Amelia's POV:
Kinabukasan ay maaga kaming nag-impake. Excited na binulabog ako ni Reyna sa aking silid. Ni hindi ko pa nasusubukan ang magswimming sa tanang buhay ko at maghotel. Hindi ko nga lubos akalaing may oras pa kami para magrelax.
May dala pa nga akong two piece swimsuit na bigay mula sa amin ng Project Artus kasama na ng iba pang mga damit na maaari naming gamitin. Si Reyna naman ay tuwang-tuwa akong kinukwentuhan.
"Alam mo masayang magswimming! Naku, tiyak kong mag-eenjoy ka. Hindi katulad noon sa dagat na tumakas tayo at hindi ka pa marunong lumangoy. Akong bahala sa iyo at aayusan kita ng bongga. Para naman makonsensiya sa iyo si Equinox dahil sa pang-iiwan niya," sabi ni Reyna.
"Huy, ano ka ba. Hayaan na natin si Equinox. Binibigyan ko siya ng space at hayaan na natin siyang makapag-isip. Alam kong marami na siyang iniisip kaya binawas niya ako roon," sabi ko.
"Tsk, no hard feelings pero tanga si Equinox. Bobo amputa, iniwanan ka para saan? Para makapagfocus sa pag-aaral natin? Ayaw niya bang sumaya? Baka nga bukas ay hindi natin alam patay na tayo hindi man lang kayo nag-enjoy sa buhay!" pagrarant ni Reyna.
"Hoy tumigil ka nga. Masama iyan at baka magkatotoo," saway ko kay Reyna.
"Ewan ko sa iyo, Amelia. Magbihis na nga tayo," yaya naman ni Reyna.
Dala na ni Reyna ang mga gamit niya rito sa aking silid. Kahapon pa siya nakaayos at talagang excited ang gaga.
Ang isinuot ko ay isang black summer dress habang si Reyna ay isang yellow sunflower dress na di-tali ang strap. Beach slippers lamang ang isinuot namin sa paa. Nagshades din kaming dalawa.
Binitbit na namin ang aming mga bag at bumaba. Kami na lang palang dalawa ang nahuli at nakasakay na silang lahat sa bubble bus. Pinagtitinginan naman kami ng mga siyentipikong na narito sa Project Artus site. May narinig akong nagsabi pa na ang ganda raw namin.
Nauna si Reyna na sumakay. Tumabi siya kay Fire. Nang ako na ang hahanap ng mapupwestuhan ay tabi na lamang ni Dion at Equinox ang bakante. Taimtim namang nakatitig sa akin ang berdeng mata ni Equinox na parang nagsasabing tumabi ako sa kaniya.
Nginitian ko lamang ito at tumabi kay Dion. Ngising aso naman ang loko. Hindi ko na tiningnan pa ang reaksyon ni Equinox. Kahit mahal ko siya ay masama pa rin ang loob ko sa kaniya.
Saglit lamang ang naging byahe bago kami nakarating sa Aguaberde Hotel. Hindi ko rin pinansin si Dion dahil nakatulog ito. Nalaman ko namang pag-aari ni Tita Ashima ang Aguaberde Hotel kaya sana ay na roon siya. Gusto ko man lang siya mabati at mayakap pagkatapos ng napakatagal na hindi namin pagkikita.
Nang makapasok kaming siyam sa hotel ay namangha ako sa arkitektura. Kahit moderno ang labas nito, ang loob ay elegante at classical ang disenyo. Nakakagaan din sa pakiramdam ang atmospera.
May mga crew namang lumapit sa amin at tinulungan kaming magbitbit ng bag. Bago pa ako makalakad papunta sa elevator ay nahagip ng mata ko si Tita Ashima. Agad akong napangiti at tinawag siya.
"Tita Ashima!" sigaw kong tiyak na maririnig niya.
Napalingon naman sa akin si Tita Ashima. Nang makita niya ako ay agad siyang tumakbo sa direksyon ko. Tinakbo ko rin ang aming distansiya at nagyakapan kaming dalawa.
"Na miss ko po kayo!" masaya kong sabi nang magbitaw kami ng yakap.
"Na miss din kita, Amelia. Naku, marami tayong dapat pag-usapan. Mamaya ay magkwentuhan tayo. Marami rin akong nabalitaan tungkol sa kontrobersiyal na nangyayari sa Project Artus. Mag-aalok muli kami ng maitutulong sa inyo," nakangiting sabi ni Tita Ashima.
"Maraming salamat po ha. Pakibati na lang po muna ako kay papa maging kay Amanda at Miguel," nakangiti kong sabi.
"Sige ba, see you later. Enjoy ka rito sa hotel," paalam ni Tita Ashima at naglakad palayo.
Sumakay na ako sa elevator, ako na lamang pala ang nahuli sa aming lahat. Nang bumukas ang elevator ay nauna ang crew. Tumigil kami sa isang pinto at kumatok muna siya bago buksan. Ipinasok niya ang mga gamit ko sa loob.
"Pasok na po kayo," magalang nitong sabi bago umalis sa aking harap.
Napalunok naman ako bago pumasok sa loob. Bumungad sa amin ang nakakasakal na paligid dahil alam kong nandito si Equinox. Mahihiya akong maggagalaw.
Nang matanaw ko siyang nakasilip sa bintana ay kinuha ko ang aking maleta at ipinasok sa walk-in closet. Nagvibrate naman ang cellphone ko kaya agad ko itong tiningnan.
From Reyna:
Bihis ka na, Ameliaaaa! Taralets na at magswimming. Intayin kita sa taas ha.
Napailing naman ako nang mabasa ang chat ni Reyna, hindi halatang excited siya ha.
Mabilis akong nagbihis ng swimsuit. First time ko magsusuot nito kaya medyo nahihiya ako ngunit tulad ng itinuro ni Reyna, confidence is the key. Nakasuot ako ng itim na two-piece swimsuit.
Lumabas ako ng walk-in closet na may bitbit na balabal sa braso. Napatitig naman sa gawi ko si Equinox at nagtaas-baba ang kaniyang mata sa katawan ko. Napalunok naman ako.
Nang magtamang muli ang aming mga mata ay napatiim-bagang ito. Agad siyang lumapit sa akin ay ikinulong ako sa mga braso niya kaya wala akong kawala.
"Ano iyang suot mo, Amelia?" seryoso niyang tanong.