke lang tara na, malapit lang yon. "
"HAHAHAHAHAHA, NAKAKATAWA!. "Sarkastiko na sabi nya at nauna ng lumabas.
Lumabas narin ako at nakita ko sya na nauuna ng naglakad .
Tanga.
"HOY DITO HINDI DYAN!. "Malakas na sigaw ko at nauna na.
Sa kaliwang daan sya dumaan imbis na dito sa kanan.
Short POV of COV
Bumalik naman ako dahil nakalimutan ko ang pinapadalang ulam sakin ni lola.
Di muna ako pumasok daphil naririnig ko pa na nag uusap sila Shylin at Louis.
"What happen to him?. "
"Di ka ba naturuan ng mga magulang mo sa gawaing bahay?. "Nag aaway ba sila?
"Nope, I live alone sa isang apartment malapit—"Mag isa lang sya sa bahay kaya pala di sya marunong sa gawaing bahay.
Pero dahilan ba yon?
Natapos ang usapan nila dahil may tumawag kay Louis pumasok din ako agad, di ako napansin ni Louis dahil nakatutok sya sa phone nya habang palabas.
"Oh? Cov kala ko umuwi ka na?. "Sabi sakin ni Shylin ng mapansin nya ko
"Nakalimutan ko yung ulam. "
"Ahh kunin mo na tas umalis ka na. "
"Grabe ka naman!, kung palayasin mo ko para akong ibang tao. "
"Teka nga san ka pala titira kapag nakauwi na kame?. "
"May hotel kami sa titirhan don. "
"Hotel? Sosyal. "
"Oo talaga, sige mauna ko."
Present day
"Kala ko ba may hotel ka na titirahan?. "
"Sabi ni Louis don nalang raw ako sakanya makitira. "
"Buti pumayag sya. "
"Sabi ko kasi sayo ako makikitira kaya kahit di sya tinanong nag kusa na sya!. "
"Loko loko ka talaga!. "
"Tingin ko talaga may gusto yan sayo. "
"Kanino may gusto?. "Nakita ko naman ang ate ni Shylin.
"Si Cov may gusto kay Zoely. "Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Shylin.
"Ahhh. Pasok na Shylin. "
"Mmm, sige una na ko. "Nginisihan nya lang ako at pumasok na sya.
Extra Chapter
"Arf! Arf!. "
"Wag kang gagalaw! Pumikit kalang. "Sinunod nya rin ang sinabi ko. Mabilis kong hinawakan ang kamay nya at dahan dahang naglakad.
"Natatakot ako. "Mahigpit syang nakahawak sa kamay ko.
Ngumiti naman ako at tinignan din sya."Don't worry I'm here I'll always lead the for you. "
To be continued....