"OMG!? next month na pala ang birthday mo!” bulong ni Adina malapit sa tenga ko, sabay ngiti. Napangiti rin ako. Parang biglang bumilis ang oras. It’s the 3rd week of August and konti na lang—birth month ko na. In a few days, I’ll be turning 18. Ito rin ang napili kong pagkakataon para sa wakas ay maipakilala si Asher—ang boyfriend ko—kina Mom and Dad. “Adina, tone down your voice,” saway ko agad sa kanya. Hindi pa rin siya tumigil sa impit na kilig. Parang mas excited pa siya taon-taon sa birthday ko kaysa sa akin. Pero natutuwa rin naman ako. Alam kong mahal na mahal ako ni Adina. “Balita ko your mom has been super busy organizing your debut,” dagdag pa niya. Totoo naman. Sobrang busy na si Mommy. Sabi niya, dapat daw engrande ang party dahil maraming business partners nila ni Dad

