Chapter 5

1585 Words
Marahas at mapusok ang bawat halik ni Kyle sa akin. Hindi maipagkakaila ang diin sa bawat dampi ng labi niya. Alam kong galit na galit siya ngayon. Halata naman iyon sa galaw niya. Gusto kong magpaliwanag at linawin sa kanya ang lahat ng nakita niya, ngunit hindi ko magawa. Masyado akong nadadala sa ginagawa niya ngayon, kaya kahit ang mag protesta man lang ay hindi ko kayang gawin. “Akin ka lang, Yssabelle,” namamaos niyang sabi sa pagitan ng kanyang mga halik. Ang mga kamay niya’y dumadapo na sa iba’t-ibang parte ng katawan ko. Bawat haplos niya ay nakakaliyo, tila sinisindihan ang init sa bawat hibla ng pagkatao ko. Mas lalo pang tumindi ang ginagawa niya sa ‘kin nang suklian ko na ang halik niya. Ilang sandali pa ay iniwan na niya ang aking labi para pagtuonan naman ng pansin ang aking leeg. Hinalikan niya ako do’n at nararamdamn ko ang marahas niyang pagkagat at pagsisip sa parting ‘yon. Mumunting mga halinghing ang pinakawalan ng aking bibig dahil sa kiliting hatid ni Kyle. Ipinulupot ko pa ang mga binti ko sa kanyang baywang para lang mas maramdaman ko siya. Hindi ko na alam! Masyado na ‘kong nababaliw sa iba’t-ibang sensasyong hatid ng hawak at halik niya. Unti-unting tumungo ang isang kamay niya sa laylayan ng aking suot at walang pasubaling itinaas ito. Panandalian siyang tumigil sa paghalik sa ‘kin para pagmasdan ang katawan ko. Lumandas ang palad niya sa telang tumatakip sa aking dibdib. “Aah… Kyle,” ungol ko nang pisilin niya ang aking dibdib. Nagpatuloy ulit siya sa paghalik sa ‘kin. Binalikan niya ang labi ko. Ang isa pang kamay niya ay naging abala na rin dahil nahanap na nito ang pinaka sensitibong parte sa gitna ng aking katawan. Paulit-ulit ang mga ungol ko dahil ramdam na ramdam ko ang mga daliri niyang nilalaro ang kaibuturan ko. Masyado na akong lasing sa ginagawa ni Kyle at hindi ko na matandaan kung paano niya nahubad ang lahat ng suot ko. Habang siya, tanging boxer shorts na lang ang suot. Nakaluhod siya sa pagitan ng mga hita kong malawak na naka parte. “You are mine, Yssabelle. Remember that…” seryoso niyang sabi pagkatapos ay muli akong hinalikan. Kinagat ko ang ibabang labi ko para sana pigilan ulit ang pagdaing ko, ngunit hindi ako nagtagumpay. Mas nangingibabaw na sa ‘kin ang nagniningas na apoy sa katawan ko. Gusto ko itong nagyayari. Gustong gusto ko. Hinalikan ni Kyle ang aking panga pababa sa leeg. Nagtagal siya ng kaunti sa parteng ‘yun, pagkatapos ay naglakbay muli ang kanyang labi pababa. Wala siyang pinalampas. Hinalikan niya ang dibdib ko na siyang mas lalong nagpa ungol sa akin. Hindi ko alam kung saan ko pa ibabaling ang ulo at kamay ko. Sa huli, kumapit ako sa ulo ni Kyle at mas lalo pa siyang idiniin sa ‘kin. “You like this, huh?” aniya habang hinahalikan at sinisipsip ang tuktok ng aking dibdib. Hindi ako nakasagot dahil alam kong ramdam niya kung gaano ko kagusto itong nangyayari. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at hinayaan na si Kyle na maghari sa katawan ko. Bumaba pa ang mga halik niya hanggang sa mapadpad na ito sa aking gitna. Minulat ko ang aking mga mata at bahagyan nilingon si Kyle. Nandoon na siya, nakaharap sa pagitan ng mga hita ko. Hindi ko kayang tagalan ang gano’ng posisyon kaya naman humiga na lang ulit ako. Kinuyom ko ang aking mga mata sa bedsheet. “You’re so warm, Yssabelle,” sambit ni Kyle habang ipinapasok ang dalawang daliri niya doon. “Ahh…” Sobrang tindi ng pinaparamdam niya sa ‘kin, lalo na ng sinamahan ng dila at labi niya ang kanyang mga daliri. Nakakaliyo, nakakabaliw ang lahat ng nangyayari. Nagpatuloy lang siya sa ginagawa hanggang sa maramdaman ko na ang kakaibang init na namumuo sa aking kaibuturan. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang panghihina, kasabay ng panginginig at pagungol. Hindi pa man ako tuluyang nakakabawi sa ipinaramdam niya ay hinawakan na niya ang mga binti ko at hinila palapit sa kanya. Minulat ko ang aking mga mata at nakita si Kyle na wala na ring ni isang saplot sa katawan. Nakaluhod siya habang hawak ang mga binti ko. Nagkatinginan kaming dalawa. Mapungay na ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung ano’ng nangyari sa akin, pero bigla na lang akong umupo para lumebel sa kanya. Kita ko pa ang pagdaan ng panandaliang gulat sa reaksyon ni Kyle. Inayos niya ang kanyang upo pagkatapos ay inalalayan niya ako sa pag-upo sa mga hita niya. Nakakandong ako paharap sa kanya ngayon. Hinaplos ko ang kanyang mukha at binigyan siya ng matamis na ngiti.  “I love you so much, Kyle…” Hindi ako nakatanggap ng kahit na anong sagot mula sa kanya. Pero ayos lang ‘yon. Yumakap ako sa kanyang leeg at ako na mismo ang humalik sa kanyang labi. Sa una ay hindi niya ako tinutugon. Pero kalaunan, sinuklian na niya ito. Ang mga kamay niya ang nasa baywang ko, marahang hinahaplos ito. Inayos ko ang pagkakaupo ko sa kanyang kandungan. At dahil sa paggalaw kong ‘yon, tumama ang sa kanya sa akin. Natigilan ako sa paghalik at ibinaba ang tingin sa pagitan namin. Ilang beses akong napalunok nang makita kung gaano nga ba siya kahanda. Hahalikan ko sana ulit si Kyle pero bigla na lang niya akong marahang tinulak pahiga. Ang akala ko’y papaibabaw siya sa akin. Laking gulat ko na lang nang humiga rin siya pagkatapos ay hinila ako paibabaw sa kanya. Napadaing pa ako ng kaonti dahil tumama ako sa kanyang gitna. “Now, Yssbelle… it’s your turn to pleasure me,” ako na ngayon nasa itaas. Alam ko ang ibig niyang sabihin at sinunod ko ‘yun. Sa unang hawak ko pa lang, napapikit na agad siya. Nanatili lang ang mga kamay niya sa baywang ko. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Ang aking mga kamay ay gumagalaw sa isang pamilyar na ritmo. Dumiin naman ang kapit ni Kyle sa baywang ko dahil sa panggigigil. Mas lalo ko pang ginalingan ang ginagawa. Ang mga kamay ko ay mabilis ng tumataas at bumababa. “Stop, I’m going to come…” pigil ni Kyle sa mga kamay ko. Magsasalita pa lang sana ako ngunit inangat na niya ang baywang ko at ipinasok ang kanya sa akin. Halos mapasigaw ako ng malakas sa pinaghalong sakit at sarap. Itinaas pa ni Kyle ng kaunti ang sarili niya para mas maipasok iyon ng sagad sa ‘kin. Tuluyan na akong nasakop ng apoy. Kumalat na ito sa sistema ko at hindi ko na alam kung paano pa ito patayin! “Uhh…” mahingang ungol ko nang magsimulang gumalaw. Ginabayan pa ni Kyle ang balakang ko, pataas at pababa. Nang makuha ko na ang tamang tyempo ay hinayaan na niya akong mag-isang gumalaw sa ibabaw niya. Nakahawak lang ang mga kamay niya sa baywang ko. Ako naman, hindi ko na alam kung saan pa kakapit. Kaya naman nilagay ko na lang ang dalawang palad ko sa dibdib ni Kyle para mas bilisan pa ang paggalaw. Ang paghingal ko ay may kasamang sigaw at halinghing. Hindi ko na maipaliwanag ang lahat! Pumikit na lang ako at tumingala. “F*ck!” Marahas na sigaw ni Kyle. Natigilan ako sa ginagawa dahil muli niyang pinagpalit ang posisyon naming. Siya na ngayon ang nasa itaas. “I want you to come with me, ‘kay?” Tumango lang ako. Kinagat ko ang aking labi nang maramdaman ulit ang pagpasok niya sa loob ko. Hinalikan ulit ni Kyle ang labi ko kasabay ng mabilis niyang paggalaw. Hindi ko na masabayan ang labi niya dahil mas nakatuon ang atensyon ko sa nangyayari sa ibabang parte ng katawan namin. Sinabayan ko siya sa bawat paglabas at pagpasok niya. Para kaming sumasayaw at kuhang kuha ang tamang tyempo. Ilang mabibilis na galaw pa ang ginawa namin hanggang sa maramdaman kong malapit na naming marating ang wakas. Tumigil na sa paghalik sa labi ko si Kyle nang maabot na namin ang katapusan. Sumabog ang mainit niyang likido sa loob ko at kumalat ito sa aking kaibuturan. Pareho kaming hingal na hingal, halos hindi na makapagsalita sa tindi ng nangyari. Pagod na bumagsak si Kyle sa dibdib ko at marahan niyang tinanggal ang kanya sa akin. Sinuklay ko ang kanyang buhok gamit ang aking mga daliri. Medyo hinihingal pa rin ako, kaya sigurado akong naririnig niya ang malakas na pagtibok ng puso ko. Hindi kami nag iimikan pagkatapos ng nangyari. Gusto ko sanang magsalita para pag-usapan ang nakita niya kanina sa coffee shop ngunit natatakot ako. Baka magalit lang siya ulit sa akin. Pero sana, naramdaman niya sa ginawa namin na siya lang ang mahal ko. At hindi ako magdadalawang isip na gawin ulit ito kasama siya. Si Kyle lang ang lalaking kaya kong pagbigyan sa sarili ko. Siya lang… wala ng iba. Natigilan ako sa malalim na pag-iisip nang bigla na lang magsalita si Kyle. “Not bad. Magkano ang ibabayad ko sa ‘yo?” Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Nanikip bigla ang dibdib ko dahil sa matalim niyang mga salita. Hindi ko alam kung bakit ba ganitong imahe na ang nakapinta sa utak niya. Mabilis na tumulo ang mga luha ko dahil do’n pero agad ko rin naman pinunasan ang mga ito. Ganyan na lang ba talaga ang tingin niya sa akin? Isang bayarang babae?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD