Weeks had pass nag uusap naman kami ni Asher through text message kagaya kanina nag update siya na papasok na siya. Hindi ako masyadong nakakapunta ng library dahil sa nangyari. Pag tinatanong niya kung pupunta ba akong library ay nag iisip kaagad ako ng alibi.
Pano naman kasi hindi talaga mawala sa isip ko iyong nangyari saaming dalawa. We kissed. That's my first kiss, may kung ano akong naramdaman at alam kong natatakot akong aminin kung ano iyon. Sa ngayon ay alam ko sa sarili ko na mag kaibigan kami. Pero itong puso ko may kung anong tinitibok. Hindi ako manhid para hindi maramdaman itong nararamdaman ko para sakanya. Natatakot lang ako na baka we're not on the same page.
"You seem frustrated.." Charmelle said. Nandito kasi siya sa upuan ko naupo nung nalaman niyang inaway ako ni Angelica. Absent kasi siya nung araw na iyon.
"Dahil ba ito dun sa Angelica na yon?" Sabi nito at tiningnan pa ang gawi ni Angelica.
"No." tanggi ko. "Ma-may iba akong iniisip." Agad na lumiwanag ang ekspresyon niya sa sinabi kong iyon.
"Mabuti naman.. Wag ka mag alala everyone knows how good you are kaya nandito ako.. kami.. para ipagtanggol ka."
"Thank you.." I mouthed.
Natuon din naman ang atensyon namin sa klase. Pagkatapos ng klaseng iyon ay dumiretso naman ako sa klase kung saan kaklase ko nanaman si Angelica.
"Tiningnan talaga ako ng crush ko!" sabi nito habang maarteng pinapaypayan ang sarili. "Sino banaman ang hindi mapapatingin saakin diba?"
"I agree.. knowing him minsan lang iyon tumingin sa ibang babae kagaya ng mga kaibigan niya. Kaya for sure may gusto iyon sayo." Pag sang ayon ng isang babae. Kaibigan niya ata. Hindi ko na din naman pinagpapansin iyon dahil hanggang ngayon ay lutang pa din ako.
Nag vibrate ng cellphone ko kaya agad ko itong binuksan.
Asher:
Lunch?
Wala nanamang awat ang pag t***k ng puso ko. Kagaya ng nakaugaliaan ko ng mga nakaraang linggo ay tatanggihan ko nanaman si Asher.
Me:
I still have class. Maybe next time?
Asher:
Ok..
I put my phone back to my bag dahil dumating din naman ang aming professor. We are all trying to listen sa professor namin when we are being interrupted.
"Excuse me. Is this Blaire's class room?" Nabaling ang atensyon namin lahat sa lalaking nagsalita. Nasa may pintuan ito ng pinto at gumagala ang mga mata sa kabuuan ng classroom.
Apat itong mga lalaki at mga nakatayo lang nang seryoso s may pintuan. As far as I remember itong nagsalita kanina ay Adina's crush.
Madami ang nag tataka. Na pati ako ay hindi na maipinta ng muka ng dahil doon. Ako ba ang hinahanap nila? o baka iba naman baka nagkamali sila ng room. Oo nga.
"Ah Mr. Sevastianos"
"Nandito si Blaire oh!" turo pa ng isang grupo ng mga babae saakin.
"Is she the Blaire you guys looking for gentleman?" Sabi ng aming professor. Hindi alintana ang na interrupt na klase namin.
Tiningnan ako ng mga ito sa seryosong paraan. Noong makumpirma ay tumango tango ang mga ito. Hindi naman nakatakas saakin ang mga mata ni Angelica na nanlilisik na. Nadinig ko pa ito na bumulong na "papansin".
"Miss Blaire.. mukang may kailangan saiyo sila Mr Sevastianos... You can leave the classroom now." Tatanggi na sana ako dahil baka may importanteng discussion at mahuli ako. Ngunit pinutol agad ako ng professor ko.
"Don't worry you are excused." Agad agad kong nilikom ang gamit ko at pumunta sa gawi ng mga ito. Lahat sila ay tamad na tamad na nag iintay saakin. Ng makalabas ako ay agad naman na napangisi ng lalaking nakasandal sa pader. Sa pagkakatanda ko sa pakilala ni Adina siya si Draven ata yon.
"Ma-may I know why are you guys looking for me?" Dahan dahan kong bigkas natatakot na baka magalit ko sila sa lalabas saaking bibig. Napayuko pa nga ako ar hindi ko masalubong ang mga mata nila. Mukang wala naman silang pakealam saakin. Mukang may pakay lang talaga sila.
"I told you.. she's different from her bestfriend.." Sabi noong lalaking nakaupo na sobrang nakakatakot. Sa pagkakatanda ko siya si Silas. Tamad lang siyang nakatingin saakin. Nakakaintimidate din ito kung tumingin.
"Just do what you guys wanted to do here. It's too boring." tamad na sabi ni Draven na nakahalukipkip na din sa gilid.
"Can you please wait, Draven. Sure ako papayag na yon sa lahat ng trip natin if we do this." Pangungumbinsi naman ni Arlo siya itong may nakakatakot na ngisi. Na parang may pinagtatakpan siyang kung ano sa mga ngiti niya.
"Just do it." mala awtoridad na sabi ng crush ni Adina. "Pag nalaman ito noong baliw na babaeng iyon siguradong ako nanaman ang pepestehin non."
Nagtataka lang akong magpabalik balik. Ano ba talaga itong sinasabi nila. Hindi ko maintindihan. Mga muka naman silang tamad na tamad sa ginagawa nila pero heto sila nag aaksaya ng oras. Sa aking pag iisip ay namataan ko nalang na nag tinutok na ni Arlo ang cellphone camera niya saakin at clinick ito. Tinapat pa niya nga ito saaming lahat at nag group-fie. Ni hindi ko nga sila nakita na mga ngumiti.
"She's too kind for her." ML3
"Angelic. I wonder if she's innocent also?" Sabi ni Arlo. Na nakaagaw ng atensyon nilang lahat. "What?"
"We have to go. If I where you wag kanang bumalik sa class mo. Dahil in a minute panigurado akong nandito na iyon." Nakatitig lang ako sa sinabi niya. Wala talaga akong maintindihan.
"Wait.. who?"
Tiningnan lang ako ng mga ito at tinalikuran. Wala na silang sinabi pa at umalis na. Dahil hindi ko naman magets ang mg pinagsasasabi nila ay akma ko na snang tatahakin ang hallway papuntang classroom ng biglang nauntog ako sa imahe ng isang lalaki. Tiningala ko ito at nakita si Asher. Ang ilang linggo ko nang iniiwasan ay nandito sa harapan ko.
Parang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam na ganito na pala kalala ang epekto niya saakin na halos gusto nang kumawala ang puso ko sa kalooblooban ko. I was indenial for the past few weeks or maybe months na mag kasama kami. Pero I must say na I have feelings for him kasi kung wala bakit ganito?
"Why are you here?" He asked coldly. Napalunok ako ng aking sariling lawy hindi alam kung anong isasagot. Nakatitig ako sa mga labi nitong mapupula. Grrr ang sarap nalang halikan noon.
"Ah.. I-I.." Nauutal utal kong sabi.
"Why did you go with them?" Sabi nito na may tabang ng boses. "You even take picture with them! ni tayo nga wala noon."
"Kasi they're looking for me.. Ba-baka meron silang kailangan saakin. It would be rude if—" bago ko pa matapos ng sasbaihin ko ay hinatak na niya ako papuntang stock room malapit sa hallway kung nasaan kami.
The stock room was so dark. Meron lamang konting liwanag na sumisilay doon. Sapat lamang para makita namin ang isat isa. He was looking at me intently ng makapasok kami at isinara niya ang pintuan.
"Why are you avoiding me for weeks huh? tapos makikita kitang kasama ng mga kaibigan ko?" he said bakas sa muka nito ang pagkafrustrated. I know I was wrong. Iniiwasan ko siya.
Kaibigan? so mga kaibigan niya ang mga iyon. But I didn't know that.
"Sorry.. It's just that I'm busy.." bulong ko
"Bullshit. You are not." nanalaki ang mata ko sa sinabi niya kasabay noon ang malakas na tunog dahil sa pagsipa niya sa upuan.
"I was just thinking na baka.."
"Baka?" nanunuyang tanong nito.
"Na baka you're not comfortable with me anymore.."
"Why?" he asked.
"Because of what happen sa library. I'm sorry for what I did. That's why I'm distancing myself from youu." malungkot kong sabi sakanya.
Tumaas lamang ang kilay nito at dahan dahanng lumalapit saakin.
"You know how jealous I am right now!" sabi nito habang nakakuyom ang mga kamay. Sobrang lapit na din namin sa isat isa ng dahil sa ginagawa nitong paghakbang.
Pinipilit kong umatras upang magkaroon kami ng espasyo ngunit wala na din ako nagawa ng tumama ang aking likod sa isang malaking pader.
"You don't know what I want to do and what I can't control when I'm jealous.." Dahan dahan nitong sabi na halos pabulong na.
"Do you wanna know what I can do when I'm jealous?" Sabi nito habang dahan dahang inillapit ang mga muka saakin. Wala sa sarili akong napatango. Nakita ko naman itong napangisi at agad agad na inangkin ang king labi. Mabilis lamang iyon at agad agad na tinuon ang atensyon niya sa aking mga mata. I was still in shock kaya nakaparte ang aking dalawang labi. It's our second time na nag kiss. I blush instantly.
"Sorry.." I whispered.
"Sorry for what?" bulong niya saaking labi at hinalikan muli ang aking mga labi. This time alam kong hindi nalang ito isang simpleng halik. Marahan niya itong ginalaw sa ritmong nakakadala.
Nadadala na ako ng halik niya at nahulog ang aking mga mata sa pagpikit. Ang aking mga kamay na nasaaking tagiliran ay parang kusang iginagaya sakanyang balikat. Hinawakan ko ito upang makakuha ng balanse. Tumitindig ang aking balahibo ng dahil sa kanyang mga halik. Ang puso ko ay halos luluwa na ng dahil sa kanyang paghalik.
"Asher.." pilit kong bulong habang walang tigil padin ito sa paghalik saakin. Ang kanyang kamay ay nag lakbay na saaking bewang at ang isa naman ay sa aking pisngi. May kung ano nang kakaiba sa aking tiyan na hindi ko lubusan maintindihan.
"Hmmm.." ungol ko. He breath deeply as he stop again. Tinitigan pa ako nito bago ako sunggaban ng panibagong halik.
"Blaire.." Sabi nito sa pagitan ng aming mapusok na halik. Nagsimula nanaman gumalaw ang kanyang mga labi na sinasabayan ng aking mga labi. Ni hindi ko alam kung tama ba itong aking ginagawa. Ni hindi ko alam na kaya ko pala itong magawa.
"It-It's my first tim, Asher"
Nagsimulang gumalaw ang kanyang labi sa ibaba at lumipat sa itaas. He suck my lips so hard that makes me moan even more. His hands where also travelling in my butt. Tuluyan na akong tinakasan ng aking katinuan. He slowly kiss me after he suck my lips. It was a kiss full of passion.
Hindi kagaya nung una naming halik. Ibang iba ito kumpara doon. Naputol ang halikang iyon na parehas naming hinahabol ang aming hininga he was still holding my bewang while breathing heavily.
"It was my first kiss. You are my first kiss" Mahina kong sabi na ikinangisi nito.
"I'm glad I am your first kiss." at pinatakan muli ako ng mababaw na halik.
"Don't you ever ignore me again. I already mark your lips."
"Asher.. I like—" bago ko pa iyon matuloy ay hinalikan nanaman ako nito ng mababaw.
"I like you Blaire.. I want you to be mine and I want me to be yours"
"I'll court you."
Ayon ang linyang paulit ulit na umiikot sa aking isipan. Kahit ng makauwi ako sa bahay ay hindi pa din ito nag sisink in saakin. So he will court me? I want to say yes. Kung pwede nga siguro ay sagutin ko na siya. But mommy is strict about that maybe I should keep it a secret?
Sa gitna ng aking pag iisip ay tumunog ang aking cellphone ang mensahe agad ni Asher ang nakita ko. Kasunod nito ay ang mensahe naman ni Adina. I just look at Adina's message na "What happen? ano yung nababalitaan ko??" na hindi ko naman binuksan at agad na clinick ang mensahe ni Asher.
Asher:
I missed you.
My face automatically turns red. Halos magtalakbong ako ng kumot sa sobrang kilig sa menshe niya. Calm down, Blaire. Calm down.
Hindi ko pa ito narereplyan ay may panibago nanaman mensahe ang bumungad saakin.
Asher:
I'm serious about earlier. I wanna court you Blaire. I want you to be mine.