Hindi pa ako makapasok sa opisina no Haze dahil may importanteng meeting pa daw ito. Kanina pa ako dito at kanina pa din siyang may kinakausap doon. Ang sabi bg staff ay pangalawa na daw iyon na importanteng tao ang bumisita kay Haze. Ang una daw ay lalaki, dinig ko sa bulong bulungan. Narinig ko ang bulungan ng dalawang babaeng empleyado sa gilid. "Gwapo 'yung lalaki kanina. Ngayon ata babae naman," sabi ng isa, sabay tawa. "Muka namang hindi meeting tungkol sa kompanya ang pinag uusapan nila ngayon. Noong una yung lalaki pamilyar pa e businessman din yon." Naagaw ng atensyon ko ang pag bukas ng pintuan ng opisina ni Haze. Napalingon ako sa pintuan ng opisina ni Haze. May lumabas na babae—matangkad, elegante, pero lukot ang mukha. Parang may hindi magandang nangyari. Hindi niya a

