Sa bawat araw na hindi ko nakikita si Yssabelle, parang unti-unti akong pinapatay. Hindi ko na alam kung nasaan na nga ba siya ngayon kasama ang pamilya niya. Malapit na ‘kong mabaliw sa kakahanap sa kanya. Halos halughugin ko na ang bawat sulok ng Pilipinas para lang makita siya. Ilang buwan ko na nga ba siyang hindi nakikita? Mahigit isang buwan na rin ang lumipas. Lahat ng taong malapit sa kanya ay hindi ko na rin makita. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Araw-araw iniisip ko kung ayos lang ba siya, kung magaling na ba siya. Ang hirap ng ganito, nagkahiwalay kami nang dahil sa maling paniniwala. Naiisip ko rin kung mahal pa ba niya ako, kung iniisip pa rin ba niya ako gaya ng pag iisip ko sa kanya. Nakapinta pa rin sa isip ko ang bawat ngiti niya sa akin. Gusto ko na ulit makita ang mg

