"Saan ka galing?" salubong ko kay Yssabelle pagpasok niya sa kwarto namin. Pinilit kong hindi isipin ang mga nakita ko kanina. Wala lang ‘yun, kaibigan lang niya yung lalaking kasama niya. Alam kong ako ang mahal niya. May tiwala ako sa kanya, kaya hindi dapat ako matakot. Mukhang nagulat pa siya nang magsalita ako. Akala siguro niya ay natutulog na ‘ko. "Ah, lumabas lang kami ng kaibigan ko…" nauutal na sabi niya. "Sinong kaibigan?" tanong ko, walang tono ng pagdududa. Isinara niya ang pinto at naglakad siya patungong closet. "Wala. Hindi mo naman kilala…" kumuha siya ng damit at pumasok sa banyo para makapagbihis. Nakasuot na siya ng pantulog paglabas niya ng banyo. Imbis na humiga, umupo siya sa gilid ng kama. Kaya naman bumango ako at tumabi sa kanya. "May problema ba?" hinapit k

