CHAPTER 1

1125 Words
Amelia's POV: Masama ang mga tinging ipinupukol sa akin ni Dion. Dahil siguro ito sa ginawa kong pangbabasted sa kaniya. Hindi ko naman mapipigilan ang damdamin ko kung si Equinox ang isinisigaw nito. Kahit naman hiniwalayan niya ako noon sa gitna ng engkwentro namin sa mga sundalo, siya pa rin talaga. Ngunit talagang sobrang sakit ng ginawa niya. "Ang lalim na naman ng iniisip mo, tsk. Nahuli na nga tayong siyam pagkatapos tulala ka pa rin? Maggagalaw ka naman d'yan," pang-iinis sa akin ni Dion. "Huwag mo nga akong pakialaman. Ano ba ang gusto mong gawin ko? Magsasayaw dahil nahuli tayo nung mga pulis ng Project Artus? Lumayo ka nga sa akin, bakit kasi ikaw pa ang nakatabi ko rito sa selda. Pwede namang babae na lang din. Si Aquafina o si Reyna," inis kong sabi. "Kasi alam nilang kapag pinagsama kayong tatlo, kayang-kaya niyong makatakas. Kapag ako ang kasama mo ay hindi ka makakaisip ng matino. Bubwisitin lang kasi kita," nakangising pang-aasar pa ni Dion. Sa inis ko ay sinipa ko siya sa binti. May dalawang linggo na kaming nakakulong mula noong engkwentro sa mga sundalo. Wala kaming nagawa nang hagisan nila kaming lahat ng net. Tinurukan pa nila kami ng mas mataas na gramo ng pampatulog na talagang dinisenyo upang makontrol kami. Mga hayop na ito, may araw din talaga ang Novachrano na iyon. Matanda na nga, ubod pa rin ng sama. Baka lumampas na siya sa impyerno kapag namatay siya. Hindi ko rin alam kung ano ang sasapitin namin ngayong nasa kamay na kami ni Novachrano dito sa Project Artus site. Wala pa man din ako sa pokus dahil sunod-sunod ang away namin ni Equinox. "Amelia, umayos ka nga!" "Ano ba Amelia, ang isip bata mo! Misyon ang unahin natin at hindi kung ano ang mayroon tayo. Paganahin mo ang utak mo at mayroon pa tayong mas malaking responsibilidad." "Maghiwalay na tayo, Amelia! Kahit sa gitna ng labanan ay puro ka pag-ibig! Walang maidudulot sa atin iyan lalo na kapag namatay tayo!" Napailing naman ako nang muli akong bumalik sa katinuan. Hindi ko dapat iniisip ang nakaraan. At saka tama naman si Equinox, hindi ko dapat siguro talaga pairalin ang pag-ibig sa gitna ng aming responsibilidad. Ngunit kahit hiniwalayan niya ako, siya pa rin ang mahal ko. Hihintayin ko kung kailan magiging maayos ang lahat at maging pwede na kaming dalawa. Napaangat ako ng tingin nang bumukas ang pinto sa selda namin ni Dion. May mga pumasok na malalaking lalaki na nakaitim. Pinatayo nila kami ni Dion at hinawakan sa braso. Tinanggal naman nila ang posas namin. Kinaladkad nila kami hanggang sa makapasok kami sa isang silid. Magaan naman ang hawak nila sa aming braso. Pina-upo nila ako sa isang pabilog na mesa. Hindi nga lang pala ako, maging ang lahat ng kaibigan kong kasama sa engkwentro. Ako, si Dion, Condor, Helix, Aquafina, Gene, Reyna, Fire, at si Equinox. Nagkatitigan pa kami ni Equinox ngunit agad din akong nag-iwas ng tingin. Pumasok naman si Dra. Yen. Ngayon ko lamang ito nakita ng personal. Hindi tulad noon sa video na napanood ko na bata pa ito, natural namang tumatanda ang isang tao. Siya ang sekretarya ni Novachrano na medyo mabait naman. Si Novachrano ang purong demonyo. "Magandang araw sa inyong lahat. Ako si Dra. Yen, ang sekretarya ni Dr. Novachrano. Lihim ang meeting ko sa inyong ito kaya sana ay walang makakalabas na mensahe. Sa pagitan ko at ninyo lamang ang impormasyong aking ilalabas. Magiging malaki ang kontribusyon niyo sa mangyayaring ito," panimula ni Dra. Yen. "Ililihim? Kontribusyon? Muntik niyo na nga kaming patayin na lahat tapos hihingiin niyo ngayon ang tulong namin? Huwag niyo nga kaming niloloko," matapang at naiiritang sabi ni Dion. May punto naman siya. "Hindi ako ang nag-utos no'n, sa tangkang pagpaslang sa inyo at sa lahat ng p*******t. Ako pa nga ang tumulong sa inyo noon upang makatakas kayo mula sa bansang una kayong naharang. Mabuti ang puso ko hindi katulad ni Dr. Novachrano. Kailangan ko kayo para sa pag-aaklas," sabi ni Dra. Yen. Napataas naman ang kilay ko, doon niya nakuha ang aking atensyon. Paano niya patutunayan iyon? At anong klaseng pag-aaklas? "Paano mo papatunayan? Ikaw ang papalit kay Dr. Novachrano? Hindi mo kami makukumbinsi kahit matatag pang ebidensiya. Ang gusto namin ay ibang mamumuno kung makukumbinsi mo kami sa propaganda mo," pagsasalita ko. "Nagleak ang videos ng p*******t sa The Ones noong kabataan nila kaya agad na nagtulong-tulong ang ibang bansa upang mapasok ang Xenoland dahil sa mas pinahigpit na seguridad. Sa ngayon ay hawak ng Treshold ang seguridad ng nakararami habang si Dr. Novachrano ay lalabas mamaya sa telebisyon upang mahatulan kung totoo nga ba na utos niya ang lahat at kagagawan. At upang mapatunayan ang lahat ng kaniyang kasaluhan, kailangan niyong tumayo at maging witness. Mag-aaklas ang lahat ng may ayaw sa pamumuno ni Dr. Nvachrano dito sa Project Artus,," sagot sa akin ni Dra. Yen. Natatawa naman si Equinox kaya napagawi ang tingin ko sa kaniya. Napalunok naman ako, hindi dapat lumilipad ang isip ko. Napakagwapo niya sa anggulong ito. "Paano mo masasabing hindi ka madadamay maging ang ibang siyentipiko? At sino naman ang ipapalit mo sa baliw na iyon?" tanong ni Equinox. Napaiyak naman naman si Dra. Yen nang may iplay siyang video upang mapanood namin. Napatayo ako at nanlaki ang mata maging ang iba. Video ito na katunayang sinasaktan siya ni Dr. Novachrano maging ang ibang kababaihang siyentipiko. Nanlaki pa ang mata ko nang dakutin ni Novachrano ang pang-upo ni Dra. Yen ngunit nang itulak niya ito ay sinampiga pa siya. "Minamaltrato niya kami at kinukulong. Pinanatili niya kami sa pwesto dahil maraming magtataka kung papalit-palit siya ng board of committee. Ginagawa namin ang lahat ng labag sa loob namin. Maaari din magkaroon kayo mismo ng imbestigasyon sa aming lahat, hindi namin kayo pipigilan. Ang hinihingi lang namin ngayon ay ang kooperasyon niyo. At ang ipapalit na mamumuno sa lahat ng paplanuhin ay kayong siyam. Magiging pinuno kayo ng bawat departamento," malungkot na sabi ni Dra. Yen. Tumayo ako ay tinaas ang kamay. Napatingin naman sila sa aking lahat. "Pumapayag akong maging testigo. Pumapayag din akong maging pinuno si–" Bago ko maituloy ang aking sasabihin ay padabog na tumayo si Equinox sa kaniyang kinauupuan. Mabilis siyang naglakad papunta sa akin at hinablot ang kamay kong nakataas. Hinila niya ako palabas ng silid. May mga nakabantay naman sa amin ngunit hindi niya ito inalintana. "Nag-iisip ka ba? Dapat natin itong pag-usapang lahat at hindi basta-basta ka lamang magdedesisyon na mag-isa! Ano ka ba naman! Paganahin mo naman ito!" malakas na sigaw sa akin ni Equinox habang nakaturo sa kaniyang kukote. Naluluha ako, hindi niya ako sinigawan ng ganito. Naninikip din ang aking dibdib, bakit ba ang sama niya sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD