Epilogue

1649 Words

Three months later "Nauna ka sa akin ngayon, ah…" sabi niya. Tumabi siya sa akin. "Oo. Palagi mo kasi akong inuunahan." sinulyapan ko siya ng mabilis bago magbaba ulit ng tingin. "Ang sabihin mo, inuunahan mo lang talaga ako," umismid siya sa akin. "Ikaw talaga…" ginulo ko ang buhok niya pagkatapos ay ngumuso siya. "Lagi mo na lang ginugulo ang buhok ko. Hindi naman ako bata!" nagkunwari syang naiinis. Sa tatlong buwan na kasama ko siya, naging malapit na kami sa isa't isa. Siguro kung hindi niya ako nakita tatlong bwan na ang nakakaraan, baka wala na rin ako. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil iniligtas niya ako. Kaso lang, mas gusto ko nang mamatay noong mga panahong yun para makasama ko na si Yssabelle. Sa hindi inaasahang panaho, nakita ako ni Carla sa parking lot ng bar.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD